17

58 42 6
                                    

Wala kaming pakielam kung may pumasok man uli dito sa condo niya. Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa at tila'y nagpapakaramdaman kung sino yung unang iiwas sa amin ng tingin.

Bakit bumalik pa siya? Bakit? Kung kelan unti unti na ako nagiging okay... Ayokong... ayoko mawala sa lahat yung mga ginawa ko para lang makalimutan siya.

Ayokong bumalik na naman ako sa dati. Back to zero na ba uli't ako sa kaniya?

"Im so sorry, Ava. Sorry." Aniya ni Adam habang naka tayo pa din sa harapan ko.

Hindi ko alam yung dapat kong maramdaman sa ngayon. Dapat ba akong matuwa dahil bumalik na siya? Hindi...

Hindi. Huwag mong hayaan na mapunta sa wala yung pinaghirapan mo para lang sa lalaking yan! Sinaktan ka niya, diba?

"Kalimutan na lang natin na nagkita tayo Adam. Ayaw na kitang makita. Sana, sana huli na ito. Wala ng susunod." Matalim na sabi ko sa kaniya habang pinupunasan yung mga luhang tumtulo sa pisngi ko.

"Kailangan mo itong malaman, Ava. Please. Kahit ngayon lang... Pagbigyan mo akong makausap ka." Nangungusap na pakiusap ni Adam sa akin.

Napaisip ako sa sinabi niya. Kailangan ko ba talagang malaman? O, baka naman kailangan ko pa bang malaman? Hindi ko alam... Naguguluhan ako.

Hindi agad ako naka sagot sa sinabi ni Adam at nagdadalawang isip kung hahayaan ko ba siyang magsalita uli. Pero, pero...

Pero pag hinayaan kong mangyari yon ay parang hinayaan ko na ding pumasok siya uli sa buhay ko.

Teka. Sandali. Wait.

Bakit naman ang OA, Ava? May kailangan lang sabihin sayo yung tao okay? Wala naman siyang sinabing papasok siya muli sa buhay para mang gulo... Okay?

Wala.

Kalma.

Wala ito.

Wala lang ito.

"A-ano yon?" Nanginginig pa yung mga labi ko ng tanungin ko ito.

"Hindi ko alam kung maniniwala ka ba sa sasabihin ko pero... Sasabihin ko pa din," aniya.

"Hindi ko gusto si Kim. Hindi ko talaga siya gusto, Ava. Tinakot niya ako... Tinakot niya ako," pagpapatuloy ni Adam sa kaniyang sasabihin.

Anong tinakot? Hindi ko maintindihan... Nagsisimula na akong maguluhan sa mga sinasabi ni Adam.

"Ano bang sinasabi mo Adam?" Tanong ko sa kaniya habang sinusubukang huwag kabahan. Pero hindi eh. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Parang hindi normal yung bilis ng tibok nito.

"Girlfriend ko pa din si Kim hanggang ngayon, Ava... Pero, pero hindi ko gusto. Hindi ko ginusto." Malungkot na sabi nito.

Anong gusto niyang iparating sakin? Na hindi niya naman talaga gusto si Kim? Kung sa gayon, bakit niya pa niligawan ito?

Nagpapatawa ba siya? Anong akala niya sa akin uto uto pa din katulad noon?

Hindi na.

Ayoko na.

Hindi na dapat.

"Hindi ako interesado sa sasabihin mo, Adam. Aalis na ako. Huwag mong sayangin yung oras ko," sabi ko dito at ngumiti ng mapakla.

Totoo naman eh. Ayokong sayangin yung oras ko sa kaniya.

"Pero, Ava... Kailangan mong malaman ito." Pakiusap nito at akmang lalapitan ako pero mabilis kong iniharang yung mga kamay ko dito at ngumisi.

His, Promise (Love Series #2)Where stories live. Discover now