30

33 13 1
                                    

Nanghihina akong umupo sa sofa ng makauwi ako dito sa condo ko. Nakahawak sa dibdib at tila'y tulala.

Hinayaan kong nakapatay yung ilaw at walang balak buksan. Ayoko ng liwanag. Ayokong may makita.

Hindi ako makapaniwala...

Totoo nga.

Bumalik na talaga siya.

Sila...

Nagsimula na namang magsilabasan yung mga trydor kong luha.

Bakit nung nakita ko siya... bakit parang bumalik lahat yung sakit? Bakit nag back to zero ako...

Nung nakita ko siya hindi ko alam bakit yung nararamdaman ko ay pinaghalong tuwa at sakit.

Masaya kasi nariyan na siya... uli't.

Masakit kasi... hindi na para sakin.

"Shit..." Aniya ko habang nakahawak sa dibdib ko habang patuloy na umiiyak.

Ang bigat bigat ng dibdib ko. Hindi ako makapag isip ng maayos ngayon. Puro pigura ni Adam yung nakikita ko ngayon...

Siya lang.

Nagsitaasan yung balahibo sa batok ko ng may maramdaman ako sa gilid ko.

Teka. Ano iyon?

Bakit naman ganon? Nanadya ba talaga itong tadhanang ito? Bakit kailangan manakot... diba?

Hindi ko pinansin iyon at nanatili pa ring nakayuko. Wala lang iyon. Wag kang matakot, okay?

"Shit... Ano yan? May tao ba riyan?" Kinakabahang tanong ko.

"Ahhhhhhhhhhhhh!" Tili ko ng may maramdaman akong kamay na nakapulupot sa bewang ko.

Putangina.

Nalooban ba ako?!

"Ang ingay mo... natutulog ako."

Nawala yung takot na nararamdaman ko ng marinig ko yung boses ng isang pamilyar na tao.

Bakit... nandito siya?

Siya ba talaga ito? Hindi kaya'y nanaganinip lamang ako? Sinampal ko ng mahina yung kaliwang pisngi ko para malaman kung nanaginip lang ba ako pero... hindi eh.

Totoo.

"Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na gulat na tanong ko sa kaniya.

Kay Adam.

Oo, si Adam yung humawak sa bewang ko. Hindi ko alam kung paano siya napunta dito sa loob ng condo ko.

Parang... kakakita ko lang sa kaniya sa loob ng convenience store ah. Ang bilis naman niya.

"Rest. Gusto ko magpahinga. Bawal ba?" Kaswal na sabi nito.

"Bakit dito?! Bakit sakin?! Bakit?!" Sunod sunod na tanong ko habang nanatiling nakaharap sa kaniya.

Tanging buwan lamang yung nagsisilbing ilaw sa aming dalawa dahil sa dilim ng silid.

"Bakit hindi? Ikaw yung pahinga ko. Sayo ako nakakapag pahinga. Sayo lang." Aniya.

Parang tumigil yung mundo ko... Bakit... niya ba sinasabi yung mga ito? Lasing ba siya?

"Wag mo akong gaguhin." Matapang na sabi ko at tumayo. Binuksan ko yung ilaw at kumuha ng isang pitsel na tubig sa loob ng ref.

"Kelan ko ginawa sayo iyon, Ava?" Seryosong tanong nito.

Nakasunod na pala siya sa likod ko. "Bakit ba nandito ka, ha? Balak mo pa talaga akong gawing kabit 'noh?" Tanong ko.

His, Promise (Love Series #2)Where stories live. Discover now