24

37 21 0
                                    

"Martha, tara na!" Sigaw ni Kaila sa akin na ngayon ay may dala dalang malaking bag.

"Baka maiwanan ka riyan!" Sigaw naman ni Kino.

"Okay lang ako dito." Mahinang sambit ko sa kanila at ngumiti. Okay lang naman talaga ako dito.

"Ha?! Anong okay? Wala kang sasakyan!" Aniya ni Gia na nasa tabi ng bintana.

"Parating na rin yon." Sabi ko sa kanila at muling tinignan yung phone ko para matignan kung may message na ba si Adam.

Yeah.

Si Adam lang yung inaantay ko. Balak kong ipakilala siya sa mga Kaibigan ko bilang boyfriend ko.

Proud lang ako.

"Ha?! Sino? Ako ba? Nandito na ako Martha! Masyado mo naman akong mahal na mahal ah!" Nakangiting sabi ni Kino na ngayon ay katabi ni Casper.

Van nila Maureen yung gamit nila ngayon patungo sa pupuntahan namin ngayon. Napag-planuhan din namin na mag outing naman para mare-fresh kahit papaano.

Natapos na yung school year namin kaya napagusapan rin naming lahat na what if kung mag outing naman kami? Tamang tama lang talaga dahil sumakto pa sa araw na hindi ako naka schedule para umuwi sa bahay.

Nakakalungkot rin dahil hiwalay na pala si Maureen at Jasper. Grabe yung iyak at lungkot na nararamdaman ni Maureen that time kaya hindi kami umalis sa tabi niya hangga't hindi siya naging okay.

Speaking of Kino... Alam kong nalungkot rin siya para kay Maureen pero mas nangibabaw sa kaniya yung tuwa dahil sa tingin niya'y may pag asa na ulit siya kay Maureen.

Kilala ko si Kino. Kahit gaano ka-tagal iintayin at iintayin talaga niya si Maureen. Gustong gusto niya talaga yung tao.

"Loko!" Natatawang sambit ko dito at luminga linga para hanapin yung sasakyan ni Adam pero sa kasamaang palad ay wala pa ito.

["San ka na?"] Text ko sa kaniya.

"Sino pa ba kasing inaantay natin?" Tanong ni Maureen.

"Aba ewan ko! Ako ba yung nagiintay?!" Sigaw ni Gia rito. Naku. Kahit nasa loob na sila ng Van rinig na rinig ko pa rin yung mga bunganga nila.

"Hoy, Gia! Huwag mo ngang sigawan yung 'love' ko! Buntal ka sakin mamaya!" Pabirong pagbabanta ni Kino rito.

Naghiyawan naman yung nasa loob ng Van at kaniya kaniya pa sila ng sagot. Napansin ko rin na inirapan lamang siya ni Maureen at nag lagay na ng earpods sa kaniyang tainga.

"Love ka ba?" Pangaasar ni Gia dito.

"Magtatawanan nga tayo! Kasi yun ang bonding!" Aniya ni Kino.

Natawa silang lahat at natawa na rin ako. Ibang klase talaga itong si Kino. "Sumakay ka kaya muna rito, Martha habang inaantay mo yung kasama mo." Aniya ni Kaila sa akin.

"Oo nga Martha mainit riyan baka mangitim ka sige ka sayang Kojic yan!" Natatawang asar ni Casper sa akin.

Nag apir pa silang dalawa ni Kino at muling nagsitawanan na naman. "Okay lang ako dito." Aniya ko sa kanila.

"Sige, pumasok ka na lamang rito kapag nagbago isip mo!" Sigaw ni Kino.

Nakangiting tumango na lamang ako sa kanila at inantay na lamang si Adam na makarating.

Nasan na ba yon?

Traffic ba ngayon?

Akala ko pa naman ay mauunahan pa ako ni Adam dito.

Normal lang ba yon? Normal lang ba na magintay yung babae? Pero... Wala naman yon sa kasarian o gender, diba? Kung sino lang talaga yung nauna sa inyong dalawa.

His, Promise (Love Series #2)Where stories live. Discover now