We looked each others eyes for a second before we burst into laughter. Hindi ko naman akalain na mapapalakas ang pagtawa ko kaya yung mga estudyanteng napapadaan dito ay napapatingin sa'min. Nagkibit balikat na lang ako. I don't give a fuck to them. Hindi ko naman sila kilala.

"This is the first time I saw you laughing." she said, smiling genuinely at me.

Mabilis ko namang iniwas ang tingin sa kanya at napaayos ng upo. "And, so?"

"Lagi ka kasing poker face when you're alone."

I looked at her and raising my brow. "Alangan namang tumawa ako mag-isa? Anong tingin mo sa'kin baliw? May sapi?"

Nahihiyang napakamot naman siya sa kilay niya. Gusto kong matawa ngayon pinipigilan ko lang.

I found her cute.

"Ang ibig kong sabihin, masyadong seryoso yang mukha mo. Nakakatakot lapitan." alanganin naman niyang sagot.

My brows furrowed. "Nakakatakot lapitan? Kung ganon, bakit ka lapit ng lapit sa'kin?"

Again, she scratched her brows and smiled at me. "Kasi, hindi ako natatakot sayo?"

Mariin ko siyang tinititigan. Alam ko namang ganon ang aura ko. Hindi ko lang akalain na pati siya mapapansin.

"Wala namang dapat katakutan sayo." bahagya pa siyang nag-inat-inat ng braso niya. "When the moment I first saw you, I know you're good."

I bit the inside of my cheeks when I heard those words coming from her. Hindi ko lang inexpect na ganun ang sasabihin niya.

"Alam mo ba napaisip ako." nabigla naman ako ng tiningnan niya 'ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin. "How could he cheat you if he have the most interesting girl in this world?"

Ayaw kong sirain ang mood niya, pero kasi natawa ako. "In this world talaga? Hindi naman halatang nangbobola kana. Hindi talaga halata." natatawang sagot ko.

She was staring at me for awhile before her lips formed into a smile. "Hindi kita binobola 'no. I'm telling the truth."

Natatawang napailing na lang ako. "Ee ikaw Abby? Paano ba niya nagawang lokohin ka? Kung tutuusin, ang swerte na niya sayo." bahagya pa kong natigilan, pinagmamasdan siya na nakatingin lang sa'kin marahil naghihintay ng sunod kong sasabihin.

I gulped hard. Actually, ang perfect na niya. May sense of humor, maganda, friendly. And I bet she's smart. Tapos kung makangiti din siya, aakalain mong wala siyang pinapasan na problema.

Napaiwas naman ako ng tingin at napatikhim. "Ang ganda mo kaya." mahinang sagot ko pero sapat lang para marinig niya.

I heard her chuckled. "Yeah, I know." she paused. "And no one can resist me."

Maang akong napatingin sa kanya. May tinatago din palang kahanginan ang isang 'to. "Really? Even me?" panghahamon ko.

She chuckled again. "Except you Marsela."

Natigilan naman ako. "You're straight, right?" she asked

I cleared my throat. "Yup."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon