25-Stay by your side

10 3 0
                                    


Sabi nila , theres a rainbow after the rain.
Lahat ng hirap may kapalit na kasiyahan sa bandang huli. At oo naniniwala ako sa katagang yan. Pero sa totoo lang natatakot ako maging masaya after a heavy and painful journey. Lalo na't sa tuwing sumasaya ako napapalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman ko.

Palagay ko nga'y ito na ang sumpa ko.
Kaya sa tuwing masaya ako. Nilulubos-lubos ko na. Para kapag dumating man ang araw na paiiyakin ako ng tadhana , no regrets.

Habang naglalakad ako sa hallway patungo ng condo ni Mc ay bakas ang ngiti sa mga labi ko. Dala-dala ko ang nabili kong tapsilog sa isang restaurant na paborito kainan nila Mom and Dad. Nagdala rin ako ng ice cream upang pagsaluhan namin ni Mc.

Hindi ko magawang itanggal ang ngiti sa mga labi ko habang nakatitig ako sa isang bouquet ng sun flower para kay Mc.

Sabi ni Maureen sigurado daw na bagsak na bagsak si Mc dahil simula daw kagabi ay uminom daw ito. Uminom daw dahil sobrang miss na miss na daw ako. Maureen told me about the password of his condo kaya hindi na ako nahirapan sa pagpasok. At sa totoo lang mas lalo pang nadagdagan ang kilig ko ng mapagtantong araw ng kapanganakan ko ang password niya. Although may ka share ako ng birthday at yun ay ang mga kapatid ko. But i can still feel the butterflies in my stomach when he do small things like that.

Kahit maliliit na bagay lamang iyon pero , sobrang laki ng epekto nito sakin.

Pagpasok ko sinulubong ako ng kadiliman ng paligid. It was dark and everything is a mess.

Hindi pa nga ako tuluyang nakakapasok ng condo niya ay nasipa ko na ang isang bote ng alak na wala namang laman.

Agad kong hinawi ang kurtina ng bintana ng condo ni Mc upang pasukin ng liwanag ang paligid.

At totoong napaka makalat. Nagkalat ang damit ni Mc sa sala na tila ba hindi na niya naasikaso dahil sa sobrang kalasingan. Natagpuan ko ang bagsak na katawan ni Mc sa kwarto niya. At sa totoo lang tanging kwarto niya lamang ang malinis kumpara sa Sala niyang para ng dinaanan ng bagyo.

Ang mga dala kong gamit ko ay ipinatong ko sa ibabaw muna ng study table niya at saka tumabi sakanya.

Napahagikhik ako ng narinig ang paraan ng paghilik niya. Nangangamoy alak siya pero hinalikan ko parin ang pisngi niya.

Tanging boxers lamang niya ang suot niya at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ng makita ko ang kung anong nasa loob ng boxers niya na tayong tayo.

Marahan kong hinaplos ang likod niya.

"Hmm! Kung hindi ka si Mavis , U-umalis kana" Inis niyang reklamo habang nakapikit parin ang mata.

I kissed his cheeks even more.

"Bumangon kana. May mas mauna pang tumayo sayo oh" bulong ko sa tenga niya.

Hindi ko mapigilan ang natawa sa naging reaksyon niya ng mapagtanto kung sino ang nandito ngayon sa condo niya.

Nanlaki ang mata niya ng makita ko at agad siyang bumangon sa kama upang magsuot ng kapiraso ng damit bago tumakbo papuntang sala niya.

"B-bakit hindi ka man lang nagsabi na pupuntahan mo ako?!" Kahit bagong gising pa lang ay dali-dali na niyang inalis ang kalat ng sala niya. Umiiwas din siya ng tingin sakin dahil sa kahihiyang naabot niya pagdating ko.

"Edi hindi na surprise yun kapag nagsabi ako sayo"

Dala ko ang bouquet na dala ko ng sinundan ko siya sa sala na busy parin sa paglilinis.

"Hindi ka man lang ba natutuwa na nandito ako?" Nagtatampong untag ko habang nakanguso pa ang aking mga labi. Hindi naman talaga ako nagtatampo i just wanted to see his reaction towards me when i act like that.

The fearless girl named MavisWhere stories live. Discover now