14-Hidden

12 3 0
                                    

Hanggang ngayon , wala parin akong plano about my daughter's birthday next week.

Sa tuwing sasapit ang kaarawan niya ang buong akala ni Mommy ay wala akong ginagawa. But every year , i prepare something for her.

"Mavis , Sasama kaba sa mall???" Excited na tanong ni Solar habang nasa tabi niya naman si Maureen.

"Allergic si Mavis sa ganyan" Biro ni Saturn na siyang ikinangiti ni Solar At Maureen.

Hawak ni Maureen ang kamay ni Mc. I really don't wanna end this day being so dramatic. Ayoko ng drama ngayong araw. Sawang sawa na ako kaya nanatili na lang ang tingin ko sa unahan kesa lingunin pa sila.

"Please Mavis , sumama kana please. Bibili na rin tayo ng gagamitin natin na damit para sa birthday ni Maureen!!" Solar.

It's Maureen's birthday tomorrow at imbitado ako kahit hindi ko naman gusto. Halos buong  campus ay imbitado. At sa isang sikat na club ito mangyayari. Na sa kasamaang palad ay kilala ko kung sino ang may ari nito.

"No need Solar , may susuotin na ako" Gulat na napatingin saakin si Saturn.

"Wow prepared"

Pansin ko ang mga sulyap saakin ni Mc ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.

Sawang sawa na ako sa drama , quota na ako this month.

"Himala mukang mas excited ka pa kesa saamin" Saturn.

Napa irap ako.

Nakokonsensiya ako sa ginagawa kong pag trato sa mga taong malalapit saakin. Pero mas mabuti na sigurong ganito upang maiwasan ko ang panghuhusga.

Sawang sawa na ako.

Kinabukasan. Maagang umalis ang mga kapatid ko para mag handa sa party ni Maureen. Habang eto ako nakaupo lang sa sofa nanonood ng t.v. at nasa leeg ko naman gumagapang ang alaga kong ahas na si Dracky.

"Oh , anak . Diba imbitado ka sa party ni Maureen?? Bakit di kapa naghahanda??" Mom asked.

"Wala pong fiesta mom , hindi ko kailangan mag handa"

She smiled.

Nag aalangan siyang umupo sa tabi ko dahil kay Dracky but she still manage to sit.

"I'm glad you're wearing that necklace"

"Hindi ko na nga siya naipakilala sa mundo , hindi ko pa ba susuotin ang tanging ala-ala niya na meron ako?"

"Anak , i know Mavi is happy because you became her mom"

But i'm not proud to become her mom. She deserves more , she deserve a good mom. Unlike me.

"Sinong Mavi ang pinaguusapan niyo??" Agad kaming napalingon ni mommy sa entrance ng sala ng makita namin si Daddy na nakatayo doon dala-dala ang isang malaking kahon.

"D-dear!" Gulat na sabi ni mommy at saka siya napatayo.

"Sinong Mavi??" Takang tanong ni Daddy.

"Dad , ano yang dala mo?" Pag iiba ko ng topic.

Nagtama ng biglaan ang mga mata namin ni Mommy na tila nabasa agad namin ang isip ng isa't-isa.

"Ah , yan yung binili kong damit para sayo na gagamitin mo sa party"

I glared at them both.

I AM DEAD.

Kapag si Mommy ang bumili ng damit ay siguradong malakalimutan ko kung sino ako.

Nakangiting inabot ito saakin ni Daddy at ng sinamaan ko siya ng tingin ay napa iling na lang siya at saka itinago ang tawa.

Kasabwat pa pala si Daddy.

The fearless girl named MavisWhere stories live. Discover now