11-Weakness

14 3 0
                                    

We all have different kinds of weakness , it can be emotionally or physically. Halos lahat naman tayo ay nay kahinaan. Minsan ang mga kahinaan natin ay kalakasan naman ng iba. Sa buhay hindi maalis ang panahong manghihina tayo. Hindi sa lahat ng oras ay maasahan natin ang sarili nating maging matatag at malakas.

We all have weaknesses.
And i wonder , how can my weaknesses affects me?

"Anak , sigurado kabang ayos kana talaga??" Pang 20 tanong na yata yan ni Daddy kay Saturn ngayong umaga. It's been weeks since Saturn got home from the hospital.
Ilang linggo man ang lumipas ay bumubuti na ang lagay ni Saturn. Kaso nga lang naging abala siya sa paghahanap ng sumaksak sakanya. Sa totoo lang , nag aalala ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa magiging reaksyon ni Saturn kung sakaling malaman niya na ako ang dahilan kung bakit siya nasaksak.

Kahit kabado ay hindi ko inaalis ang tingin ko sakanila habang kumakain kami. Dahil kapag umiwas ako ng tingin ay baka maghinala sila.

"Saturn anak , wag ka munang mag dradrive. Si Solar na lang ang magdradrive para sayo.

Napasimangot si Saturn dahil sobrabg bagal magpa takbo ni Solar.

"Dad , pwede bang si Mavis na lang?" Saturn pouted his lips.

Napataas ang isa kong kilay , aba idadamay pa ako nito. Kung kailan pwede na akong mag motor.

"Ngayon ako babalik sa pagmomotor , kaya niyo na yan" Walang gana kong sabi.

"Solar bilisan mo pagpapatakbo ah" Inis na sabi ni Saturn.

"Mabilis naman ako magpatakbo ah?" Innosenteng tanong ni Solar. Na siyang ikina sapo ng noo ni Saturn.

"Sa sobrang bilis mong magpatakbo, nauunahan pa tayo ng matandang lolo."

"Syempre , dapat paunahin ang matanda. Wala ka kasing manners hmmp!"

Pagpasok ko sa skwela ay agad na sumalubong saakin ang naka ngiting si Mc.

"Goodmorning!" Nakangiting bati ni Mc saakin. I gave him a small smile in return.

Ganito palagi ang eksenang bumabati saakin tuwing umaga sa nakalipas na ilang linggo.
Medyo nakakagaan ng pakiramdam ang mga ngiti niya at nakakarelax at the same time.
I was nice seeing him smile because of me.

"Morning. . ." Bati ko sakanya.

Nag bago ang sitting arangement namin at ngayon ay katabi ko na siya. Hindi ko alam kung anong sinabi niya sa prof namin para magtabi kami.

Inabot niya sakin ang isang strawberry drink at saka ipinatong ang kanyang siko sa lamesa upang ipatong ang kanyang baba.
He's energetic while me , i am lack of energy today.

"Mavis , Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya.

Bakit ba ang hiling nating tanungin ang isang tao kung okay lang sila , tapos kapag sinabing oo ay magtatanong ulit. Maari naman nating malaman kung hindi okay ang isang tao sa pamamagitan ng pag tingin sa expressyon nila.

"Oo, hindi kapa ba sanay saakin?"

"You look so down today Mavis "

Napansin ko rin iyon sa sarili ko. Ngayong araw ay masyado akong walang gana sa mga bagay-bagay siguro dahil sa nakokonsensiya ako sa nangyari sa kapatid ko na ako ang may kasalanan.

Lunchtime ay sabay kaming dalawa.
Ganito ang set up namin buong araw , yung tipong parang ayaw na niyang mahiwalay saakin.

Masaya sana , kasi kahit papaano ay hindi ko maramdaman ang mga suliranin ko kapag kasama ko siya. Kaso nag aalala ako dahil baka sa sobrang dikit namin sa isa't-isa ay masaktan din siya. Ayoko nang may madamay pa ng dahil saakin.

The fearless girl named MavisWhere stories live. Discover now