6-Partners in crime

19 3 0
                                    

𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆!!!
𝐕𝐈𝐎𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐄𝐒 𝐀𝐇𝐄𝐀𝐃!!!

Sakay ng motor ko ay dinala ko si Mc sa isang bakanteng lote malapit condo niya.

Ilang taon na ang lumipas ng dalhin niya ako dito pero tandang-tanda ko parin ang tirahan niya. Paano ba naman kasi , noong nawala siya araw-araw akong pumupunta sa tirahan niya , nagbabakasakaling nandoon lang siya.

"Kailangan nating tumawag ng pulis Mavis!! Baka mamatay yun dun!!" Nanginginig ang kanyang mga kamay at punong puno ng pagkabigla ang kanyang mga mata.

He keeps looking at me like i am the most disgusting animal he knows.

Mas nag aalala pa siya sa taong hindi niya naman kilala.

"Bakit ka nandun kanina?!" Inis kong tanong sakanya. Kahit anong pilitin kong kalmahin ang sarili ko ay hindi ko talaga magawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na may mangyaring masama sakanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung madadamay siya sa gulong kinasangkutan ko.

"SINUNDAN KITA DAHIL NAGAALALA AKO SAYO!!!!!!" He paused for a while then he looks at my bleeding hand. Just like my bleeding hand , my heart is bleeding like hell.

Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan sa paraan ng pagtingin niya sakin.
Pakiramdam ko pati ako ay nandidiri sa sarili ko.

T*ng*na bakit ba ako nasasaktan ng ganito?!

"Pero t*ng*na naman Mavis , paano mo nasisikmurang gawin yun?! Bakit ba wala kang awa?! ANG SAMA-SAMA MO!!!!"

Napakuyom na lang ako ng nagdurugong palad ko.

Ayoko siyang patulan dahil wala siyang alam , pero nasasaktan din naman ako ah!
Lahat na lang walang nakakaintindi saakin.
Oo na masama na ako , masama ako kasi gumaganti ako sa taong sumira ng buhay ng kaibigan ko. Iginaganti ko ang taong nakakaintindi sakin na ngayon ay wala na.

Hindi ko naman pinagkakaila yun eh.
Pero sana naman wag niya akong husgahan.

"DAPAT SAYO IKULONG!! CRIMINAL K----" hindi na siya nakapagsalita ng sinampal ko siya gamit ng kaliwa kong palad na nagdurugo. Mas lalong humapdi ang kamay ko pero pakiramdam ko ay sobra na akong nagmamanhid sa lahat ng sinasabi nila.
Wala na akong ibang marinig sa ibang tao kundi ang salitang "ang sama-sama mo"

"OO NA MASAMA NA AKO MASAYA KANA??!!!"

I bit my lower lip to stop myself from crying hard.

Ayokong umiyak pero , parang wala na akong kontrol sa emosyon ko. Masyado na akong lunod sa sarili kong hawla. Masyado na akong nasasaktan at wala man lang akong napagsasabihan. Pakiramdam ko ay parang sasabog na ang puso ko sa lahat lahat.
I can't handle it anymore.

I am f*cking tired.

"Kung gusto mo akong isumbong sa pulis , then fine. Pero itatak mo sa kokorte mo na ang taong pinagtatagol mo ay ang taong pumatay sa kaibigan ko!" His lips parted.

Napasabunot ako bigla sa sarili ko ng maalala ko ang pag iyak ni Geline.

"Alam mo ba kung bakit ko yun ginawa huh?! Alam mo ba?!! , bago mo ako husgahan siguraduhin mong alam mo ang nga dahilan ko??!!"

Hinawi ko ang buhok ko upang ipakita ko sakanya ang noo ko.

"Siya ang may gawa nito!!  Pinatay ng tatay niya ang kaibigan ko Mc!! Binaboy nila ang kaibigan ko sa mismong harap ko!!!"

Wala siyang ibang magawa kundi ang tingnan na lang ako habang pinipigilan ang sarili ko na umiyak.

Pagod na akong kimkimin lahat ng sama ng loob sa damdamin ko. Pagod na ako.

The fearless girl named MavisWhere stories live. Discover now