↻Chapter 6: What a day

30 10 0
                                    

•༺°✿°༻•


AMEIRA PINILI

Nakangiti at excited akong nagising sa umaga. Hindi na ako makapaghintay pa na makita ang kinalabasan ng mukha ko ngayon! Hyyy! Ramdam na ramdam ko na ang good vibes na nakaabang na sa 'kin kapag tumingin na 'ko sa salamin.

Dali-dali akong bumaba sa higaan ko.

Papikit-pikit akong humarap sa salamin, ngumiti at gumawa ng iba't-ibang pose, nagwacky at nagpacute. Pinisil-pisil ko pa ang magkabilang pisngi ko sa sobrang saya. Ba'la kayo diyan, walang siraan ng trip. Minsan lang ako gan'to kaya pagbigyan na.

Huminga ako ng malalim. Nang dahil kay Muzhi ay magbabago na ang buhay ko. At higit sa lahat ay sa wakas, nawala na ang kulubot sa kanan kong mukha.

Shit ang ganda ko. Sana palaging gan'to, ayoko ng maging pangit eh. Masakit kaya.

Nagpose pa 'ko na pangfierce. Napangisi ako. Simula pa lang 'to, gaganda pa 'ko. Mwahehehe.

Napangiti ako sa na-realize ko. Tama nga si Muzhi, ang confidence at pagmamahal sa sarili ang magpapabago sa iyo ng matindi. At, maganda rin pala ang kinalabasan ng pagsasama namin eh, parang feeling ko tuloy nagiging magkamukha na kami.

Napahagikgik ako. Ang ganda naman ng guni-guni ko.

Pero okay lang. Kuntento naman na 'ko sa kung anong kagandahan ang binigay sa 'kin ng D'yos. Saka sabi nga nila habang may buhay, may pag-asa! Ahoy, ahoy!

Pagkatapos kong pagsawaang titigan ang repleksyon ko sa salamin ay inayos ko na ang tali ng buhok ko, nagsepilyo, hinanda ang susuotin ko ngayon sa pagjojogging, at naligo. 

Iginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto namin ni Beira. Mamimiss ko 'tong kwarto na 'to. Salamat dahil naging kaybigan din kita simula ng mawala si papa para magpahinga ng habang-buhay.

ººº

"Oh himala, ikaw na naman ang naunang nagising?" rinig kong bungad ni mama. Pasimpleng umikot ang mga mata ko.

Isa ito sa LAHAT na pinakakinaiinisan ko. Ang atensyon. Ayoko sa lahat na binabantayan yung mga kilos ko. Nakakabuset. Sukang-suka na 'ko sa atensyon.

Ok, sira na yung araw ko.

"Ameira, tulungan mo nga akong ayusin 'tong mga paninda ko." rinig kong utos ni mama. Na akin namang sinunod agad.

"Alam mo, dapat nga ay agahan mo pa nga ang gising mo eh, para matuwa ako sa'yo."

"Opo," tugon ko na lang.

"Oh ba't 'yan suot mo. Magjojogging ka?"

Ayy hindi ma, matutulog lang. Ang obvious ng sagot, itatanong pa eh.

"Opo."

"Ma, 'asaan yung ulam?"

"Akala ko ba magjojogging ka."

"Mamaya na lang po, pagkatapos ko na lang pong kumain."

"Hindi pwedeng 'yang binabalak mo, sakit ang aabutin mo diyan."

Tuluyang umarko ang kilay ko. "Eh hindi naman po siguro ako bata at tanga 'di ba po? Syempre patutunawin ko naman bago sumugod. Saka, ang aga pa naman po."

"Hay naku! Bahala ka sa buhay mo. Gisingin mo na lang ang mga kapatid mo para sabay-sabay na tayong kumain, kaunti lang naman 'yong ulam." Nilagay ko muna ang mga pinggan sa lamesa saka sinunod na siya agad.

Nakakainis kaya magmisa si mama. Nakakasawa, paulit-ulit.

"Hoy gising na Beira! Beira!" tawag ko habang niyuyugyog siya pero parang nakadikit na ata yung katawan sa higaan, hinampas ko na, pero ayaw pa rin kaya pumunta naman ako sa kabilang kwarto.

Quarantine Glow-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon