Napaayos ako ng upo. Ngayon ko lang din napansin na sa'min pala nakatuon ang atensyon nilang lahat. Syempre, maliban kay Ate Alice na nakaupo sa passenger seat habang may hawak na libro.

Nahiya tuloy ako bigla.

"Kapag kayong dalawa lagi magkasama, para kayong may sariling mundo." Sheki said. At unti-unti ding sumilay ang ngiti sa labi niya. "Ito na ba ang oras para mapasabi ako ng when kaya?"

"Bakit ka magsasabi ng when kaya ee nandito naman ako?" lahat naman kami natuon ang pansin kay Ate Alice na nakakunot ang noong nakatingin kay Sheki ngayon.

At sa mga oras na 'to, nakahinga ako ng maluwag. Nalihis na ang usapin tungkol sa'min. Save by the bell. Tss.

"Oo nga, nandiyan ka nga, pero may sarili ka namang mundo." natahimik ang paligid. Miski si Gia na kinukulit si Belle, natahimik din.

Teka lang, may naamoy akong malansa. Sobrang lansa.

"Ni hindi mo nga 'ko magawang isama sa mundo mo." rinig pa naming bulong niya. May pagbulong-bulong pa, rinig naman.

Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sariling mapangiti. Nakatuon lang ang pansin si Sheki sa labas ng bintana habang ang isa, matamang nakatingin sa kanya. Mukhang may hindi sinasabi sa'min ang dalawang ito.

"Paano kita isasama, kung ikaw nga ang nagsisilbing mundo ko?" and that's it. Hindi ko na nakayanan pa at tuluyan na kong tumawa.

Habang itong mga kaibigan ko, inaasar lang si Sheki na nagpipigil ng ngiti dun. Napaka pabebe. May pagalit-galit pang nalalaman, marupok din naman.

"T-ngina talaga." Lara cursed. "Napapaligiran ako ng mga taong tanga sa pag-ibig." labas sa ilong na saad niya.

Napuno ng malulutong na tawanan itong Van. Pinagbabato din namin ng chitchirya si Lara na lalong kinainis niya. Ang sarap talaga niyang asarin. Para siyang pinaglihi ng nanay niya sa sama ng loob dahil laging masama ang timpla.

"Oh siya, siya, tama na 'yan." malakas na pag-awat ni Gia dahilan para tumahimik kami. "Belle, ibigay mo na kasi sa'kin number ng pinsan mo. O kaya naman, social media account na lang niya." pagmamakaawa niya.

Napatawa ako. Grabe, di pa pala sila tapos? "Belle bakit ba ayaw mong ibigay?" kunot noong tanong ko. Kulang na lang kasi umiyak na si Gia. "Nakakaawa na si Gia oh. Kanina pa 'yan nagmamakaawa sayo." natatawang dagdag ko

Hindi naman nakakaawa talaga, medyo lang. At saka, ngayon ko lang din napansin, pareho pala sila ni Abby ng posisyon, parehong nakatungtong ang tuhod sa upuan.

"Ee ano ba kasing dahilan at gustong-gusto mong makuha number ni Ella?" at ngayon nga po, ang sama na ng tingin niya kay Gia.

Napaka-istrikto naman niyang pinsan. Ako ang natatakot para dito sa isa.

"Ah. Ano." Gia uttered. "Wala lang." Parang tangang sagot ng isa.

Napa-facepalm ako sa loob-loob ko. Ang tanga niya sumagot sa totoo lang. Kung ako nasa posisyon ni Belle, hindi ko din ibibigay.

"Oh, ee wala naman pala ee." Belle said. "Wag mo ng hingin kung wala lang naman." dagdag pa niya.

Napailing na lang ako bago muling ituon ang pansin sa cellphone. Bahala sila magtalo diyan, basta ako tatahimik na lang dito.

"May crush nga kasi si Gia kay Ella." rinig kong sambit ni Abby. "Na-crush at first sight ang gaga."

I chuckled and looked at her. Wala lang, nacutan lang ako sa way ng pagkakasabi niya. Para kasing pati siya, na-stress sa kaibigan niya.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon