But she just made a face. Natatawang napailing na lang tuloy ako saka nagpatuloy sa pagkain.

Napanguso ako at hindi maiwasang hindi mapapikit. Bakit ang sarap? Kainis.

"Ang sarap 'no." nakangiting saad niya. "Ganyang-ganyan din ang itsura ko kahapon pagkatikim na pagkatikim ko ng pagkain." she added.

Saglit ko lang nilunok ang pagkaing nasa bibig ko at saka ngumiti sa kanya. "Bakit parang ngayon ko lang nalaman na may karinderya pala dito?" nagtatakang tanong ko.

Nakakadaan naman kasi ako dito kapag uuwi. Kaya nagtataka lang ako, bakit hindi ko 'to nakikita man lang dito?

"Bagong tayo lang daw sila dito ee." agad namang sagot niya.

I nodded slowly. Kaya pala. So bale, nagsisimula palang sila. "Kakasimula palang nila dito pero ang dami na agad nilang customer." namamanghang tugon ko.

"Masarap kasi mga luto nila. Kaya siguro binabalik-balikan." she replied.

Agad akong tumango bilang pagsang-ayon. "Oo, saka ang linis din nila."

Nailibot ko ulit ang tingin ko dito sa kabuuan. Ang galing lang ng pagkakaset up nila dito sa pwesto. Kung mapapalago siguro nila itong karinderya, baka mas lalong dumami ang customer nila.

Binalik ko naman ang tingin sa kanya. Nakatingin din pala siya sa'kin. Dinaan ko na lang tuloy sa pagtikhim ang gulat na naramdaman ko. "Ikaw? Sanay ka kumain sa ganito?"

She smiled. "Oo." saka naman siya sumubo ng kilawin niya. "Lagi akong nakain sa mga karinderya na nadadanan ko. Pero syempre nag-iingat parin naman ako." sagot niya pa.

Dahan-dahan akong tumango bago ipagpatuloy muli ang pagkain. Sobrang sulit ng bayad namin. Hindi naman siya ganon kamahalan kaya pasok na pasok sa budget.

Ng may maalala ako, agad ko siyang hinarap. "Abby, pwede magtanong?"

She just took a quick glance at me. "You're already asking Marsela."

Inis na inirapan ko siya. Napaka talaga ng babaeng 'to. "Then, can I ask some specific questions?" yes, with S. Baka kasi mapadami ang tanong ko. Para wala na agad siyang angal.

Isang nakakalokong ngisi lang ang tinugon niya sa'kin dahilan para mas irapan ko siya lalo. Minsan talaga, ang nakakatuwa siyang kasama. Madalas nakakairita.

"Spill it Marsela.",

I cleared my throat. "Sino  pala 'yung kasama mo kanina? Sa labas ng room." walang kagatol-gatol na tanong ko.

Curious lang ako. Wala naman siguro masama kung magtatanong ako diba.

Bahagya namang kumunot ang noo niya, pero di kalaunan ay ngumiti siya sa'kin.

"Ah, si Yzabel ba?"

My brows furrowed. "Maybe? Di ko alam. Kaya nga tinatanong ko sayo kung sino siya kasi di ko kilala." ang gulo niya kausap.

Sumandal naman siya sa upuan niya at ngumiti sa'kin. Hindi ko masabi kung anong klaseng ngiti 'yun. Basta ang alam ko, nailang ako bigla.

Para kasing may iba ee.

"Why did you asked?" she ask, smiling at me.

I gulped hard and looked at my food. "I'm just, curious. But don't worry, you don't need to answer that."

Akmang susubo ulit ako ng pagkain ko ng magsalita naman ulit siya.

"Yeah, she's Yzabel. Classmate ko noon." at hindi parin nabubura ang ngiti niyang 'yun habang nakatingin sa'kin. "She used to be my partner in design."

Under The Shade (SeBy) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz