↻Chapter 3:Meet glow-up introducer

63 16 1
                                    

AMEIRA PINILI

Hingal na hingal, pagod na pagod na 'ko kalalakad.

Ang sakit-sakit na ng mga paa ko. Grabe.

Salamat naman dahil pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa dulo ng tulay.

Inilibot ko ang aking mga mata. Huminto ito nang makita ko ang burger shop, katabi ng 7/11 sa hindi kalayuan.

Kaya naman pala.

Tumakbo ako pabalik kay Muzhi. "Muzhi, pumunta na lang kaya muna tayo doon." tinuro ko ang 7/11. "Para makapagpalamig naman tayo." sabi ko kay Muzhi saka pinunanasan ang mga pawis na kanina pang walang katapusan na tumutulo.

"Okay," rinig kong walang ganang tugon niya saka naunang maglakad papunta doon.

Nagkibit-balikat ako. Napagod ata yun kakalakad kaya wala siyang mood.

Hyys, parang hindi man lang siya napagod, parang sanay na sanay na siyang maglakad. Palibhasa halatang nageexcercise siya kaya may hubog ang katawan. Sana all 'diba gan'on, ako kasi parang taong pader na. Nakakainis.

Habang tahimik ako na sumusunod sa kanya ay kusang gumuhit ang pagtataka sa aking mga mata nang hindi pa man siya tuluyang nakapapasok ay bigla siyang napatigil na parang nakakakita ng multo.

Lumapit ako't pumunta sa kaniyang harapan. "Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Pansin ko na parang hindi mapakali ang mga mata niya.

"Auh Ameira, I'll just pee okay? Just wait me here, s-sige." rinig kong sabi niya at tumakbo papaalis.

Kumunot ang noo ko. Ang weird niya ha.

Bumaling ako sa may pinto ng 7/11 at nang akmang papasok ay agad akong napatigil. Tingnan ko siya ng maigi--pamilyar siya...

Natural na napatakip ako ng bibig, pilit ko na pinapakalma ang sarili ko. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso. Ramdam ko ang malamig na hangin na kusang nagpalamig ng katawan ko at nagpataas ng mga balahibo ko.

Si crush...

Hooy puso please hinay-hinay naman sa pagtibok, baka marinig ka na ng mga tao dito, nakakahiya. Kalma muna, makisama ka!

Grabe. Ang lalaking matagal ko nang hinahangaan. Hindi ko kilala ang pangalan niya pero kilalang-kilala siya ng puso ko mula pa man noon.

Huminga ako ng maluwag.

Pero ang pagaalinlangan ko ay kusang nawala ng makita ko ng maaliwalas ang mukha niya. Napangiti ako. Ang gwapo niya.

Parang biglang tumigil ang takbo ng oras. At ang tanging nakikita ko lamang ay ang kaisa-isang tao na hinangaan ko ng matagal.

Ang mga mata niya...

Ang lalim, nakakalunod.

Ang ilong niya. Ang tangos.

Ang labi niya...

Ang lambot, mapula-pula...

Sarap siguro kagatin no'n. Charot. Ang landi ko. Lagot ako kay mama hihihi.

Kanina ko pa pilit na tinatanggal ang paningin ko pero parang nakaglue na talaga sa kaniya. Huhuhu ano ba eyes, masyado ka nang halatado.

Natagalan ata ang pagkakakatitig ko sa kaniya dahil napatingin sa akin ang isa sa mga kasama niya. Umarko ang kilay nito.

Kaya't bago pa man nila malaman na nakatitig ako sa kanila, lalong-lalo na si crush ay dali-dali akong tumalikod.

Huminga ako ng malalim. Hindi niya ako pwedeng makita. Hindi niya ako pwedeng mahuli. Hindi pa ngayon, hindi pa ngayon ang tamang panahon. Hindi ngayon ang tamang oras para titigin siya.

Quarantine Glow-upOnde histórias criam vida. Descubra agora