TMG 26: Bloody Monday

Start from the beginning
                                    

“Who knows,” he answered nonchalantly.

Napanganga na lang ako sa narinig. How disgusting. Iniisip ko pa lang na totoong katawan ng tao ang tatadtarin ko, hindi ko na masikmura. I better use guns to kill them that chop their bodies with a kitchen knife. Jeez. That was supposed to be a joke, a sarcasm. Can’t he notice that? How stupid devil.

Tinapos ko na lang ang pinagagawa niya ng walang reklamo. Naupo sa dining at inantay siyang tapusin ang mga niluluto. Kahit masakit siya sa mata, wala naman akong choice kun'di ang tingnan siya. Baka maisipan na lang niya bigla lagyan ng lason ‘yung pagkain tapos sabihing part training ko ang hanapin kung anong putahe ang nilagyan niya. Tch. He’s Azmael, and with his not-so-normal way of thinking, that’s not impossible.

Seryosong-seryoso ang itsura niya habang nagluluto. Naka-dark blue sweatshirt siya na nakataas hanggang siko ang sleeves na tinernuhan ng gray cargo shorts. Nakaapron pa na kulay pink habang nagluluto. Well, he looks cute with that. I mean, smoking hot. Hindi siya nagmukhang bading sa pink apron na may cute piggy design. But… those deep collarbones seriously killed it.

Ugh. Damn it, Vincent! What the crap are you talking?!

***

It’s Monday early morning… my Pandora High’s comeback. Monday will always be a hassle and annoying as hell.

“Wala ka na bang mas ibabagal pa diyan, babae?”

“Ah, mas gusto mo ba ng mas mabagal pa dito, lalaki?”

Nagtitigan kami ng masama.

Hindi ko alam kung bakit ganito kainit ang ulo nito sa’kin ngayon. Umalis siya kahapon at ganyan na ang trato sa’kin pag-uwi niya nung gabi. Lahat na lang ng kilos ko, kinaiirita niya. Kahit na nanahimik na ako sa isang tabi, makakahanap pa rin siya ng dahilan para mainis sa’kin. Pati tuloy ako umiinit na ang ulo. Ayoko sa lahat, ‘yung ako ang pinagbabalingan ng galit. Tch. I would be really glad if these pretty little hands of mine would mindlessly and recklessly throw a fist to his face and give him a hard blow of solid punch. Makaganti manlang sa pambubulyaw niya sa’kin mula kagabi.

“Sumunod ka na lang sa sasakyan.” Tanging sabi nito matapos akong talikuran at diretsong lumabas ng unit.

Napairap na lang ako at muling ipinagpatuloy ang paglilinis ng dining table.

Siya ‘tong nag-utos sa’kin nito tapos siya pa ang may ganang magreklamo? Nakakabadtrip! Kung bakit ba naman kasi kailangan ko pang makasama ang lalaking ‘yon sa condo na ito. Wala na bang ibang reaper na pwedeng ipalit sakanya? Anong gulo na lang ang aasahan ko kung wala pang isang araw ganito na ang sitwasyon naming dalawa? Jeez.

Azmael and Vincent will never fit each other.

Mabilis kong tinapos ang ginagawa at bumaba ng building. Hindi ko na kakayanin pang makatanggap ng panibagong sermon mula sakanya sa umagang ito. Baka tuluyan nang maghalo ang balat sa tinalupan.

Tulad ng inaasahan, nasa loob na siya ng sasakyan nang matanaw ko ito. Malayo pa lang, kita ko na ang seryosong tulalang mukha ni Azmael. His left elbow was arrogantly resting at the window, caressing his lips with his thumb and index finger. His right was at the steerwheel, firmly holding it. Ni hindi manlang nga ako tinapunan nito ng tingin at agad na inistart ang makina ng sasakyan nang makasakay ako. Wala naman talaga akong pakialam kung hindi niya ako pansinin. Sakatunayan, mas mabuti nga ‘yon kaysa bungangaan niya ako ng bungangaan. Baka bigla na lang malaglag sa lupa ang tainga ko sa mga sermon niya.

We drove with a heavy silence embracing us. Ibinaling ko na lamang ang tingin sa daan.

Hindi ko alam kung anong naging problema niya sa lakad niya at naging ganyan kainit ang ulo. Ang alam ko, galing siya sa mansion kahapon at ganyan na siya pag-uwi niya. I wonder if things didn’t go well like he expected. He looks too occupied. I caught him staring at distance with his creased forehead not just once since last night. And everytime he’ll met my gaze, his face always automatically darkened. It’s as if I did something wrong against him. Mabilis rin siyang mairita sa mga ginagawa ko na siyang pinagmumulan ng pag-aaway namin.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Where stories live. Discover now