"Jax!" mahina ngunit mariing saway ko.

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Nasa mga mata niya ang paglalaro nang abutin niya ang pinto at tuluyan 'tong buksan. Nang maipasok niya ako'y wala na akong nagawa kundi ang humarap sa Dean. Binitawan ako ni Jax bago pa magawang mag-angat ng tingin si Mrs Montemayor at bago pa kami mahuling nagtutulakan.

"Totoo ba ang sinasabi ni Enteng na nahuli niya kayong may ginagawa sa sasakyan? I don't expect this from you Miss Alvarina," nasa boses nito ang pagiging dismayado.

Halata ang kulubot nito sa mukha na nadagdagan nang makita ang katabi kong pasaway na lalaki. Agaran ang pag-iling ko at lalong kinabahan kung paano magpapaliwanag para maitama ang nakita ng guard.

"Hindi po totoo-"

"Nakita ko po siyang may hawak na condom Ma'am! Nakabukas na at napansin ko rin po na panay galaw ng sasakyan nila!" hindi pa ako natatapos, sumingit na ang guard. Nasa tono nitong pinagmamalaki na nahuli niya kami.

Alam kong ginagawa niya lang ang trabaho niya ngunit hindi ko maiwasang mainis. Mrs Montemayor asking me if it was true, bakit hindi niya muna ako patapusin! Kinakabahan na nga ako, e! Ito ang dahilan kaya hindi ako pumapayag sa tuwing pinipilit ako ng mga guro at estudyante na sumali sa mga contest na pageant sa loob o labas ng eskwelahan. Matalino ako sa klase at mabilis sumagot kung tungkol sa mga lesson. Pero ang ganito na kailangan mag-explain, kinabahan ako na baka mali ang masabi ko at mag-iba ang tingin nila sa akin.

"Is that true?"

"Uh, Mrs Montemayor..."

Nag init ang magkabilang pisngi ko. Pinanliitan ako ng guro ng mga mata dahil sa nahihirapan kong pagsagot. Professor ko siya sa isang subject at madalas niya akong purihin dahil sa pangunguna ko sa klase. Pakiramdam ko sobrang kahihiyan ito at baka magbago ang tingin niya sa akin kung hindi ko maipapaliwanag ng maayos kung ano ang naabutan ng guard na kasama namin dito sa kwarto ngayon.

Pinadaanan ko ng ngipin ang aking ibabang labi at binalingan si Jax. Tinignan ko siya at nasa mga mata kong naghihintay akong tulungan niya. Nahihiya akong magsalita at hindi ko alam kung paanong paliwanag ang gagawin kaya't naisip kong si Jax na lang sana ang pagpaliwanagin. Subalit sa halip na tulungan ako'y sumandal pa siya sa pinto. Naghalukipkip at nasa mga matang tuwang tuwa siyang makita akong namumula at nahihiya.

"Mr. Dawson? Any explanation?"

Nakahinga ako ng maluwag nang si Mrs. Montemayor na ang magtanong kay Jax. Ikiniling ko ang aking ulo at tinaasan siya ng kilay. Wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang magpaliwanag. Nasa isip kong paaalisin kami kaagad pagkatapos magpaliwanag ni Jax kaya't kalmado at nawala na ang pag-aalala ko habang hinihintay siyang magsalita.

"We don't have intention to do that inside my car," napatango ako sa simula ni Jax.

Ngumiti ako sa kanya at humarap sa guro na magkasalikop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Wala naman talaga kaming balak na gawin iyon. Huminga ako ng malalim at pinakinggan ang susunod niyang sasabihin. Salitan kaming pinanuod ni Mrs Montemayor at sa huli ay tumigil ang tingin nito sa aking likod kung nasaan si Jax.

"She was aggresive, Ma'am, and I was too temp to refuse. Hindi na ako nakatanggi-"

Laglag pangang nanlaki ang mga mata ko. Lalo akong namula nang tignan ako ni Mrs Montemayor. Nang masulyapan ko ang guard ay may panghuhusga rin sa mga mata nito. Umiling ako sa kanila at padarag na inilipat ang mga mata kay Jax. Hinarap ko siya at galit na dinuro.

"Hoy, Jax! Pati ba naman sa harapan ng guro magsisinungaling ka?!" para akong bomba na ilang minuto na lang ay sasabog na sa kahihiyan at galit.

"Pero iyon ang totoo. The guard here can testify-"

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now