6-Partners in crime

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wag mo akong husgahan dahil wala kang alam sa lahat ng pinagdaraanan ko!!! , WALA KANG ALAM!!! Naging parte ka lang ng buhay ko pero di ibig sabihin nun ay alam mo na ang buong istorya ko!! "

Hindi ko hinayaang lumuha ako a harap niya. Kahit yun na lang ang itira ko sa sarili ko.

"Wala kayong alam kaya wala kayong karapatang husgahan ako..."

Iniwan ko siyang nakatitig saakin.
Dali-dali kong pinaharurot ang motor ko papuntang tambayan naming magkakapatid.

Laking pasasalamat ko kasi walang tao dun at solong-solo ko ang paligid.

Umakyat ako sa sarili kong floor at naka pumunta ng banyo upang maligo.

Kasabay ng pagbagsak ng tubig pababa sa katawan ko ay ang pagbagsak din ng luha ko.

Mas mabuti ng umiyak ako ng walang nakakakita kesa ipakita sa iba. Ayokong isipin nilang nagpapaawa ako.

Mas gusto kong umiyak ng naliligo ng sa ganun ay di ko mapansin ang pagbagsak ng luha ko dahil bago pa man ito makapabas sa mata kono ay napasama na ito sa tubig.

Mahapdi man ay patuloy ko paring hinugasan ang kamay ko. Ang tubig ay naging kulay pula dahil sa kamay ko.

Matapos kong maligo ay ginamot ko ang sugat ko. Napapikit na lang ako sa hapdi ng buhusan ko ito ng alchohol.

Matapos ko itong gamutin ay nagtext ako kila mommy na dito ako matutulog sa tambayan. Ayokong tanungin ako ng mga magulang ko kung bakit ako ganito.
Ayokong makita nila ang sugat ko dahil ayoko ng mag kwento pa.

Ng matuyo ang buhok ko ay napahiga na lang ako sa kama at saka ipinikit ang mata ko.

Pagpikit ko ay tila napunta ako sa ibang lugar.

Isang kagubatan... Sa gitna ng kagubatan ay nandoon ang isang abandunadong kubo.

This place is quiet familliar...

I'm wearing my uniform.

Gustuhin ko mang umalis sa lugar na iyon ay parang may humihila saakin papasok ng kubo.

My heart is beating so d*mn fast when i heard a cry from a girl.

Nakapasok ako sa loob ng kubo sa isang kisap mata. Everything was dark , and the place looks so ugly.

Nagkalat ang ilang bote ng alak.

Pagdating ko sa ibabang parte ng kubo ay halos manlamig ang katawan ko ng makita ko ang dalawang dalagitang nakagapos.

Ang isa ay may mahabang buhok na kulot kulay lupa. Ang isa naman ay may kulay itim na buhok na hanggang tyan. Ang batang may kulay itim na buhok ay may kulay berde at asul na mata.

Ang batang may kulot na buhok ay walang tigil sa pag iyak. Habang ang batang may kulay berde at asul na mata ay punong-puno ng galit.

"Stop crying Geline... they might hear you" Kahit anong pilit ng dalagita na katabi ng babaeng kulot.

"T-they m-might k-kill us Mavie..."

"I-i won't let that happen Geline"

Hinayan ng dalagita na ipatong ng kaibigan niya ang ulo ng kaibigan niya sa balikat niya.

Bakit parang napaka pamilyar ng pangyayaring toh?

Bakit parang napaka pamilyar ng lugar?

Gusto ko silang kalagan upang palayain , gusto ko silang tulungan. Pero sa tuwing igagalaw ko ang katawan ko ay tila isa akong istatwa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. I wanna scream , sumisigaw ako pero di nila ako naririnig.

The fearless girl named MavisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon