13

60 47 0
                                    

"Hi Martha! Nag order na ako ng food for you!" Nakangiting saad ni Maureen sa akin at inusog yung plate sa harapan ko.

So, hindi naman sila masyadong prepared sa biglaang lunch date na ito 'noh? "Uhm. Thank you." Nahihiyang saad ko sa kaniya at ngumiti.

Alam nilang lahat na bukod sa tahimik na ako ay sobrang mahiyain ko pa. Hindi ko ba alam bakit nag bago ako. Bakit naging ganito ako.

"Sleep over tayong girls!" Sabi naman ni Gia na ngayon ay umiinom ng iced tea.

"G! G lang ako!" Masayang sabi naman ni Kaila habang binubuksan yung black forest cupcake na inorder niya siguro sa cafeteria.

Hindi naman ako mahilig sa mga ganiyan. Mas pipiliin ko pang magbasa at mag aral sa condo ko. Wala akong interes sa mga ganiyan.

"Pasama! Sama kami ni Kino!" Sabi ni Casper at inakbayan pa si Kino na bago pa lang iinom ng tubig.

"Girls nga diba? Bawal kayo! Next time na kayo!" Sabi naman ni Maureen at inirapan si Kino na ngayon ay naka titig na naman sa kaniya.

Patay na patay lang ang peg Kino?

"Ikaw ba Martha sasama ka ba?" Tanong ni Kaila sa akin.

"Hind-" Hindi ko pa man din natatapos yung sasabihin ko ng bigla akong pinangunahan ni Gia sa magiging sagot ko.

"Bawal tumanggi! Kaya ano? Sasama ka? Okay okay! Kyah!" Aniya at kitang kita mo sa mata nito yung excitement.

Hays. Sabi ko nga sasama na lang ako eh. "Sounds great!" Naka ngiting sabi ni Maureen at kinindatan pa ako.

"Kawawa! Kayo na lang ni Kino ang mag sleep over!" Natatawang asar ni Kaila kay Casper na ngayon ay naka simangot.

Nang matapos na kaming mag lunch date sa cafeteria ay bumalik na din kami sa mga sari-sarili naming mga klase dahil nag ring na din yung bell hudyat na time na.

Kasabay ko ngayon si Gia na naglalakad patungo sa klase namin dahil halos same building lang kami ni Gia compare kayla Maureen na nasa kabilang building pa.

Naging close ko na din naman si Gia kumpara noon. Masasabi kong mas nag improve. Madalas na din kaming mag usap minsan, actually siya lang dahil madalas ay pinapakinggan ko lamang siya.

"Martha, don't get me wrong ha. But, can i ask you some question?" Kaswal na tanong ni Gia sakin habang naglalakad pa din kaming dalawa.

"Sige. Ano ba yon?" Naka ngiting tanong ko sa kaniya habang buhat buhat yung libro ko sa physics. Ang kapal pa din naman nito.

"Hmm totoo bang nasa New York na daw si Kim?" Tanong ni Gia. Parang isang yelo ako na nanigas ng muli kong narinig yung pangalan niya...

Hindi ko alam. Sa totoo lang simula nung sinubukang makipag usap sa akin ni Kim noon ay ayun na din yung huli naming pagkikita. At ngayon ay hindi ko ding inaasahang wala na pala siya dito sa Pilipinas.

Teka, bakit ba may pakielam pa din ako after all this time? Pagtapos niya akong traydurin at gaguhin pero bakit nagaalala pa din ako sa kanya?

Siguro... Dahil may pinagsamahan din naman kami ni Kim?

"Hindi ko alam. Wala na akong balita tungkol sa kanya." Nahihirapang banggit ko kay Gia at nagpaalam ng kailangan ko ng dalian. Hindi ko na kaya pang pagusapan siya. Ayoko na siyang maalala.

"Aray!" Anak ng! Seryoso ba ito? Malas ba ako ngayong araw na ito? Argh! Wala pa man din akong extrang t-shirt dito. Patay.

"Fuck! Sorry. Sorry Miss!" Natatarantang paumanhin nung lalaking naka tapon sa akin ng chocolate drink.

His, Promise (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon