Dice Game - PART IX

Magsimula sa umpisa
                                        

Si Janice Neiz, ang bestfriend ni Carol. Sya din ang pinakamataba sa lahat ng babae at may malaki at buong boses na kagaya ng mga lalaki. Mabait sya at palabiro.

Si Janelle Presto, ang pinakatahimik na babae sa seksyon nila, sya ang female version ni Marco. Dahil sa pareho silang tahimik ni Marco ay madalas silang inaasar at inili-link sa isa't isa. Bestfriend niya si Arlene, ngunit wala na si Arlene sa school nila dahil na rin sa kagagawan nina Ian.

Lumingon si Nancy sa likuran at pinapanood angNapansin ni Lea na nakatulala pa rin si Nancy at tila nag-iisip.

LEA: Huy! Ano ka ba! Ikain mo na lang yan.

Ipinagpatuloy na lamang ni Nancy ang pagkain nya. Ilang saglit pa ay dumating sa pwesto nila si Norman kasama si Roland at nilapitan si Carol.

NORMAN: Carol, hinahanap mo daw ako?

CAROL: Ay, oo. Nagtext kasi sakin si tita. Pumunta ka daw ng bahay nila after class.

NORMAN: Bakit daw? May sinumbong ka na naman.

CAROL: Wala ah! Ewan ko kung bakit ka hinahanap ni tita.

Depensa niya. Ang tita nilang dalawa ay isa sa admin. ng university na kanilang pinapasukan kaya't bantay sarado sila nito. Magkasama rin noong nakaraang bakasyon si Carol at Norman na umuwi ng kanilang probinsya. Patuloy pa rin sa pagsisisihan ang dalawa. Dahil ang tita nila ay isang parang guidance office, ipapatawag ka lamang kapag may nagawa kang kasalanan.

Dahil nakita ni Lea si Norman ay mayroon itong naalala.

LEA: Nancy, akin na yung cellphone mo.

Napatitig muna si Nancy sa kanya.

NANCY: Bakit?

LEA: Basta! Para matigil na yang pag-aalala mo.

Iniabot ni Nancy ang kanyang cellphone kay Lea.

LEA: Umm, Norman!

Singit nito sa bangayan ng dalawa. Huminto ang mga ito at napalingon kay Lea.

NORMAN: Bakit?

LEA: Di ba may nabanngit ka sa akin last week na meron kang nareceive na text message sa unknown number.

Napatingala at napakunot ang noo nito na wari'y inaalala nito ang tinutukoy ni Lea.

ROLAND: Ah, oo. Yung tungkol kina Jerry?

Sambit ni Roland at dito naalala ni Norman ang mga text messages.

LEA: Oo. Di ba sila Ian lang yung nagtext nun?

ROLAND: Oo.

Agad na sagot ni Roland.

NORMAN: Well, baka. Bakit mo natanong?

LEA: Eto kasing si Nancy nakareceive din ng text message na katulad sa'yo. Kanina pa namin sinasabing sila Ian lang yun, pero mukhang ayaw naman nyang maniwala.

Nagkatinginan si Norman at Nancy.

NORMAN: Nakareceive ka din ng text?

NANCY: Oo.

NORMAN: Kailan?

NANCY: Kagabi lang.

Sagot niya, nakaramdam ng kakaiba si Norman sa mga nangyayari.

NORMAN: Patingin nga.

Kinuha ni Norman ang cellphone sa kamay ni Lea at kanya itong binasa. Halos ganun din ang pagkakatext sa kanya at mayroon din paulit-ulit na Mag-iingat ka sa kanila.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon