"Oh sorry it's just i really love this piece, 'Ne me quitte pas' by Jacques Brel is such a moving song."

"I see, it is an old song but it's good."

Pagkatapos nyang sabihin ito ay tumayo sya at lumapit sa akin at nilahad ang kamay nito sakin.

"Do you want to dance." napalaki ang mata ko nang sabihin nya ito.

"Oh..um..i can't really dance, and it's pretty embarrassing for me to dance with an audience."

Di nito inintindi ang sinabi ko at hinila ang kamay ko patayo. Sabay nito ay naramdaman ko na lang bigla ang dibdib nito at ang kamay naman nya ay nakadantay sa bewang ko.

Nanginig ako bigla nang maramdaman ko ang bibig nito malapit sa leeg ko. "Don't worry i will guide you."

Sobrang init ng mukha ko kanina sa ginawa nito, di ata ako masasanay sa ganitong galaw niya. He was always stoic and serious at work, but today he seems too touchy-feely for me.

"What have you been thinking about? You've been dumbfounded for a minute now." tanong nito.

"Oh sorry, it's nothing."

"Kanina pa kami sumasayaw dito, sobrang ganda nang kanta pero di ako maka focus dahil sa partner ko. Sana matapos na agad ang kanta para makaupo na ako."

At parang narinig nang langit ang hiling ko dahil huminto ang pagtugtog nang mga ito.

Humiwalay na kami at ginayak nya ako sa upuan ko.

Mabilis na lumipas ang oras at nasa sasakyan na nya ako para umuwi na.

Habang nasa byahe ay nakita ko ang drive-thru na lagi kong binibilhan ng pagkain. "E-excuse me pero pwede ba tayo dumaan ng drive-thru, may bibilhin pa sana kasi ako." walang sabi na sinentasan nya ang driver na sundin ang sinabi ko.

Pagkadaan namin ay umorder agad ako ng sampung burger at fries.

Nag offer sana si boss na bayarin ang mga binili ko pero tinanggihan ko lang ito.

Tinannong ko sya kung pwede bang huminto kami sa pupuntahan ko. "It's ok, tell the driver where you will go. I won't mind." nagpasalamat naman ako dito.

Papunta kami sa parke na malapit sa simbahan. Umalis ako dala ang mga binili kong pagkain, di ko na ito pinababa dahil nakakahiya kung abalahin ko pa ito. Pero nag tanong naman ito kung pwede nya ako tulungan.

Pagkababa ay agad na hinanap ko ang mga bata na naglalaro sa di mataong parte ng park. Lumapit ako sa kanila pero di nila ako napapansin dahil busy ang mga ito sa paglalaro.

Naguusap muna kami bago ko binigay ang pagkain. Nagpasalamat naman ang mga ito na ikinangiti ko naman.

I reall love doing this for others. Iba't-ibang tao ang nabibigyan ko, mga pulubi, minsan mga matatanda at miba pang nakikita ko sa kalsada. Kung mas marami sana akong pera lahat ng mga mahihirap ay napakain ko na.

Nagpaalam na ako sa kanila bago tumalikod at naglakad papuntang sasakyan.

Malapit ay nakita ko ang driver habang nasa gilid ng pintuan ng kotse. Nang mapansin ako nito ay binuksan nito ang pinto tsaka naman ako pumasok.

Nagpasalamat ako dito bago umupo, sya naman ay bumalik sa driver's seat.

"Saan ko po pala kayo iuuwi miss." tanong ng driver sakin.

Sinagot ko naman dito ang address ng apartment ko saka nito sinimulang mag drive paalis.

Tahimik lang kami nang ilang minuto bago magsalita si boss. "Do you do this everytime, for other people as well?" lumingon ako rito bago tumingin sa bintana.

"Naalala ko lang ang sarili ko sa kanila."

I remembered nung bata pa ako, naranasan ko nang magutom at mag-isa nang walang makakapitan na pamilya. Maswerte pa nga ang ibang mahihirap, kahit wala silang makain sa araw-araw ay hindi sila nawawalan ng ngiti at saya basta kumpleto silang magpa-pamilya.

Di na kami nagsalita pa at patuloy na nanahimik at hinintay na lang namin na makauwi.

Sa wakas ay nakarating na kami sa apartment ko, paghinto ay agad na bumaba ang driver at pumunta sa side ko para ipagbuksan ako. Nagpasalamat muna ako rito bago bumaba.

"You live here?" tanong ni boss na nasa labas na rin pala.

Oh shit. Apartment ko pala ito bilang si vince. Sana di ito mapansin ni boss, at baka isipin nito na coincidence lamang ang nangyari.

"Oh..um. Yeah i-i live here for a month now. Sige aalis na ako, salamat pala sa gabi. I had fun." ngumiti ako rito bago tumalikod

Sa sobrang bilis nang pangyayari nakita ko na lang ang sarili ko na nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nito at naramdaman ang bibig nito malapit sa tainga ko.

"Au Revoir, belle."

Di ko alam na napatulala na pala ako nang di ko naramdaman na humiwalay na pala ito sa akin at agad na umalis.

Maya-maya at naramdaman kong uminit ang mukha ko nang mahimasmasan ako sa nangyari.

Iba talaga sya sa inaakala ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Balik opisina ako ngayon at balik normal na ang routine ko.

Lutang talaga ako kagabi dahil sa nangyari.

Nang mahimasmasan ako noon ay pumasok na ako sa building nang mapansin ko si Niel. At dala nito ang damit ko na suot papunta sa show.

Naalala ko talaga ang mga mata ng mga nakatira sa apartment na para ba akong isang ulam, kinukutyaw pa ako ng gago na head turner raw ako at magdamit na lang na babae kasi bagay naman sakin. Kinurot ko na lang ito sa braso at di na pinansin, pagkatpos nun ay agad akong tumalon pahiga sa kama pagkapasok ko ng room.

Patayo na sana ako sa upuan ko nang may tumikhim sa harap ko. Tiningnan ko kung sino ito at kumunot lang ang noo ko nang malaman ko kung sino ito.





TBC...

Valentin Series Book 1: Lonely Hearts [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon