31- New life , New lie

5 2 0
                                    


"Hoy , dahan dahan ka lang sa paglalakad. Nakita mo ng para kang may dalang tatlong mabibigat na pakwan eh!" Inis na sabi ni Gella habang inaalalayan akong maglakad patungo sa hallway ng hospital.

"Oo nga naman iha , wag ka masyadong excited" Wika ni Tita Dida.

Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko na magmadali , lalo na't excited na akong malaman kung anong gender ng magiging anak ko.

Papunta kami sa hospital ngayon upang magpa check up at magpa ultrasound na rin.

I am so excited . Excited na rin akong bumili ng mga gamit ng baby ko.

"Ms . Zamora. Congratulations . You have a healty baby boy" 

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Maging ang doktor ay napangiti rin , ngunit biglang naglaho ang ngiti ng doktora at tila napakunot ang noo niya habang nakatingin sa screen.

"Is there something wrong doc??"

"It's triplets Ms. Zamora"

Napatingin sila Geline sa screen.

"Oo nga Mavis , tatlo oh!"

"Bakit magiging triplets ba yan kung hindi tatlo??!" Inis kong sabi.

"2 girls and One boy Ms. Zamora"

Hindi parin ako makapaniwala na triplets din ang magiging anak ko. Gusto ko sanang nag tatatalon sa tuwa kaso napaka bigat talaga ng dinadala ko.

Habang naka sakay kami sa tricykle ay sobrang daldal ni Gella. Bibili na daw siya ng tatlong kuna para sa baby ko. Sinabi ko naman sakanya na hindi na kailangan. Pero ang kulit talaga. Dumaan pa nga kami sa mall para bumili na ng mga gagamitin ko sa panganganak ko. At bumili na rin kami ng mga gagamitin ng mga baby ko.

Hindi ko lang talaga alam kung saan ko paglalagyan ang tuwa ko. Lalo na't sobra sobra ang biyayang natanggap ko mula sa diyos. Wala naman kasing problema ang mga babies ko at healty naman sila.

"Nako , tatlo pala ang magiging inaanak ko. Pwede ba akong magtago sa pasko Mavis??"

I glared at her.

"Joke lang eto naman"

"May balita kana ba sa pinsan mo?" Taka kong tanong.

"Yun nga problema ko , yung mokong na Alvis na yon pumunta raw ng ibang bansa na hindi man lang nagpapaalam. At ang balita ko nag asawa na daw yung loko"

"Huh , eh ni hindi man lang nga natin nakilala yung asawa niya"

"At , hindi nga tayo inimbitahan  sa kasal. Mokong na yon. Wag mong gagawing ninong ah" Natawa na lang ako sakanya.

"Sira ulo"

"May ipapangalan kana ba sa mga anak mo??"

Well , ano nga ba ang ipapangalan ko sakanila??

"Gusto ko kasi unique na pangalan. Ayoko ng common."

"Try mo ipangalan ng mga gadgets. Unique yon"

"Ano yan , Cellphone Zamora , Ipod Zamora tapos Laptop Zamora?? Siraulo kaba??"

"Eto naman nagsusuggest lang"

Napa irap na lang ako at tumawa na lang siya.

Come to think of it , i want a unique name for them. I hate common names.

Pero kahit naman anong ipangalan ko sa mga anak ko ay mamahalin ko parin sila. I want to teach them all the good things i know. Kahit mag isa ako , sisiguraduhin ko na lalaki sila ng matapang.

The fearless girl named MavisWhere stories live. Discover now