↻Chapter 7: My firsts

41 10 0
                                    


•༺°✿°༻•

AMEIRA PINILI

Mabilis.

Mabilis ang naging mga pangyayari. Parang kahapon lang ay inis na inis pa 'ko sa sarili ko at sa hindi inaasahang pagkakataon, ay isang araw biglang napaglow-up na lang ako. Pagkatapos ay napalipat pa sa napakalaking mansyon para pansamantalang pamahalaan 'yon.

Hindi ko alam kung papaano pero sa isang iglap ay nangyari na lang ang lahat at ngayon, dito ako inagos ng tadhanaーsa tapat ng eskuwelahan na matagal ko ng pinapangarap na mapasukan.

Ang Hera International School.

Napahawak ako ng mahigpit sa skirt ko habang pilit na pinapalakas ang loob ko. Baliwala sa 'kin ang pawis na kanina pa nagsisituluan dahil balot na balot ako ngayon. Sino ba namang hindi papawisan kapag nakasuot ka ng makapal na damit na pinatungan ko lang ng pink na blazer na pinatungan ko pa ng sweatshirt, at nakasuot ng pink skirt na pinatungan ko pa ng pants na kulay pink dahil nahihiya akong iexpose ang legs ko. Wala akong paki kung mukha akong tange sa suot ko, e dito lang naman ako komportable. 'Di pa ko sanay 'no. Kahit pa fully glow-up na 'ko at hindi ko maitatanggi na magkamukha na nga kami ni Muzhi. 'Yon nga lang, ang kaso ay mas maputi pa rin naman siya sa 'kin. Mamaya na lang ako mageexpose kapag kabisado ko na ang buong eskuwelahang 'to.

Sana lang talaga ay maging maayos at maganda ang kahihinatnan ko sa eskuwelahang 'to.

Aba dapat lang 'diba e parang ginto na nga ata tuition dito. Nagtricycle na nga lang ako kasi no choice ako kanina. At saka, nasasayangan din ako sa pera.

Ang swerte ko namang nilalang.
.

.

.

Huminga ako ng malalim at ngumiti.

Ang unang hakbang ko ay hudyat na ng bagong buhay ko. Dahil simula ngayon, ay ako na si....

Muzhi Tornizelle.

Inayos ko ang mask at face shield ko. Tumingala, at tumingin sa kabuuan ng eskuwelahan.
Kaakibat ng bago kong buhay ay ang bagong gera.

Napangiwi ako. Tangena ang laki sana naman ay makabisado ko agad. Ang hirap naman nito, saan ako magsisimula?

ººº

Hinigpitan kong hinawakan ang magkabilang gilid ng backpack ko. Tahimik kong hinanap muna kung na saan ang room ko. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok ko. Basta ang alam ko ay ABM floor room 1. Tumingala ulit ako. Eh sa laki ba naman ng eskuwelahan na 'to ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Basta ang alam ko, malapit lang ang senior's building sa junior's building.

Napagdesisyonan ko na ang unang building na lang ang pupuntahan ko. Tinatamad akong naglakad papunta doon at nagsimulang humakbang sa mga hagdanan at inilibot ang kabuuan ng bawat floor hanggang sa makarating na ako sa ika-apat na palapag. Pagod na pagod akong umupo muna sa gilid ng hagdanan para huminga. Nang biglang sumagi sa isipan ko na may map pala ako ng school sa cellphone ko!

Nag-iba ang mukha ko at napahiyaw sa inis sa isip ko dahil ngayon ko lang naisip ang gan'ong bagay. Kung kailan pa na sigurado akong ang haggard ko na. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng skirt ko pero wala akong nakapa.

Quarantine Glow-upWhere stories live. Discover now