14

61 45 4
                                    

"So kamusta buhay natin ngayon?" Tanong ni Nathan sa akin habang nakalagay yung dalawang kamay sa table.

Masyado namang formal itong lalaking ito. Akala mo hindi loko loko at hindi gago nung highschool. Syempre malay ko naman nagbago na si Nathan diba?

"Maayos naman. Unti unting nasasanay na mag isa." Makahulugang sabi ko dito at tumawa. Ayokong ipahalata kay Nathan na hanggang ngayon hindi pa din ako masyadong okay.

Mabuti na lang at hindi pa pala nakaka alis si Nathan kanina kaya eto nakapag bonding kaming dalawa habang vacant ko pa. Hindi na niya kasama yung pinsan niyang si Kristof kanina ng muli ko siyang nakita kanina. Siguro may klase din yung tao.

"Talaga?" Aniya nito sabay smirk. Hays. Pag ganito talaga itong si Nathan malakas yung pakiramdam ko na may naiisip na naman itong hindi na dapat kailangan isipin pa eh.

"Oo nga! Ang panget mo!" Ewan ko ba. Wala akong masabi kay Nathan dahil sa mga tingin na pinupukol niya sa akin. Napaka mangaasar talaga nitong taong ito.

"Hmmm. Okay okay. Pikon yern?" Nangaasar na sabi ni Nathan at umayos na ng pagkaka upo.

"Order na nga tayo. May klase pa ako ng hapon." Sabi ko sa kaniya at hinila na siya patayo para sabay na kaming pumunta sa counter.

Dito namin naisipan ni Nathan na tumambay sa malapit na fast food sa university para hindi ako ma-hassle incase na kailangan ko ng bumalik.

"Ako na oorder. Wait mo na lang ako dito." Aniya ni Nathan at tinulak pa ako para lang bumalik doon sa pwesto namin kanina. Makatulak naman itong lalaking ito!

"Okaaaaay!" Sambit ko sa kaniya at doon ko na siya inantay.

Wala pang sampong minuto ng bumalik si Nathan na may dala dalang lunch meal, fries, burger, sundae and drinks. Seryoso?! Bakit ang dami naman ng binili nitong lalaking ito?

"Mauubos ba natin ito?" Namamangha na tanong ko sa kaniya habang tinutulungan siyang alisin sa tray yung mga inorder niyang pagkain para saming dalawa.

"Ako oo. Sayo? Baka kulang pa yan. Hehe." Aniya at sinimulan ng lumapong.

"Wow ha! Ang panget mo po ka-bonding." Sabi ko dito at uminom muna sa drinks ko.

Hindi ko maipagkakaila na pagdating pa din talaga kay Nathan o hindi kaya'y kay Kiko nagiging madaldal akong tao... Siguro, yung ugali ko noon ay ganon pa din pag sila yung nakakasama ko. Iba pa din pala kasi kapag yung mas matagal mo ng kaibigan yung nakakasama mo.

Hindi ko naman sinasabing hindi masayang maging kaibigan sila Kaila. Actually, masasaya silang kasama at sobrang solid. Sila yung tumanggap sakin at kumupkop kumbaga. Hindi ko din sila kayang mawala katulad nila Nathan at Kiko.

Parehas silang mahahalaga sakin kaya ayokong mawala sila sakin.

"Kumain kana riyan!" Bulyaw nito sa akin habang puno pa din yung laman ng bunganga.

Isang oras din kaming nagkwentuhan at kumakain ni Nathan. Sobrang saya pa din talaga niyang kasama. Walang pinagbago. Walang kupas. Sana nga ay sa susunod makasama na namin si Kiko.

Next time daw isasama ni Nathan yung girlfriend niya para naman daw makilala ko. Masaya ako para sa kaniya dahil masaya siya. Suportado ko siya bilang isang kaibigan.

Inihatid pa ako ni Nathan sa loob ng university bago tuluyang nagpaalam. Kailangan na daw niyang mauna dahil baka abutan pa siya ng traffic. Susunduin pa daw niya kasi yung girlfriend niya.

Sana ol, diba? Charot.

Nandito na ako sa huling klase ko. Medyo matagal tagal pa matatapos ito dahil halos kakasimula pa lang nito.

Nag discuss lang ng nag discuss yung prof ko. Nakikinig lang naman ako dahil halos wala naman akong ka-close na classmate ko dito ngayon.

Lumipas yung thirty minutes at natapos na din mag discuss yung prof namin kaya kaniya kaniya ng labasan yung mga estudyante niya or should i say mga kaklase ko.

Inantay ko muna silang makalabas lahat bago ko napagdesisyunang lumabas. Medyo madilim na din pala kaya binilisan ko na yung paglalakad ko.

Malapit lang yung condo ko dito sa university kaya hindi na ako mahihirapan pang mag byahe at makikipag sabayan sa mga estudyante na makasakay sa jeep para makauwi sa mga kani-kanilang tirahan.

Sanay na akong mag isa pero hindi ko maipagkakaila na namimiss ko din yung pamilya ko. Minsan lang akong umuwi sa amin dahil sobrang hectic ng schedule ko nitong mga nakaraang buwan.

Kung umuwi kaya ako ngayon? Saturday naman na bukas at nextweek pa yung overnight na sinasabi nila Maureen. Paniguradong kela Maureen gaganapin yung overnight dahil madalas wala naman doon yung mga magulang nito. Sa katunayan yaya niya lang yung kasama niya sa bahay nila.

[Tay, uuwi po ako ngayon dyan. Mag cocommute na lang po ako.] Sent.

Pagka-send ko ng messages ko kay Tatay ay agad na itinago ko na yung phone ko sa bulsa ko. Uuwi na muna ako sa condo para makapag palit ng damit bago byumahe.

Inabot din ng mahigit tatlong oras yung naging byahe ko bago ako makarating sa amin. Inaamin ko din na gutom at antok na ako pero mas gusto ko pang makipag kamustahan kela Tatay.

"Bunso? Bunso! Tay, si Ava nandito!" Sigaw ni Kuya Kurt ng makita ko itong palabas ng bahay. Mukhang hindi pa yata alam ni Kuya Kurt na uuwi ako ngayon ah.

"Kuya Kurt!" Excited na tawag ko sa pangalan nito at dali daling tumakbo ng yakap dito. Grabe! Namiss ko itong lalaking ito!

"Kamusta buhay sa Manila? Kamusta pagaaral mo?" Tanong ni Kuya sa akin at sumama na din sa akin sa pagpasok sa loob ng bahay.

"Tay!" Niyakap ko mahigpit si Tatay na ngayon ay nakahiga sa sofa. Mukhang nagpapahinga yata. Pagod ba siya?

"Ayos lang po ba kayo?" Nagaalalang tanong ko dito dahil malakas yung kutob ko na hindi okay si Tatay.

"Ava. Anak ko. Ang maganda kong anak. Kamusta ka?" Nanghihinang tanong sa akin ni Tatay habang hinahaplos haplos yung buhok ko.

Mababaw yung luha ko kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko na umiyak. Sobra sobra ko silang na-miss. Silang lahat.

"Okay naman po ako. Kayo po? Ayos lang po ba kayo? Mukhang masama po yata yung pakiramdam niyo?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya habang pinupunasan yung mga luhang tumulo sa pisngi ko.

"Wala ito, anak. Napagod lang. Kumain ka na ba?" Tanong nito sa akin.

Napagod? Napagod saan? Ang pagkakaalam ko walang trabaho si Tatay kaya bakit parang mukhang grabe yung pagka-pagod niya?

Ay hindi bale na nga. Baka, pagod lang sa gawaing bahay. Ayokong magisip ng negative vibe.

Wag ngayon.

"Hindi pa po. Nasan nga po pala si Mama?" Tanong ko dito. Kanina ko pa kasi hindi napapansin si Mama.

"Bumili lang ng ulam sa bayan. Osya. Mag bihis ka na muna para makapag hapunan na tayo maya maya pagdating ng Mama mo." Aniya ni Tatay at hinalikan ako sa ulo. Tumango lang ako bilang tugon dito at tumayo na mula sa pagkaka upo.

Siguro nasa trabaho pa si Kuya Winston. Itetext ko na lang siya mamaya na nandito ako ngayon sa bahay. Balita ko din kasi kayla Mama minsanan na lang ito umuwi dahil stay in ito sa trabaho na pinapasukan niya.

"Panget! Bilisan mo mag bihis! Libre kita ng paborito mong calamares!" Sabi ni Kuya Kurt sa akin. Calamares? Wah! Namiss ko kumain non!

"Yayy! Okay okay! Wait me there!" Masiglang sabi ko sa kaniya at dali daling tumungo sa silid ko para makapag shower.

His, Promise (Love Series #2)Where stories live. Discover now