CHAPTER 33 - THE OFFER

ابدأ من البداية
                                    

(Si Rebel ay isang sugpo sa paningin ni Ashari)

Natigilan naman si Rebel sa pagkain niya ng tuna kineme. Napatingin siya sa mukha ko, 'yung natural na ekspresyon ng mukha niya.

Sabi na e, 'yung 500 million talaga gusto ng isang 'to!

"Do you think I still need that money?" isang ngiti ang lumabas sa labi ni Rebel bago nagpatuloy sa pagkain. "

Napatingin naman ako sa buong lugar kung nasaan ako...

Nasa main deck kami ng isang malaki at yayamaning yate. May sala at dining area dito na nasa gawing dulo ng yate kaya kitang kita ang kalawakan ng buong dagat. Wala kang makikitang kahit ano kundi asul na dagat.

Kaming dalawa lang ni Rebel ang nandito sa main deck. Naabutan ko na ang lamesa dito na punong puno ng mga sea food na putahe, wala akong nakita na kahit sinong maid, butler o chef na nagayos dito.

Isa lang ang masasabi ko...

Napaka ganda dito.

Para nga akong nagbakasyon e. Parang nanalo lang ako ng instant lotto.

Parang nagkaroon lang din ako ng instant reward sa mahirap na exam na kinopya ko lang din naman ang sagot sa pinaka matalino kong kaklase, walang iba kundi si Kiffy!

O diba, sa lahat ng kinidnap ako na yata ang pinaka swerte!

Pwede ba ipa-extend 'to kahit pang forever lang ganern? HAHAHA!

"Ah, sabi ko nga di mo kaylangan 'yung 500 million."

Yaman na e, parang Marchese lang na barya ang perang 'yon! So, ekis na? Hindi niya ako kinidnap dahil sa pera?

E ano?

Wala na akong maisip na dahilan. Hindi naman niya siguro planong ibenta ang laman loob ko noh?

"Try this dish, this is a beer battered salmon. I know you'll love it."

Kinuha ni Rebel ang plato ko at nilagyan ng parang itsurang buffalo chicken wings pero beer battered salmon kineme daw 'to. 

Hilig naman sa beer ng isang 'to. Di na ako magtataka kung gasgas na bituka niyan e.

"It's still breakfast but don't worry light lang sa tiyan 'yan. Hindi sasakit ang tiyan mo." matiim kong pinagmasdan si Rebel sa ginagawa niyang pag-aasikaso sa pagkain ko.

Hmmm...

Hmmmmmm...

Hmmmmmmmm!

Unti unti na akong nag sususpetsiyo sa isang 'to. Bakit ang bait niya ha? Ito ba 'yung sinasabi ng mga Marchese na kabaligtaran daw ni Easton si Rebel?

Kung ito man 'yon, hindi sila chismax lang! Legit 100 percent!

Kung hindi lang sa collar na nasa leeg ko, hindi ko talag pag-iisipan si Rebel na masamang tao pero itong collar na'to ang nagpapa-dama sa akin na isa pa ding mafia si Rebel. Ang Under boss ng mga Silvia.

"'Yan, may lason 'yan noh?" hindi ako dapat madala sa mga bait-baitan epek ng isang 'to. Siya ang pinaka masamang tao sa storyang 'to kaya hindi ako pwede magtiwala.

Medyo nagulat ako ng bigla niyang kinain 'yung isang part na inilagay niya sa plato ko. "Walang lason 'to." inilapag niya sa harap ko 'yung plato. "Now eat!"

"Wow, paladesisyon?" bakit ba mas magaling pa siya sa may tiyan ng may tiyan? Parang medyo labag pa sa kalooban ko pero kumain din naman ako. "Mas magaling ka pa sa tiyan ko kung maka-utos ka ha."

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن