Tumingin na lang ako kay Kalyx para kahit na panget ang pumapasok sa tenga ko busog naman sa kagwapuhan niya ang mata ko. Seryoso lang siyang pinapanood ang mga tanawin. Paliko-liko ang daan kaya may oras na kitang-kita namin ang tikas ng Bulkang Taal at may oras na puro mga puno at bahay ang nakikita namin. Under road widening pa ang daan dito sa amin kaya may kabagalan sa pagpapatakbo si Kuya Jun. Masikip kasi ang daan kaya prone sa accident ang kalsada. Dahil sa mabagal naman ang takbo ng jeep nabigyan ko tuloy si Kalyx ng mini tour. Tinuturo ko sa kanya ang mga tour spot na nadadaanan namin. Patango-tango lang siya at minsan nagtatanong kung anong meron sa lugar na itinuturo ko.

After almost thirty minutes na biyahe ay nakadating na kami sa Malagaslas Falls. Tourist Destination 'tong lugar dahil sa magagandang falls at malinis na tubig na nanggagaling pa mula sa bundok.

"Oh, dalhin niyo na yung mga gamit niyo," utos ni Mama sa aming lahat nang magbabaan na kami sa jeep.

Napansin siguro ni Kalyx na nabibigatan ako sa dala-dala kong mini cooler na may nakapatong na dalawang kaldero ng kanin kaya kinuha niya na lang ang mga iyon kahit pa marami din siyang dala. Hindi na lang ako nagreklamo dahil baka madapa pa ako at masayang lang ang mga kanin. Mabato kasi ang daanan bago pa kami makadating sa falls at sa spring.

Una kaming dumaan sa bakal na tulay. Malakas ang agos ng tubig sa ibaba. Malinis ang tubig at nakakarelax ang ingay na likha ng ilog.

Pagkalagpas namin sa tulay ay naglakad na naman kami sa batuhan. Pagkatapos ay kawayang tulay naman ang dinaanan namin. Kasing laki lang iyon ng balsa kaya nang magsabay-sabay ng lakad ang mga kasama ko doon ay bumigay ang tulay.

Mabuti na lamang at nasa likuran kami ni Kalyx kaya hindi kami nadamay. Utas na tuloy ako sa kakatawa. Wala pa kami sa falls at spring ay basang-basa na sila. Nasugatan pa si Danica dahil naipit siya. Deserve naman niya dahil ang harot niya!

Hindi naman kami napagalitan dahil nasira namin yung kawayan na tulay. Sabi ng guide ay palagi naman daw iyong nangyayari. Kung palagi pala iyong nangyayari ay bakit hindi niya kami pinaalalahanan? Mukhang sinasadya pa yata niya. Ayus lang naman sa akin dahil hindi naman ako nakasali sa nabasa!

Tuloy ay napilitan kaming suungin na lang ang ilog. Mababaw lang naman ito. Hanggang bewang ko lang naman. Paglagpas namin sa ilog na iyon ay naglakad pa ulit kami ng mga ilang minuto at sa wakas ay nadating na din naman ang spring.

Swerte namin at walang mga tao kundi kami-kami lang. May iilang cottage nandito at lahat yun nerentahan namin. Marami kasi kami kaya hindi kami kakasya sa isa o dalawang cottage lang.

"Hiro, Kalyx! Maligo na kayo doon! Kami ng bahala dito!" Sabi ni Papa sa amin ni Kalyx.

Tinignan ko si Kalyx at nakatingin lang din siya sa akin. Hindi ko alam kung gusto niya na ba maligo pero niyaya ko na lang siya. Wala din naman siyang matutulong sa pagluluto dahil hindi naman siya marunong. Mabuti pang magtampisaw na lang kami sa tubig kesa magsumimangot siya habang tumutulong ako sa pagluluto ng mga pagkain namin. Kanin pa lang kasi ang niluto namin. Panget kasi ang lasa ng inihaw na isda kapag hindi na bagong luto.

Naghubad si Kalyx ng suot niyang t-shirt. Napatingin tuloy sa kanya ang mga kasama namin. Si Danica may nalaman pang pagtili kaya inikutan ko siya ng mata. Sorry siya dahil sa akin ang lalaking 'to!

Naliligo na ang iba naming mga kasama sa spring nung sinamahan namin sila ni Kalyx. Mababaw lang naman ang tubig kaya nakatayo lang kami. Malamin pa ito kaya napayakap kaagad ako sa sarili ko.

"Ang lamig," sabi ko kay Kalyx.

"Yeah, I wasn't expecting it," aniya. Lumapit siya sa akin at may tinanggal siyang dahon sa buhok ko. "I thought there was a falls here?"

"Meron nga. Doon pa 'yun!" Tinuro ko yung daanan papunta sa may falls. Tumingin siya doon.

Pagbalik niya ng tingin sa akin ay nakangisi na siya. Base sa ngisi niya ay hindi ko na kaagad gusto ang kanyang naiisip.

"I think it would be fun kapag tayong dalawa lang doon," malanding sabi niya.

Inikutan ko siya ng mata. "Magtigil ka nga! Ang libog mo!" Singhal ko sa kanya.

"Gusto mo rin naman," sabi niya. Inikutan ko ulit siya ng mata tapos tinawanan niya lang ako.

Umupo ako sa tubig para mabasa ang katawan ko. Umupo din sa Kalyx. Hinawakan niya yung kamay ko. Nginitian ko siya.

"I'm happy dahil nandito ka. Pero naiinis pa rin ako dahil iniwan mo yung pagpapractice mo," sabi ko sa kanya.

"I don't care about practicing anymore. I only care about being with you. I'm happy that you're happy about me being here," sabi niya sabay pisil ng marahan sa kamay kong hawak niya.

Nginitian ko na lang siya. Nandito na siya, e. Wala na akong magagawa. Ayaw ko naman siyang pabalikin ng Maynila. Ayaw niya magpractice, hindi ko siya mapipilit. Desisyon niya yun!

Nagtagal pa kami sa tubig bago kami tawagin ni Mama para kumain. Naunang tumayo sa akin si Kalyx. Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa harapan ko ang nakaumbok niyang pagkalalaki! Nakakulay puti kasi siyang shorts!

Agad ko siyang hinila paupo sa tubig. Tumingin ako sa paligid at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala namang nakakita sa kalakihan ni Kalyx! Jusko ako ang nahihiya para sa kanya!

"Why?" Nagtatakang tanong ni Kalyx.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bwesit ka yung talong mo nakabakat sa short mo!" Bulong ko sa kanya.

Napangiti siya sa narinig. Proud pa si gago!

"It's because of the water! I can't help but think that you're licking my balls," sabi niya.

"Gago! Kahit kelan ang libog mo talaga!" Singhal ko sa kanya bago ako tumayo at naglakad papunta sa cottage namin para kumuha ng tuwalyang pantakip sa bakat niya.

Kahit kelan kasi ang manyakis, e!


Hello sa lahat! This is only a rushed update! Ang daming nag-aabang ng update and I felt really bad 😔 Pasensya na kayo! Ang tamad kasi ng author niyo huhu! I hope sa chapter na 'to ay kahit papaano nakabawi ako!

Btw guys, I have an upcoming story! Iyon din ang dahilan kaya hindi ko masyadong natutukan itong The Guy Who Likes Me. I'll be publishing the prologue and chapter one sa friday kaya abangan niyo!

Yun lang! See you again sa next update at sa Friday! Muah!

COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED! SO CAN YOU PLEASE LEAVE A COMMENT? THANK YOU!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Where stories live. Discover now