Prologue

405 14 0
                                    

Autumn

"Mom why?" Naiiyak na tanong ko kay mommy habang kaharap namin 'yong attorney.

"We have no choice. Tapos na ang two years na palugit sa'min ni Mr. Finley. Kailangan na naming magbayad kundi makukulong kami ng daddy mo. Gusto mo ba 'yon?" Seryosong sabi niya.

Umiling ako. "Hindi po. Pero ba't kasi ako? I'm too young. I just turned 18. Nandiyan naman po si ate." I tried to reason out baka sakaling matauhan sila.

Si daddy naman ngayon ang sumagot. "We needed your sister in the company. At least siya nakagraduate na while you, you're still in senior highschool. Ang dami na nga naming iniisip na babayaran tapos dadagdag pa 'yong pagpapa-aral namin sa'yo? Are you even thinking? When you will marry Mr. Finley, siya na magpapa-aral sa'yo."

I feel like I was stabbed by my father's words. He didn't have to be that rude to his own daughter. Ako na nga 'yong isasakripisyo ang buhay, ako pa pagsasabihan ng masama. Am I really that useless in this family? Kung sabagay, their only princess is my sister naman daw. Nanggaling na mismo 'yon sa kanila habang nakikinig ako.

I looked at my sister and saw her smirking at me.

My tears started to fall while I looked at mommy and tried na pakiusapan siya.

"Mom plea-----"

"No." She cut me off with a stern voice.

"Just sign the contract. Kanina pa naghihintay si attorney Reyes. Nakahanda na rin 'yong mga gamit mo. After signing, sumama ka na sa kanila." Dagdag na aniya.

Mas lalo akong naiyak. I don't want to complain but I can't. Anong klaseng pamilya ba kasi 'tong binigay sa'kin? Ba't sila ganito.

"Miss." Tinignan ko si attorney na nag-abot ng folder sa harapan ko.

I looked at the folder and with a shaking hand, I took the ballpen and signed the papers.

Siguro nga mas mabuti na 'to. Na malayo ako sa kanila. Kasi kapag hindi ko ginawa ang gusto nila at magmamatigas pa ako, baka ako lang din ang kawawa.

I just hope my husband would be nice and kind. I heard his 8-year older than me. So I'm assuming, he looked much more mature than me. Though, hindi ko kailangan ng gwapo, basta mabait at maayos akong tratuhin, okay na 'yon sa'kin. Mas natatakot pa ako na mapunta ako sa sobrang gwapo pero ang ugali pang demonyo.

- F A I R Y S V N -

Married To A Mysterious Billionaire At 18Donde viven las historias. Descúbrelo ahora