Dice Game - PART IX

Start from the beginning
                                        

JANICE: Di ba sila Ian lang yan?

NORMAN: Hindi ko alam.

LEA: Anong di mo alam, sabi mo last week sila Ian lang yan.

NORMAN: Ewan, di rin naman kami sigurado kung sila nga yun e.

ROLAND: Halata naman na sila e. Yung way pa lang nung pagkakatext, kilala na agad e.

NORMAN: Ewan ko, pero parang hindi sila e.

NANCY: Oo, ako din. Ganun din yung sa tingin ko. Parang sa tingin ko hindi naman sila Ian yan.

CAROL: Well, kasi nga first time mo lang makareceive ng text galing sa kanila, kaya mabilis kang maniwala.

Sambit nya kay Nancy.

IAN: Pres!!

Sigaw ni Ian sa likuran ni Roland. Napalingon silang lahat habang papalapit naman sa pwesto nila si Ian.

IAN: Pres, nakita mo sila Zack?

Tanong nya kay Roland. Hindi agad na nakasagot si Roland at napansin din niya na nakatitig ang lahat sa kanya.

IAN: Anong meron?... Bakit?

Pagtataka nya.

LEA: Andyan si Ian, bat di nyo na lang sya tanungin mismo.

Lalo pang nagtaka si Ian dahil sa sinabi ni Lea.

IAN: Ano yun? Anong itatanong nyo?

Nagkatinginan muna si Roland at Norman.

ROLAND: Umm, ganito kasi yun. Merong mga nareceive na anonymous messages si Norman at Nancy. Ngayon iniisi-

IAN: Ahh, yan ba yung tungkol kina Jerry?

ROLAND: Alam mo yung tungkol dun?

IAN: Oo.

LEA: Sabi sa inyo si Ian lang may pakana nun lahat ei.

Nabigla naman si Ian sa mga paratang ni Lea sa kanya.

IAN: Huh? Hindi ako yun ah.

CAROL: Weh? Maang-maangan mode. Wag mo na ideny, Ian.

IAN: Promise! Hindi talaga ako nagsend nun.

JANICE: Weh? Paano mo nalaman yung tungkol dun kung hindi ikaw ang nagtext?

IAN: Kasi nakareceive din ako ng messages na yun. Actually, kagabi ko nga lang nareceive e.

NANCY: Pareho tayo, kagabi ko lang din nareceive.

NORMAN: Di kaya sila Zack yung nagsend nung mga messages na yun.

IAN: I doubt it. Alam ko kung paano magtext sila Zack. Akala ko nga rin na-wrong send lang din sila e. Pero nung sinabi ko na wrong sent sya. Ang reply sakin, hindi ko daw sya katropa. So, sure ako hindi sila Zack yun.

JANELLE: So, kung hindi kayo, sino?

Napaisip ang lahat. Samantala, nakaisip ng isang paraan si Norman.

NORMAN: Pres, pwede mo bang i-track ulit yung mga text messages?

Bigkas nya kay Roland na agad namang pumayag. Dahil nasa kaniya na ang cellphone ni Nancy, ang kailangan na lamang nya ay ang cellphone ni Ian.

NORMAN: Ian, pahiram ng cellphone mo. Ita-track natin kung san galing yung text messages na yan.

Nakabukas na ang palad ni Norman upang kunin ang cellphone nito ngunit wala nang halaga ang cellphone.

IAN: Na-delete ko na yung mga messages e.

NORMAN: Ano?!.. Bakit mo dinelete?

IAN: Bakit, malay ko bang kailangan nyo.

Depensa nya.

ROLAND: Hayaan mo na, Norman. Nandito naman yung kay Nancy e.

Sinimulan nang kalikutin ni Roland ang cellphone ni Nancy.

NANCY: Anong ginagawa nyo? Bakit nyo kailangang i-track?

NORMAN: May gusto lang kaming kompirmahin.

Sagot ni Norman. Matapos ang ilang minutong pagkakalikot ay lumabas din ang resulta. Nanlaki ang mga mata nila dahil sa gulat.

LEA: Bakit, anong resulta? Saan galing yung message?

NORMAN: Dun pa rin sa Alabang.

JANICE: Sa Alabang?!! Wala namang taga-Alabang sa'tin ah. Paanong nanggaling dun.

ROLAND: Hindi rin namin alam. Nung nakaraang tinrack namin yung sa cellphone ni Norman. Ganito din yung lumabas, akala namin system eeror lang pero mukhang dun nga talaga nanggagaling yung mga text messages.

CAROL: Kung ganun, sino yung nagtitext na yan?

NORMAN: Hindi namin alam.

JANELLE: Teka, kung hindi natin classmate yung nagtitext nyan. Di ba dapat sabihan natin sila Jerry para mapaalalahanan sila.

Sambit ni Janelle.

LEA: Oo nga, andyan lang naman sila sa kabilang bench oh.

Inilinga nina Norman, Ian at Roland ang kanilang ulo at hinanap ang pwesto nila Jerry. Nakita nila ang pwesto ng mga ito, tatlong benches ang pagitan sa pwesto nila. Nakita nila ang mga ito na nagtatawanan at nagkakasiyahan.

Masaya ang lahat habang sabay sabay na kumakain. Ang wala lamang sa kanilang pwesto ay si Justin na nagtungo pa ng restroom. Patuloy sila sa tawanan. Ang hindi alam ng labing dalawa ay mayroong problemang lalapit sa kanilang likuran sa araw na ito.

ROLAND: Jerry!!

Sigaw nito at sabay sabay na napalingon ang lahat.

ΦΦΦ END OF PART IX ΦΦΦ

••• This chapter is dedicated to Mirech, hehehe.. Thanks! *•* •••

*** Thank you sa pagbabasa, status for this week. 4th week. Last week #145 in Mystery/Thriller. This week #138 in Mystery/Thriller. Kahit konti lang yung tinaas.. Happy pa rin! Sana lang talaga, di kayo magsawa. T_T ***

»»» Do you already have a suspect? who do you want to survive the game? «««

> Comment Your Thoughts <

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now