Ilang minuto ang lumipas at medyo gumaan na ang atmosphere sa paligid namin.

"Btw , which law school do you want to study anak?"

"I wan't to study in the states dad."

Tinanong nila ako kung bakit daw ako lalayo. Eh kung pwede naman daw na dito na lang sa pilipinas. Hindi ko rin alam. Basta't sa tingin ko ay gusto ko muna umalis ng pilipinas.

Pagpasok ko ng campus ay panay ang tingin saakin ng mga kaklase ko. May mga nagbubulongbulungan pa nga. Pero dahil kating kati na akong mag motor ulit ay hindi ko na lang sila pinansin. Kahit pa ang sasakit nilang magsalita. Pagpunta ko ng locker ay natagpuan ko ang isang bagay na isa sa kinaiinisan ko.

Ngunit hindi gaya noon ay naka patong lang ito sa ibabaw ng locker ko.

It was a bouquet of red roses.

May mga nangantyaw saakin. Pero di ko sila pinansin.

Isang papel ang nakaipit sa mga bulaklak at hindi na ako nagdalawang isip na basahin ito.

𝑨 𝒃𝒓𝒂𝒗𝒆 𝒈𝒊𝒓𝒍 𝒍𝒊𝒌𝒆 𝒚𝒐𝒖 , 𝒅𝒆𝒔𝒆𝒓𝒗𝒆𝒔 𝒂 𝒃𝒐𝒖𝒒𝒖𝒆𝒕 𝒇𝒖𝒍𝒍 𝒐𝒇 𝒃𝒆𝒂𝒖𝒕𝒊𝒇𝒖𝒍 𝒇𝒍𝒐𝒘𝒆𝒓𝒔 𝒍𝒊𝒌𝒆 𝒚𝒐𝒖...

-𝑴

Kunot noo akong napatingin sa paligid.

Naiinis na nga ako mas lalo pang dumagdag ang inis ko.

Imbes na itapon sa basurahan ay hinayaan ko na lang itong malanta sa ibabaw ng locker ko. Bahala na ang nagbigay sakin niyan. Nakakapagod rin ang magtapon ng basura.

Akmang papasok na sana ako ng clasaroom ko ng dalawang estudyante na mula sa junior high ang lumapit saakin.

Paano nakarating ang mga highschool students dito sa campus ng mga colleges eh ang layo ng distansiya??

Sa harap ng skwelahan namin ay isang skwelahan for highschool students.

"Ughm , ate may nagpapabigay po sainyo" Inabot saakim ng dalagita ang isang kulay pink na paper bag.

Her friend is just smiling at me. Mayroon siyang kulot na buhok at ang isa naman ay may unat na buhok.

"Sino nagpabigay nito?" I asked

"Hindi po namin pwedeng sabihin" Sagot ng Isa.

Sana hindi nila sapitin ang sinapit namin ni Geline.

"Ilang taon na kayo?" Tanong ko sakanila.

"13 po" Sabay nilang sagot.

"Tandaan niyo toh ah , Wag na wag kayong magtitiwala ng basta sa kahit kani-kanino lang" Alam kong nawiwirduhan sila saakin kaya agad silang umalis matapos ibigay saakin ang kulay pink na paper bag.

Ugh! I hate pink.

Pagbukas ko doon ay nakita ko ang isang strawberry Mini cake at isang strawberry shake.

Strawberry.....
Kahit kakain ko pa lang ay tila parang bigla akong nakaramdam ng gutom.
I love strawberries...

Actually mukang masarap tong binigay saakin. Pero bilang pagiingat ay ibinigay ko na lang ito sa ibang estudyante.

Sayang sana nun. Pero baka may lason kaya wag na lang.

My heart was satisfied when i saw Mc.

Parang biglang nakumpleto bigla ang araw ko ng makita ko siyang busy sa pagsusulat sakanyang notebook.

The fearless girl named MavisWhere stories live. Discover now