03

137 119 4
                                    

"Adam," tawag ko sa atensyon ni Adam na ngayon ay busy sa pagbabasa ng librong hawak hawak niya. Sobrang sipag talaga mag basa ng future asawa ko! Hindi na ako lugi doon.

"Hmm?" Aniya habang tutok pa din ang tingin sa librong binabasa. Ayaw pa-istorbo eh.

"Pag ako naging asawa mo lagi tayong lalabas." Sabi ko sa kaniya habang piit na piit yung tawa.

Lumingon naman ito sa akin at kitang kita sa mata yung pagka-bigla at gulat dahil sa sinabi ko.

"A-ano bang sinasabi mo, Ava?" Nauutal na tanong ni Adam sa akin.

"Kasi wala naman tayong bahay." Sabi ko at hindi na napigilan ang sariling humalakhak habang naka-hawak pa din sa tyan. Grabe naman ‘to! Hindi ko alam kung tatawagin ko bang baliw yung sarili ko dahil sa mga sinasabi ko ‘e.

"Weird... kumain ka na nga lang dyan." Aniya at muli na uli‘t nagbasa.

"Ano ba ‘yang binabasa mo? May quiz ba mamaya? Parang wala naman." Sunod sunod na sabi ko sa kaniya at sinusubukang basahin yung libro na binabasa niya.

"Meron. Sa Chem. ‘di ka talaga nakikinig." Aniya at umiling iling. Mayroon ba? Bakit parang wala naman yata akong naalala na may sinabi yung teacher namin?

"Nakikinig ako ah! N-nakalimutan ko lang!" Pagtatanggol ko sa sarili ko at umiwas ng tingin. Shocks naman! Hindi ako nakapag-review! Paano na ‘to?

"Liar. Btw, papasok ba Kaibigan mo?" Tanong ni Adam sa akin.

"Aray ha! Masyado kang ma-panakit, Adam! Ako na nga yung nandito iba pa yung hanap mo!" Biro ko sa kaniya at kunwaring humawak pa sa dibdib ko.

"Pero, bakit mo naitanong?" Tanong ko sa kaniya at umayos ng upo. Busog na ako.

"Ang daldal mo eh. Hindi ako makapag focus sa binabasa ko. Sama ka muna kay Kim." Aniya.

Ganyan ‘yan si Adam. Ayaw na ayaw talaga niyang may maingay sa paligid niya kapag nagbabasa siya. Nawala nga si Nathan at Kiko sa tabi niya pero ako naman yung pumalit... ayos, diba?

"Ayoko nga! Gusto ko tabi tayo!" Sabi ko sa kaniya habang naka ngiti. Minsan talaga dinadaan ko na lang sa biro yung feelings ko for Adam, eh.

"Ang kulit mo, Ava. Mag review ka na lang din kaya." Aniya habang kunot noo. Paktay! Galit na ba siya? Nakukulitan na kaya siya sa akin? Sana naman ay hindi pa.

"Wag ka ng mag review, Adam. Mataas pa din naman yung score na makukuha mo panigurado! Pupusta ko na yung mga kapatid ko! Marami rami ‘yon!" Pandedemonyo ko sa kaniya. Totoo naman kasi. Malakas nga yung pakiramdam ko na maaring si Adam yung maging valedictorian namin. Gwapo na matalino pa! Baka Adam ‘yan.

"Mga kapatid mo? Ano ba mga kapatid mo? Manok o Halaman?" Tanong ni Adam sa akin at isinara na yung librong binabasa niya.

"Parehas!" Proud na sabi ko at tumawa. Totoo ‘yon. Mas pinapahalagahan pa ‘yon nila Mama at Tatay kesa sa amin nila Kuya. Charot.

"Hmmm. Kaya pala mukha kang isasabong." Sabi ni Adam at mabilis na tumayo.

Anak ng pating! Napaka-harsh talaga nitong lalaking ‘to sa akin! Bwisit. Siya nga mukhang tupperware!

"ADAAAAAAAAM!" Sigaw ko sa kaniya at mabilis na hinabol siya para mabatukan.

"Kim! Mabuti naman at dumating ka na ‘noh?! Kanina pa kita inaantay dito." Reklamo ko kay Kim habang hinihimas yung batok ko dahil sa pagka-boring.

"Hi, Ava! Kanina ka ba dyan?" Naka-ngiting tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa tanong niya eh. Halata naman siguro ‘noh?

May usapan kasi kaming dalawa ngayon na gagala sa Enchanted Kingdom. Regalo namin sa mga sarili namin dahil nga gra-graduate na kami. Malapit na din naman.

His, Promise (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon