20

51 33 0
                                    

"Okay, class. Nag e-expect ako na matatapos niyo yan ng almost one week. Enjoy your lunch everyone. Goodbye." Aniya ni prof at tuloy tuloy na lumabas ng classroom.

Napahilot ako sa sentido ko bago ko naisipang tumayo na. Hays. Pani bagong sunugan na naman ito ng kilay.

Hindi pa nga ako nakakapag gawa ng thesis ay nai-stress na agad ako. Bakit naman gaanon si prof? Ano bang akala niya samin? Robot at sobrang talino?

One week lang? One week... Thesis pa yon. Edi sana kung case study lang ay ayos pa. Mas kaya ko pa iyon. Kaya ko naman gumawa ng thesis pero... hindi ko alam kung kaya ko bang gawin yon ng isang linggo lang?!

May mga iba't ibang subjects din naman kami na kailangan gawan ng written works noh. Anong akala niya? Hays. Wala na akong magagawa. Final na yon eh. Closed na. Hindi na mababago pa.

Wala ako sa mood pumunta sa library ngayon para magbasa. Sumasakit yung ulo ko dahil dyan sa thesis na iyan!

Dumiretso na ako sa cafeteria para makapag lunch. Hindi pa naman ako nagugutom pero gusto ko ng kumain para naman magkaroon ako ng lakas o hindi kaya'y gana man lang.

"Martha! Dito!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kong si Kaila pala yung tumawag sa pangalan ko. Kumpleto na sila doon maliban sa akin at kay Maureen...

Speaking of Maureen... napapansin kong ilang beses na siyang hindi sumasabay sa amin mag lunch nila Kaila.

Kumaway naman ako at ngumiti kay Kaila at sinenyasan ito na wait lang. Kailangan ko munang bumili ng lunch ko ngayon dahil hindi ako nakapag luto ng pagkain ko kaninang umaga. Wala lang. Gusto ko man lang i-treat yung sarili ko kahit pa-minsan minsan.

Umorder lang ako ng isang platong bicol express at isang half rice. Hindi ako malakas sa kanin kaya kalahati lang. Bumili na rin ako ng lemon water para sa panulak ko.

Ng makuha ko na yung order ko ay dumiretso na ako sa table nila Kaila at isa isa silang nginitian.

"Nasan sila Casper at Kino?" Tanong ko kay Kaila. Kanina kasi nakita ko nandito pa yung dalawang yon. Tapos ngayon, wala na.

"Pinatawag ng prof nila." Sagot ni Kaila sa akin.

"Magkano yang bicol express, Martha?" Tanong ni Gia sa akin.

"70 pesos yung isang order. Gusto niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang nagsisimula ng kumain.

"Sige ba! Favorite ko yata yan!" Aniya ni Gia. Ngumiti naman ako sa kaniya at pina-una na siyang pakuhain ng bicol express bago ako kumain.

"Lahat naman favorite mo sis!" Sabi ni Kaila kay Gia.

Natawa naman ako dahil dito at dali daling uminom ng lemon water ko. Nako. Nagsisimula na naman itong dalawang ito. Parang Casper at Kino lang eh.

"Pakielam mo? Inggit pikit tayo dito, Kaila!" Pikon na sabi ni Gia at inirapan ito.

"Walang may inggit sayo!" Ganti naman ni Kaila.

"Huwag kang umusap at nakakairita. Kumain ka ba ng tae? Ang baho ng hininga mo!" Asar ni Gia dito.

Naiiling iling na lang ako sa pinaguusapan nitong dalawang ito at ninamnam yung sarap ng ulam ko.

Kailangan mamaya pagkauwi ko ay masimulan ko ng magisip ng interesting na title para sa thesis ko para kahit pa-paano ay may nasisimulan na ako.

"Martha, kamusta na pala si Nathan at Kiko?" Out of nowhere na na-tanong na lang bigla ni Gia habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

His, Promise (Love Series #2)Where stories live. Discover now