23

33 22 0
                                    

"Ang ganda naman ng bunso ko. Manang mana sa Nanay." Nakangiting bungad sa akin ni Mama ng lumabas ako ng kwarto.

Nandito ako ngayon sa bahay dahil one week kaming break ngayon sa academic. Ayos nga yon. Makakapag pahinga.

Makakasama sila Mama at Tatay.

Sila Kuya.

"Syempre naman po Ma!" Nakangiting sabi ko at yumakap sa bewang ni Mama.

Bihis na bihis ako ngayong araw dahil lalabas kami ni Adam. Yes. Kami ni Adam.

Kami na.

Girlfriend niya na ako.

Boyfriend ko na siya.

Tinototoo namin yung pagpapanggap namin noon... Parehas namin pinagbigyan yung mga sarili namin pagdating sa pagibig.

Wala naman sigurong masama dahil lang sa sinunod namin parehas yung puso namin... diba?

"Bunso?"

Napa bitaw ako ng yakap ng nakita kong papunta sa direksyon namin si Kuya Kurt habang may dala dalang plato.

Kakain na naman. Wala na ngang ambag sa lipunan palamunin pa. Charot. "Ano?" Tanong ko dito.

Malakas yung pakiramdam ko na may hindi na namang magandang sasabihin itong kapatid kong ito eh.

"San ka pupunta? Bakit ganiyan soot mo?" Tanong nito.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba ng tanungin ni Kuya Kurt kung saan ako pupunta. "Oo nga bunso saan pala ang lakad mo at bihis na bihis ka?" Tanong ni Mama. Paktay! Nagtanong na rin...

Pano ito?

Hindi alam ng family ko na may relasyon kaming dalawa ni Adam. Gustong gusto ko ipaalam sa kanila pero alam nila na si Kim yung girlfriend ni Adam... Hindi nila alam yung totoo.

Ayokong masira yung tingin nila kay Adam.

Hindi naman siguro masama maging tahimik muna noh? Ngayon lang naman. Ngayon lang.

Nagpanggap muna akong may hinahanap sa dala dala kong sling bag para hindi nila mahalata na nagsisinungaling ako. "Dyan lang po." Sagot ko.

"Saang dyan?" Tanong uli't ni Kuya Kurt.

Bakit ba ang kulit nito? Kapag ito talaga kaharap ko hindi pwedeng wala ka palaging isasagot eh. Dinaig ko pa yung mga iniinterview dahil dito kay Kuya Kurt.

"Sa Mall. Mag bo-bonding kami ng mga Kaibigan ko." Aniya ko.

"Sigurado ka?" Tanong nito sa akin.

"O-oo nga! Bakit ba ang dami mong tanong?" Masungit na tanong ko sa kaniya.

"Ma, aalis na po ako. Kanina pa po ba umalis si Tatay?" Paalam ko kay Mama at humalik na sa pisngi nito.

"Magiingat ka bunso. Maagang umalis ang Tatay mo at marami raw siyang kailangan asikasuhin." Aniya nito.

Tumango na lamang ako dito bilang tugon at sinimulan ng sootin yung sapatos ko. "Alis na ako, Panget!" Paalam ko kay Kuya Kurt.

"Huwag ka ng bumalik dito kapag wala kang dalang pasalubong!" Sigaw nito sa akin.

Inirapan ko na lamang ito at lumabas na ng bahay. Sinabi ko kay Adam na sa may kanto niya na lamang ako sunduin para malayo layo sa bahay.

Inaya ako ni Adam na lumabas para daw makapag bonding naman kaming dalawa. Gusto ko rin naman kaso lang naunahan niya lang akong mag aya.

Sobrang saya ko kasi pinili kong maging masaya.

Ang tagal kong inintay itong pagkakataon na ito. Simula umpisa pa lang gustong gusto ko na talaga si Adam. Sobra.

His, Promise (Love Series #2)Where stories live. Discover now