16

59 41 3
                                    

"Okay ka lang ba Martha?" Tanong ni Kaila sa akin habang nandito kaming dalawa sa coffee shop. Dito namin inaantay si Gia para sabay sabay na kaming tatlo dumiretso kayla Maureen.

Ngayon kasi namin gaganapin yung sleep over na sinasabi nila. Mabuti na nga lang at natuloy pa din kasi halos dalawang buwan na yung lumipas ng simula mapagusapan namin iyon.

Medyo naging busy din kasi kami sa acads kaya nawala na sa isip namin na mag sleep over pa. Inihatid pa nga ni Casper si Kaila dito sa coffee shop. Nagtataka nga din ako sa dalawang ito. May lihim ba silang relasyon na ayaw sabihin samin?

Malamang lihim nga eh.

"Ha? Oo. Oo, ayos lang ako." Sabi ko at ngumiti ng peke dito. Kanina pa ako wala sa sarili. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko. Ayos lang ba talaga ako?

"Sigurado ka? Parang may bumabagabag kasi sayo eh. May iniisip ka ba?" Sunod sunod na tanong ni Kaila sa akin.

Bakit ba kasi ang tagal ni Gia? Nasan na ba yung babaeng yon? Mukhang matatanong yata ako ng matatanong ni Kaila ngayon ah...

Hindi pa naman din ako sanay na mag sabi sa kanila ng mga problema ko. Wala lang. Ang awkward lang para sakin. Pakiramdam ko kapag nag oopen up ako ng problema ko sa kanila ay parang nagpapaawa ako.

"Wala. Napuyat lang ako kagabi kaya ganito ako." Dahilan ko naman sa kaniya at umiwas ng tingin. Sana naman maniwala siya... Please.

"Ah. Okay. Tatawagan ko na nga si Gia kung nasaan na siya." Aniya nito sa akin at tinawagan na nga si Gia. Hays. Naka hinga ako ng maluwag ng naniwala si Kaila sa rason ko at hindi na ako muling tinanong.

Ilang minuto din yung inantay namin bago dumating si Gia. Grabe. Sana, sana kung alam ko lang na hindi susunod sa tamang oras itong si Gia edi sana hindi na ako nagmadali pa.

"Tara na? Sorry. Traffic." Sabi naman ni Gia at humalik sa cheeks naming dalawa ni Kaila.

Tumango lang ako dito bilang tugon at inayos ng muli yung gamit na dala dala ko. Isang bag lang naman ito na may lamang mga damit at mga essential.

"Juice ko po! Gustong gusto nga sumama ni Casper!" Sambit ni Kaila kay Gia habang naglalakad kami palabas nitong coffee shop. Nakasunod lang ako sa likod nila.

"Buntot mo ba yung lalaking iyon? Dapat kung nasaan ka, nandoon din siya! Buang." Natatawang sabi ni Gia.

"Ewan ko ba sa lalaking iyon! Ikakamatay yata niya kapag nawala ako sa tabi niya." Proud na sabi naman ni Kaila at hinawi pa yung buhok nito sa tainga.

"Sino ka dyan? Ganda yern?" Sambit naman ni Gia.

"Panget mo ka-bonding Gia! May joke ako. May baon. Hmmm!" Aniya ni Kaila at nagsimula ng tumawa.

Required ba yon? Required bang tumawa muna bago sabihin yung joke? Awitism Kaila.

"Osige. Spill it!" Naeexcite na sabi ni Gia.

"Anong tawag kay satanas kapag bumait siya?" Tanong ni Kaila. Pati din tuloy ako na nakasunod lang sa kanilang dalawa ay napa hinto at napaisip. Teka, ano nga ba?

Santa? Santa Claus? Ay hindi! Iba naman yon Martha eh.

"Ha? Ano?" Tanong ni Gia dito na mukhang hindi din makuha yung sagot. Same. Same Gia.

"Ano nga ba?" Mahinang tanong ko sa sarili ko habang inaantay yung sagot ni Kaila.

"Edi sataNICE!" Aniya at malakas na tumawa. Nakahawak pa yan sa tyan niya ha. Tawang tawa lang teh?

"Ay! Joke yon? Okay. Sige." Sabi ni Gia at tinapik sa balikat si Kaila at nauna ng maglakad. Medyo malayo layo kasi yung sakayan ng jeep eh.

"Bonak! Bonak ka talaga Jaiga!" Sigaw ni Kaila.

His, Promise (Love Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat