"Yiiee Sela ah." at ayan na nga, nagsisimula na sila. "Maiba tayo." Napataas ako ng kilay. Bakit parang nagkabuhay ata ang mga 'to? "Ano bang score niyo ni Abby?" Belle asked, smiling from ear to ear.

My brows furrowed and bit the inside of my cheeks to stopped myself from smiling. "We're friends." totoo naman ah. Magkaibigan lang naman kami.

Ee bakit ka napapangiti Marsela? Argh. Wala lang. Pati ba pagngiti ko big deal na din?

Teka, bakit ba ko nakikipagtalo sa sarili ko? Umay.

"Talaga? Friends lang?" ang laki pa ng pagkakangisi ng gaga. Kakainis tuloy.

Inirapan ko naman siya at agad na inayos ang pagkakaupo ko. Wait lang, naiinitan ako. Patay ba ang aircon? "Oo naman. We're just friends." I paused and looked at them. "Nothing more, nothing less." I added. I'm telling the truth, duh.

"Kung ano ba 'yung lagi nating pinag-uusapan ganon din kayo?" Belle asked, and like Sheki, she's smiling at me.

Napakunot noo naman ako. "Oo naman. Kung ano din 'yung turingan namin, katulad lang ng sa'tin." pagpapaliwanag ko pa.

Ang malisyosa talaga ng dalawang 'to. Mabuti na nga lang at silang dalawa lang nandito, dahil kung pati si Lara kasama namin, bago wala na kong makuhang isasagot pa sa kanila.

"Hindi ba siya nagsasabi sayo nung mga pa-fall na lines ba." at tumawa pa talaga ang gaga. "Yung mga ganon."

Nahigit ko ang paghinga ko. Jusko. Mukhang hindi ko na magugustuhan ang magiging daloy ng pag-uusap naming 'to. "Minsan" tama naman diba? Minsan ang hilig niya kong asarin ng mga ganong bagay.

"Hindi ka kinikilig?" Sheki asked. "I, mean, wala lang sayo? Parang wapakels lang, ganon?"

Mabilis naman na kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Parang ewan talaga 'tong mga ito. "No, hindi ako kinikilig." buong pasya kong sagot. Basta ang alam ko hindi. Walang pwedeng umangal. "Saka, ayaw ko din kiligin sa kanya." at ewan ko kung bakit. Tss.

"Bakit naman?" hindi ko alam pero naiirita ako sa sobrang laki ng ngiti nila. "Natatakot kabang mahulog ka sa kanya?" dagdag pa niya.

My eyes widened. What the hell? "Of course not! Ano bang klaseng tanong 'yan Shekinah?" parang tanga lang. Kung anu-anong pinapasok nila sa isip nila.

"Edi, hindi ka natatakot mahulog sa kanya. Ibig sabihin." pasimple pang sumulyap si Belle kay Sheki na sobrang laki ng ngiti sa'kin ngayon bago ako muling tingnan. "Willing kang ma-fall kay Abby. Kasi diba, tinanggi mo kanina na natatakot kang mahulog sa kanya?"

Mabilis kong dinampot 'yung notebook ko na nakapatong lang  dito sa desk at inis na pinaghahampas sila. Ang mga bwisit na 'to, tinawanan lang naman ako. Nakakainis. Sobrang init ng buong mukha ko ngayon. Pakiramdam ko tuloy, pulang-pula na 'ko.

"Alam niyo mga bwisit kayo." inirapan ko naman sila na mas lalong ikinatawa lang nitong dalawa. "Tigil-tigilan niyo 'ko ah."

"Okay, stop na." Sheki said, still laughing at me. "Pero may isa pa kong tanong."

Napahinga naman ako ng malalim. "Siguraduhin mong magugustuhan ko yang tanong mo ah." pananakot ko, pero ang bruha, tinawanan lang ako. Nahahawa na ata itong dalawa kay Abelaine.

"Nag-kiss na kayo?" walang pagdadalawang isip na tanong niya.

Literal na nanlaki ang mata ko, at bahagya ding umawang ang labi ko. At sa mga oras na 'to, ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Bigla kasing sumagi sa isip ko 'yung nangyari sa probinsiya nina Belle.

Under The Shade (SeBy) Where stories live. Discover now