Part 2

2K 84 3
                                    

UNEDITED

"ANO ANG sa iyo, ineng?”
“Sopas po.”  Tiningnan ni Jeuliette ang nag-iisang bananacue sa tray na nakahilera sa estante ng school canteen nila.  Mabuti na lang at may natira pa palang isang stick. Iyon kasi ang paborito niyang kainin tuwing recess time nila.  “Tsaka po ‘yung bananacue.”
“Hay, naunahan na pala ako.”
Napalingon siya sa nagsalita sa kanyang likuran.  At nagulat pa siya nang makita roon ang kamukha ng pinakamamahal niyang si Trigger.  It was his twin Jigger Samaniego. 
“Parang kulang ang faith ko kay God dahil hindi natupad ang munting panalangin ko,” wika nito na nakatingin sa nag-iisang bananacue.  “Oh, well.  I must have done something wrong to Him.” 
And that’s when he turned to her and smiled.  Narinig niya ang tila sabay-sabay na pagsinghap ng mga tao roon, lalo na ng mga babaeng estudyante na halos lahat ay natigilan sa pagkain sa kani-kanilang table at nakatingin na lang sa puwesto nila ni Jigger. 
“Jigger, sa iyo na ang ang bananacue ko,” wika ng estudyanteng nauna sa kanya.  “Hindi ko naman talaga gusto ito, eh.  Napilitan lang ako kaya ko binili.”
Nilingon ito ni Jigger.  “I’m not Jigger.  And thanks for the offer.  Pero mas gusto kong bumili ng sarili kong bananacue.”
“You can buy mine, Trigger!” mabilis namang offer ng estudyante mula sa table na malapit sa kanila.  “Bilhin mo kahit magkano gusto mo.  Pero puwede ring libre lang naman…”
Napansin niya ang kakaibang pagngiti ng binatilyo.  Ewan niya ngunit tila ba hindi nito nagustuhan ang narinig.  Although hindi rin siya sigurado dahil napakaganda ng ngiti nito.
“Hija, heto na ang order mo,” untag ng tindera sa canteen nila nang ibigay ang pagkain niya.  “Bale beinte pesos lahat.”
Hinarap niya ang tindera.  “Hindi ko na ho bibilhin ‘yung bananacue, Ate.”
Kinuha niya ang tray ng order niya saka nagtungo sa counter para magbayad.  Pagkatapos ay naghanap na siya ng bakanteng mauupuan.  Wala siyang permanenteng kaibigan na matatawag sa paaralang iyon dahil batid niyang kakaiba nga ang tingin sa kanya ng mga kaklase niya at kapwa estudyante.  Mga libro at notebooks lang niya ang maituturing niyang kaibigan since iyon ang lagi niyang kaulayaw.  Matalino kasi siya at parang mortal sin sa paaralang iyon ang maging matalino.  Wala naman siyang pakialam dahil mas importante sa kanya ang pag-aaral niya.
Sa wakas ay nakakuha siya ng bakanteng mesa.  Magsisimula na siyang kumain nang may umupo sa puwesto sa puwesto sa harapan niya. 
“Hi.”  It was Jigger Samaniego.  “Puwedeng maki-share?”
Napatingin siya sa mga tao sa paligid nila.  Iba-iba ang expression sa mukha ng mga ito.  Pero lahat, negative.  Shock, irritation, envy, hatred, anger.  At lahat ng iyon, naka-sentro sa kanya.  Sa simpleng kadahilanan na nilapitan at kinausap siya ng sentro ng amore ng mga ito.
“Ahm, marami namang bakanteng puwesto na mas maluwag, Jigger.  Doon ka na lang sa kanila.  Siguradong magugustuhan din nila iyon.”
“Bakit?  Hindi mo ba gusto na nandito ako sa puwest mo?”  He gave her his famous mouth-watering smile.  “And by the way, I’m not Jigger.”
“Yes, you are.”  Halata ang pagkagulat sa mga mata nito.  Pero agad din itong nakabawi.  Now his smile has become more charming, if she may say so.  Bigla niyang kinagat ang kanyang dila.  “I’m sorry.”
“For what?”
“For answering back at you.”
Ngayon naman ay fascinated ang nakikita niyang ekspresyon sa guwapo nitong mukha.  “Hindi dahil sa pinipilit mong hindi ako si Trigger?”
“Hindi.”  Tinakpan na niya ang kanyang bibig.  “I’m sorry…”
“Just accept the fact that I’m Trigger and I’ll forgive you.”
Agad nagprotesta ang kalooban niya.  Kaya siguro hindi na rin niya inalintana pa kung mali na makipagtalo rito.  “You’re Jigger.”
“Ayoko talaga na pinipilit ng mga tao na tawagin ako sa ibang pangalan.  Lalo na pagkatapos ko silang itama.”
“You’re not Trigger,” sagot lang niya. 
“How did you know that?  Do you have a proof?”
“Wala.  Pero hindi ka pa rin si Trigger.”
“I see.” 
Wala na itong imik nang damputin ang bananacue sa tray nito at inumpisahan iyong lantakan.  Nararamdaman niyang hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pakikipagtalo rito.  Pero wala siyang balak na baguhin ang mga sinabi niya, just to please him.  Hindi naman kasi talaga ito si Trigger.  Hindi niya kayang patunayan iyon dahil wala naman siyang konkretong ebidensya.  Basta lang alam niyang hindi ito si Trigger. 
“Trigger doesn’t like bananacue,” mayamaya’y wika nito.  Binalingan na uli siya nito.  Nakangiti na uli ito.  Ngunit hindi tulad ng mga unang beses niyang nakita ang ngiting iyon, mas pleasant na ang dating niyon para sa kanya.  Nalaman niya ang dahilan nagn muli itong magsalita.  “But I like these very much,” tukoy nito sa kinakain nito.  “Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang taong nakatukoy ng tama kung sino kami ni Trigger sa isa’t isa?  Bukod siyempre sa pamilya namin.”
“Hindi ka…galit?”
“Why would I?”  Sumandal ito sa kinauupuan habang nilalantakan pa rin ang bananacue.  “Trigger would love you for this.”
Damang-dama niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.  Kaya naman ibinaling na lang niya ang atensyon niya sa pagkain niya, at hinayaang matakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha. 
“Hindi ko alam kung paano mong natukoy ng tama kung sino ako,” patuloy ni Jigger.  “Pero gusto kong malaman mo na gusto kita.  Pamilya lang namin ang nakakapagsabi kung sino kami ni Trigger sa isa’t isa.  Kaya precious sa amin ang mga tulad mo…what’s your name again?”
Hindi makapagsalita.  Umiikot pa rin kasi sa isipan niya ang mga nauna nitong sinabi.  Na mamahalin siya ni Trigger dahil lang sa natukoy niya si Jigger ng tama.  Napakalakas ng tibok ng puso niya at nagpapawis na rin ang mga kamay niya. 
“Miss…?” untag ni Jigger.  “I’m asking your name.”
“Jigs!”  Tila lumundag naman ang puso niya nang marinig ang boses na iyon.  “Bakit nandito ka pa?  Uy, penge, ha?”
“Hindi pa iyan bayad, Trigger.”
“Hindi bale.  Pahingi pa rin.”
Tila nakisabay siya sa impit na pagsinghap ng mga estudyante sa canteen na iyon nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.  Si Trigger nga!  Si Trigger nga ang nasa harap na rin niya ngayon.  Ang pinakatatangi niyang si Trigger Samaniego!
“Nasa iyo pa ba ‘yung notebook ko sa Geometry?  Ang tagal mo namang mangopya, Jigger.”
“Nasa iyo pa rin naman ang notebook ko sa History.”
“Anong magagawa ko?  Sa matagal din akong mangopya.”
Halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.  At parang hindi na rin niya malunok ang simpleng sopas na nakalimutan na niya sa pagdating ng binatilyong nagpapatibok nang husto sa kanyang puso. 
“Trigger, baka sakaling makatulong ka.  Tanungin mo siya kung ano ang pangalan niya.  Ayaw akong sagutin, eh.”
“Paano kang sasagutin niyan, may girlfriend ka na.”
“Just ask her name.”
“Bakit?”
“Ipinaglaban ka niya sa akin.”
“Ha?”
Can I die now? tanong niya sa kanyang isip.  As in now na?  Or better yet, could she just kill Jigger instead?
“Hindi niya tinanggap na ako ikaw nang sabihin kong ako si Trigger.”
“Really?” 
Lalong nag-init ang kanyang buong mukha dahil naramdaman niyang sa kanya na nagtatanong si Trigger. 
“First time na may nakatukoy sa amin ni Jigger ng tama.  Puwedeng malaman ang pangalan mo, Miss?”
Miss.  He called her Miss.  Not ‘hoy’.  Not ‘hey you’.  Its ‘Miss’. 
“Miss?”
Bahagya pa siyang napaiktad nang muling marinig ang boses nito.  “J-Jeuliette.  Jeuliette Altre.”
“Jeuliette Altre,” ulit ni Trigger sa pangalan nila.  “That’s a nice name.  By the way, bakit ayaw mo kaming tingnan?  Nakakatakot ba ang mga mukha namin ni Jigger?  Alam ko mas guwapo ako sa kanya kaya puwede mo ng pagtiyagaan ang mukha kong tingnan.”
“Mas guwapo ako sa iyo,” singit ng kakambal nito.
“Mas una akong ipinanganak.”
“Fine.”
Narinig niyang tumawa si Trigger.  Ah…music to her ears…
“Jeuliette?”
Wala sa loob siyang napaunat ng upo at napatitig ng hindi sinasadya sa mukhang iyon sa harap niya.  Ah, there he was.  Trigger Samaniego of her life…
“Hello,” nakangiti nitong bati sa kanya.  He extended a hand to her.  “I’m Jigger Samaniego.”
“You’re Trigger.”  Kinagat niya ang pang-ibabang labi.  “I’m…I’m sorry.”
“See?” wika ni Jigger sa tabi nito.  Ngumunguya pa rin ito ng bananacue.  “I told you she could tell us apart.”
And that’s the first time she ever saw Trigger smiled.  His genuine, rarely seen smile.  Iyon ang isang karakter nito kung bakit madali sa kanya na matukoy kung sino ito sa kanilang magkakambal.  Trigger rarely smile but when he does, it was like heaven opening up and angels singing everywhere.
“Hi there,” wika nito nang hindi inaalis ang nakalahad nitong kamay sa kanya.  “My name’s Trigger Samaniego.  Nice to finally introduce myself to someone who would not have a second thought if I am who I am.”
Parang gusto niyang maiyak.
“Trigger,” untag ni Jigger.  May pasak pa rin ng bananacue ang bibig nito.  “You are such a flirt.”
“I’m not flirting with her.”
“Then don’t make her cry.”
She could have killed Jigger right then and there, if she wasn’t too occupied of her overwhelming feeling for Trigger.  Tatanggapin na lang sana niya ang kamay nito nang may kung sinong umagaw sa atensyon nito. 
“Hi, Jigger!” isang estudyanteng babae ang lumapit sa kanila.  Kay Trigger ito nakangitin.  “Puwede ka bang maistorbo sandali?  Kailangan lang namin kasi ng maii-interview sana para sa darating na Valentines Day.”
Nilingon ni Trigger si Jigger na abala pa rin sa pagkain.  Ni hindi nito tinitingnan ang dalagitang nagsalita.  Then Trigger stood up.
“Saan ba ang interview?”
“Sa office ng school organ natin,” excited na wika ng babae.  “Kung hindi nakakaistorbo sa iyo…”
“Nah, its fine.  Let’s go.”
Isang beses pa siyang nilingon ni Trigger at bahagyang kumaway bilang pamamaalam bago sumama sa babae at sa kasama nito. 
“Bakit hindi ikaw ang sumama, Jigger?” mayamaya ay tanong niya rito.
“Tinatamad ako.  And Trigger knows that.  Anyway, may utang siya sa akin kahapon kaya iyon ang bayad niya.”  Nilingon siya nito.  “You like Trigger, don’t you?”
Hindi siya makapagsalita.  Iyon na ang naging pag-amin niya at mukhang nakuha naman agad iyon ni Jigger. 
“Why don’t you tell him?  Every other girls were doing it anyway.  And he’s fine with it.”  Matatalim na tingin lang ang ibinigay niya rito.  Nagkibit lang ito ng balikat.  “Fine.”
Then he stood up and left her.  Doon lang niya napansin na siya naman ang pinagpipiyestahang tapunan ng matatalim na tingin ng mga babae roon.  Kaya umalis na rin siya agad. 
But she was happy.  Dahil nakita at nakausap pa niya si Trigger Samaniego.
Hah!  Mamatay kayo sa inggit!

Stallion #50: Trigger Samaniego (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon