"Mahilig ka naman sa mga bata kaya , sa tingin ko you will be a good pediatrician" 

"Salamat , tsaka naisip ko rin noon na kung mag kaka anak ako mismo ang gagamot sakanila. Tsaka kapag nagka anak tayo ako mismo ang gagamot sakanila"

Hindi ko mapigilang napangiti dahil sa sinabi niya.

"What did you say??" Pag klaklaro ko. Malay ko ba kung nagkami lang siya sa sinabi niya.

"Sabi ko , kapag nagka anak tayo. Ako mismo ang gagamot sakanila"

"Tsk , baka mamaya mag bago ang lahat tapos hindi na ako yung babaeng gusto mong pakasalan"

He glared at me.

"Hindi mangyayari yan. Kasi mas gugustuhin kong mamatay kesa mag pakasal sa iba"
.
.
.
"Mavis?? Sa tingin mo tama tong sagot ko?" Tanong ni Mc habang nag rereview kami for finals.

Agad kong tiningnan ang sagot niya.

"Okay na to , medyo may kailangan lag ayusin ng kaunti"

"Talaga??"

"Hmm" Agad kong sagot.

Nasa study table kami pareho nag aaral.

"Mavis?" Agad akong natigil sa pag susulat ng tawagin ako ni Mc.

"Yes , mon chéri?" I asked

"Good luck sa'tin tomorrow"

I smiled.

"Salamat. I belive in you too. Kaya natin to. Tiwala lang kay god and tiwala lang sa kakakayahan natin"

Alam kong kinakabahan siya sa finals namin dahil magdsisimula na ito bukas. How i wish i can feel the same feeling he's feeling right now. Hindi kasi ako kinakabahan sa tuwing may mga exam. Sana nararamdaman ko rin ang nararamdamang kaba ng ibang tao.
.
.
.
"Oh my god sa wakas natapos rin!!!!" Halos magtatatalon kaming lahat sa saya matapos ang finals week.

"Hoy , wag kayong magpaka saya. Baka nakakalimutan niyo natapos nga natin yung finals pero di tayo sure kung pasado tayo" Wika ni Solar habang iniinom ang juice niya.

Nasa isang club kami ngayon. Nag rerelax matapos ang nakaka stress na finals week.

"Bitter mo na ngayon ah?" Wika ni Maureen.

After ng birthday ni Mc agad namang nag sorry saakin si Maureen. I can't blame her, she's drunk and probably don't know what she's been doing.

"Mabuti naman at nandito na kayo!" Wika ni Maureen ng dumating na si Alaiza at Gella.

Mas naging close kami lahat dahil minsan sabay-sabay din kaming nag rereview.

"Pasensiya na , na traffic kami noh" Alaiza.

"Kamusta mga sagot niyo?" Saturn.

"Ayos naman yung sagot , ang tanong ay kung tama ba" nag si tawanan kaming lahat kay Gella.

Katabi ko si Mc na kanina pa hawak-hawak ang kamay ko.

"Hoy , PDA agad kayo!" Inis na sabi ni Solar ng mapansin ang busy sa pag haharutan na si Alaiza at Gella.

"Sus , inggit ka lang!" Gella.

"Kapag yang girlfriend mo hinalikan ko ewan ko na lang kung balikan ka pa niyan" Biro ni Solar.

"Hoy grabe ka!"

Halos lahat sila ay imiinomng alak. At ako naman ay panay inom lang ng strawberry shake na binili sakin ni Mc kanina.

The fearless girl named MavisМесто, где живут истории. Откройте их для себя