22-Great Pretender

9 2 0
                                    

"Celeste... dito ang kwarto mo anak..." Nakangiting sabi ni Mommy habang nasa loob kami ng kwarto ko.

Walang nagbago sa kwarto ko. Naging mas malinis lang ito lalo.

"Anak ako na niyan" Wika ni Daddy sabay kuha ng dala kong bag na may lamang gamit ko.

"Magpahinga kana muna anak , sabi ng doktor masama daw na masyado kang napapagod. Bakit naman kasi umuwi na tayo , doon ka na lang dapat nagpahinga sa hospital" wika ni nanay haabang inaalalayan ako sa pag upo.

Isang linggo matapos kong magising. Nagpumilit akong umuwi na at dito na lang sa bahay magpahinga. It was hard convincing them pero sinabi ko na lang na natatakot ako s hospital. Napaka tagal bago ko sila makumbinsi. Pero in the end pumayag din kaagad sila.

"Sige mom , dad. Magpapahinga muna ako"

"Dadalhin ko na lang dito ang pagkain mo" daddy

"No need dad. Baba na lang po ako..." Agad naman silang napangiti sa tawag ko sakanila.

Bago sila umalis pareho nila akong hinalikan sa pisngi at bakas parin sakanilang mata ang tuwa sa pagbabalik ko sa bahay namin.

Pagsara ng pinto agad na nagbago ang ekspresyon ng muka ko. Naglaho ang mga matatamis na ngiti sa mga labi ko at mawalan ng emosyon ang muka ko.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. I'm wearing a white wrap dress at simpleng puting sandals. Nakalugay din ang buhok kong humaba. Ang dati na hanggang balikat lang ay napalitan ng hanggang ibaba ng dibdib ko.

Napangisi ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin.

So this is Celeste??

Tsk.

Hindi ako toh.

Inis kong hinubad ang sandals ko at pinalitan ng tsinelas. Ang suot ko namang dress ay pinalitan ko ng pajama at komportableng t-shirt.

Hindi ako sanay sa mahaba kong buhok kaya itinali ko ito. Saka ulit ako humarap sa salamin.

Sa halos dalawang buwan kong pananatili sa hospital ay ngayon lang ako tila nakahinga ng malalim.

Ngayong mag isa ako. Tama na ang pagpapanggap ko.

While i was in coma. That is my worst nightmare.

Pakiramdam ko paralisado ang buong katawan ko. Kahit anong pilit kong igalaw ang katawan ko ay hindi ko magawa. Nahihirapan ako sa paghinga ngunit hindi sara ang diwa ko. Naririnig ko ang nangyayari sa paligid ko at nakakapag isip ako ng maayos. It was hard being in that kind of state. Pakiramdam ko bawat oras mawawala na ako sa mundo. Naririnig ko lahat ng pinaguusapan ng kung sinong bumibisita sakin. Alam ko ang ginawang pag sira ni mommy sa mga plano ko.

Hindi ko maiwasang mapa luha ng mapatingin ako sa glass cage ni Dracky. Wala na itong laman at wala ng Dracky na gumagapang sa leeg ko sa tuwing nangangailangan ako ng kaibigan.

It was my karma of course. Hindi ko man lang siya nasaman sa huling chapter ng buhay niya.

I miss my snake friend. Literal na snake na friend.

I bit my lower lip to stop myself from crying. Nawalan na ako ng alaga noon. Si Lucifer at ngayon naman si Dracky.

Alam ko na inilibing si Dracky sa garden namin. Narinig ko yun kay Saturn habang naka coma ako.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot kong kama.

Mc and Maureen's Engagement party...

Alam ko rin.

The fearless girl named MavisWhere stories live. Discover now