26

28 17 0
                                    

"Alam ko na magaling lang ako sa umpisa umasa ka pa sa akin mga pangakong nauwi lang sa wala nasayang lang ang iyong pagtitiyaga wala ka ng na-pala at puro lang ako salita kaya pala pag-gising ko wala ka na..." Mahinang pag sabay ko sa kantang 'Halik' by Kamikazee.

Tumingala ako sa kalangitan para pigilan na naman yung pag udyok ng aking mga luha.

Eto na naman.

Babagsak na naman.

Hindi ba kayo mauubos?

Hindi ba kayo matutuyo?

Eto naman yung gusto ko hindi ba? Eto naman yung mas pinili kong gawin hindi ba? Eto naman... hindi ba?

Dapat masaya ako eh.

Dapat kampante ako kasi nasunod yung gusto kong mangyari.

Nangyari yung ayaw kong mangyari pero kailangang mangyari...

Tangina. Bakit hindi ako masaya? Bakit wala man lang akong saya na nararamdaman? Bakit?

Ilang beses...

Ilang beses niya akong pinigilan.

Ilang beses niyang sinabing baka kaya pa raw ayusin. Baka kaya pa raw daanin sa maayos na paguusap. Baka raw naguguluhan lang ako...

Saksi ako sa bawat pag patak ng mga luha niya. Saksi ako sa bawat sakit na nararamdaman niya. Saksi ako kung gaano siya nasasaktan... Nasasaktan ng sobra sobra.

"Kanina ka pa riyan?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Nathan na may dalang ice cream.

"Hindi naman." Aniya ko at muling tumingala.

Nandito kami ngayong dalawa sa malapit na park sa bahay namin. Tinawagan ko si Nathan para may makasama at para na rin may makausap.

"Oh. Baka sakaling kumalma ka pag nakapag ice cream ka." Sabi nito at inabot sa akin yung isang gallon ng ice cream na strawberry. Favorite ko.

"Salamat Nathan." Aniya ko at tinanggap ito mula sa kaniya. Hindi na ako tatanggi. Comfort food ko ito eh. Kailangan ko ito ngayon.

Tanging boses lamang ng mga bata yung maririnig na naglalaro sa paligid namin dahil parehas kaming hindi na nagsalita ni Nathan.

Hindi ko alam kung alam niya na... pero wala akong balak sabihin. Wag na muna. "Hindi ka na sasama sa paghatid sa kaniya mamaya?" Tanong ni Nathan ng napansin niyang wala yata akong balak magsalita.

Para saan pa?

Tinapos ko na yung saming dalawa dahil... Mali. Hindi dapat. Hindi pwede.

Umiling ako sa kaniya at muling sumubo ng ice cream. "Baka itaboy niya lang ako." Mapait na sabi ko dito habang nakatingin lamang sa malayo.

"Alam mo ang galing mo rin minsan ‘noh?" Tanong ni Nathan.

"Bakit?" Aniya ko. Paano naman ako naging magaling?

Tumawa muna ito bago sumagot. "Hindi mo pa nga nagagawa alam mo na agad yung kakalabasan?" Sabi nito.

"Kasi alam kong mangyayari yun. Ayokong mapahiya. Ayoko ng magpakita pa sa kaniya. Ayoko ng... mas lalo lang siyang masaktan." Aniya ko.

Nag kibit balikat na lamang si Nathan sa akin. "Ikaw ang bahala. Pero kung sakaling magbago isip mo. 1 AM yung flight niya." Saad ni Nathan.

Pinagisipan ko ba ito?

Pinagisipan ko ba to ng mabuti?

Hindi ko alam.

Tama ba ito?

His, Promise (Love Series #2)Where stories live. Discover now