Lascivious Casanova 13

Start from the beginning
                                    

Anong ibig niyang sabihin na gagamitin niya sa akin iyon? Isusuot niya iyon at may mangyayari sa amin? Ganoon ba? Gagawin niya rin sa akin ang nahuli kong ginagawa niya kina Maya at Miss Abadiano? Nakatayo rin ba? Hindi ba nakakangawit iyon? Mas maganda yata kung nakaupo o nakahiga?

"Clementine?"

"Huh?" natatangang sagot ko at kalaunan ay pinamulahan nang maalala ang mga naiisip ko bago niya tawagin ang pangalan ko.

Pinagalitan ko sa isip ang sarili. Bakit ko nga ba iniisip iyon? Hindi naman ako interesado at hindi ako papayag na gamitin niya iyon sa akin! Bakit ang dating ng tanong ko sa isip ay parang kinokonsidera ko pa iyon? Hindi mangyayari iyon! Nasa katinuan pa ako para gawin iyon!

"Saan nga dito?" kunot ang noo niya. Kanina pa yata may tinatanong sa akin na hindi ko narinig. Nakatingin siya sa akin at nagtataka yata kung bakit ako namumula.

Hindi ko muna siya sinagot. Nagpaypay ako ng kamay sa aking mukha at bahagya siyang itinulak pagilid para umabot sa akin ang malakas na buga ng aircon.

"Ang init!"

Gusto kong palabasin na namumula ako dahil naiinitan. Sa halip ay mas lalo siyang nagtaka. Salubong ang kilay niyang tumitig sa akin. Bakit hindi siya magtataka? Ang lamig ng buong kwarto tapos maiinitan ako?

Tinago ko ang pagkataranta. Inalis ko ang mga mata sa kanya at dinirekta sa libro. Mahina kong binasa ang mga letrang naroon kahit hindi ko maintindihan. Napailing ako sa isip at pinilit 'yung intindihin. Paano ko siya matuturuan kung ganito ako? Aayusin ko muna ngayon at pagkauwi na lang ako magpapakalunod sa pag-iisip.

"Parang wala ka sa sarili mo?" may pagdududa sa boses niya na nakadagdag sa aking kaba. Lalo't nahihimigan ko rin doon ang paglalaro.

Dinala ko ang isang kamay ko sa aking labi at pinagdiskitahan na kagatin ang kuko sa aking hintuturong daliri. Kahit hindi ko siya sagutin sa palagay ko'y alam na niya ang nangyayari sa akin. At kahit hindi ko siya lingunin ramdam kong nakangisi siya. Itinaas niya ang kanyang isang kamay at ipinatong sa ibabaw ng swivel chair ko. Natawa siya nang mapansing pinagpapawisan ako kahit malamig sa loob ng kwarto.

"B-basahin mo ito," gusto kong putulin ang dila ko dahil sa pagka-utal!

Napasuklay ako sa aking buhok at ginawang pantakip iyon sa aking mukha. Kahit imposibleng hindi niya ako makita sinubukan ko pa ring tabunan ang mukha ng mga hibla ng buhok at nagbabaka sakaling matigil siya sa katitingin at liparin na lang ako palayo ng carpet nila. Lalo akong namula nang marinig siyang matawa, malamang na napansin niya ang ginawa ko. Sa ngayon, alam na niya sigurong naproseso ko na ang ibig niyang sabihin sa gagamitin niya iyon sa akin kung magtatanong ako ulit.

"Ito ba?" natatawa niya pa ring tanong, mukhang nagtanong lang siya para hindi ako mailang.

Tumango ako nang hindi siya tinitignan. Sa mga sumunod na minuto'y naging kalmado ang pakiramdam ko. Basta hindi ko lang iisipin na nasa likod ko ang isang braso niya at halos dumikit na ang dibdib niya sa balikat ko. Idagdag mo pa ang pabango niyang hindi yata nauubos. Kahit dumaan ang ilang minuto'y naroon pa rin ang amoy niya.

Natapos kami sa isang libro at lumipat sa kabilang subject. Tahimik kami at kaunting ingay lang mula sa aircon ang maririnig. Pati na rin ang tunog ng paglipat ng papel. Nagsasagot siya at hindi naman nagrereklamo. Siguro, gusto na niya talagang maka-graduate at makaalis sa lugar na ito.

Ano bang nasa city na wala rito at parang mas gusto niyang tumira roon? Maaliwalas ang paligid dito at kahit mainit ang panahon ay malamig at presko ang hangin. Sandali pa akong nag-isip kung anong itsura ng siyudad subalit sandali lang iyon dahil muling lumipad sa tatlong tao ang isipan ko. Kay Jax, Maya, at Miss Abadiano.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now