24-Tell me why?

11 4 0
                                    

Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad na tumama sa mga mata ko ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng condo ni Mc.

Ramdam ko ang mahigpit na yakap saakin ni Mc saaking bewang. It was sweet and excruciating at the same time. Kasi sa totoo lang , nalilito na ako kung ano ang totoo at pagpapanggap.

Inaamin ko na pakiramdam ko isang malaking karma ang nangyari sakin. Alam ko ang mga naging kasalanan ko. But do i really deserve a life like this???

"Hmm???" Napalingon ako sa kakagising pa lang na si Mc.

Agad siyang bumangon sa kama at saka hinawakan ang noo ko upang malaman kung humapa na ba ang lagnat ko.

"Humupa na ang lagnat mo ng kaunti , sandali lang magluluto lang ako ng almusal. Do you want anything?" He gave me a wide smile , a smile that is enough to complete my whole day.

Gustuhin ko mang sumagot sakanya ngunit masama talaga ang pakiramdam ko.

Tanging pagtango lang at ngiti ang sagot ko sakanya.

Naligo ako habang wala siya at sinuot ang damit niya. I'm wearing his black shirt at saka itinali ang buhok ko.

Paglabas ko ay agad siyang napatingin saakin. Busy siya sa pagluluto ng kung ano mang niluluto niya.

"Bakit ka bumangon kaagad??"

"Hindi naman ako baldado para humilata na lang sa kama mo maghapon" Malamig kong sabi.

Napansin ko ang pagiwas niya ng tingin matapos niyang marinig ang paraan ng pananalita ko sakanya.

Naupo ako sa dining table sa condo niya at siya naman ang naghanda ng hapagkainan.

Alas nuebe na pala ng umaga at ngayon ko lang napansin ang oras.

"Here nagluto ako ng sinigang para makahigop ka ng sabaw."

Agad kong napansin ang daliri ni Mc na tila ba napaso habang siya ay nagluluto.

I glared at him.

"Anong nangyari dyan?" Taas kilay kong tanong.

"Ah wala to" Napangiti siya na tila ba hindi man lang siya nasaktan sa nangyari sa daliri niya.

Tahimik akong kumakain habang iniisip ang bawat galaw niya. Hindi ko maramdaman ang pagpapanggap habang inaalagaan niya ako. I felt the sincerity everytime he takes care of me. Pero bakit ganun. Natatakot ako na baka sa sobrang galing niyang magpanggap ay talagang napaniwala na niya ako.

He made me feel fear. Pinaramdam niya sakin ang pagmamahal na kahit sarili kong pamilya ay hindi naibigay sakin. Natatakot ako na mawala siya. Hindi ko maisip ang mangyayari sakin kung wala siya. Siguro baka napaka misirable ng buhay ko kung hindi ko siya nakilala.
Kung parte lang to ng pagpapanggap niya , mas gugustuhin ko na lang na maging masaya dahil sa isang pagpapanggap. I need  to accept my painful reality. The sooner the better. Mas gugustuhin ko siyang makasama kahit bunga lang iyon ng pagpapanggap niya. Pero ayoko maging tanga. Sawang sawa na ako sa pagpapakatanga ko. I was born with no fear. But he came in to my world and ruin everything.

Gusto ko siyang makasama kahit masakit. Pero gusto ko ring tanggapin ang masakit na realidad. Kailangan kong tanggapin kahit masakit.

"Kanina ko pa napapansin ang mga titig mo sakin"

Matapos naming kumain. Nandito kami ngayon sa sala nagpapalipas ng oras.

Nagtext saakin si Saturn na umuwi na daw ako. Dahil baka umuwi na si Mom at Dad mula sa hacienda. Dalawang araw na sila doon. Mabuti na lang at wala sila kung hindi baka natalakan nanaman ako ni mommy.

The fearless girl named MavisWhere stories live. Discover now