Bigkas niya upang kumbinsihin ang lahat.
RANDY: Tama si Jerry.
Bigkas na lamang ni Randy hanggang sa napilitan at sumang-ayon na lamang din ang iba. Pagkatapos noon ay ipinagpatuloy muli ni Jerry ang naudlot nilang pag-uusap kanina tungkol sa plano. Ipinaliwanag na rin nila kay Kyla ang lahat. Ang wala lamang sa kanila ay sina Maricar, Nico, Jessica at Justin. Natapos nila ang plano nang araw na iyon.
JUNE 10, 2013.
MONDAY 11:26AM
First day of class. Lunch break. Nakaupo ang tropa nina Julian sa bench at kumakain, nasakop ng tropa nila ang isang bench. Ang bench na ito ay gawa sa kahoy at may habang apat na metro, sapat na upang magkasya ang bente katao. Sa paligid din ng mga benches ay ang mga naglalakihang puno na nagmimistulang mga lilim sa benches, dahilan upang magmukhang picnic ang lunch nila. Kumpleto ang buong tropa nila na nakaupo sa bench, kumakain at nagtatawanan.
Samantala, tatlong benches ang pagitan sa kanilang bench ay doon naman kumakain ang tropa nina Nancy. Ang tropa nila Nancy ay ang all-girls group ng section nila. Ito ay kinabibilangan nina Nancy, Lea, Carol, Janelle at Janice. Hindi sila mga aggressive type of girls. Sila yung group of girls na hindi maaarte at magagaslaw. Tahimik at may sariling mundo ang tropa nila. Hindi sila nangingialam ng buhay ng iba nilang classmate maliban na lamang sa pagkakataong ito, abalang kumakain ang lahat ng biglang may in-open na topic si Nancy.
Si Nancy Estardo ang isa sa mga tahimik at mahinhing babae sa seksyon nila. Maganda at morena, mahilig din syang gumuhit at sya seryoso sa kanilang tropa. Hindi sya mapanghusga at tumitingin lamang sya sa mga ugali ng kanyang kasama at kaklase.
NANCY: Guys, meron akong ipapabasa sa inyo.
Bigkas nya sa kanyang mga kasama. Inilabas nya ang kanyang cellphone at ibinigay ito kina Lea. Binasa nila ang buong mensaheng pinapabasa ni Nancy.
Nakatingin ang apat sa cellphone nya. Maya maya pa ay iniabot ni Lea ang cellphone sa kanya na parang wala lamang silang reaksyon at nagpatuloy sa pagkain.
NANCY: Sa tingin nyo, sino kayang nagtext nito?
LEA: Aba malay namin.
CAROL: Sus! Baka naman sila Ian lang yan.
JANICE: Oo nga.
NANCY: Sigurado kayo?
LEA: Oo, halata naman sa text e, puro smiley face yung huli.
NANCY: Sure kayo? Bakit naman pinag-iingat nila ako kanila Jerry?
CAROL: Ay ang kulit din ng tae nento e. Sabi ngang sila Ian lang yan. Pag sina Ian ang nagtext, ibigsabihin, prank lang yung text na yan.
JANICE: Oo nga, tsaka wag mong pinag-iintindi yung text na yan.
LEA: Ngayon ka lang ba nakareceive ng text galing kina Ian?
NANCY: Oo.
JANELLE: Kaya naman pala, wag mo na lang pansinin yang text na yan. Wala lang yan.
Bigkas ng apat nyang kaibigan.
Si Lea Apurillo, ang muse ng kanilang section. Maliit, makulit at may maingay na boses. Pranka at madaldal ang bibig. Hilig nya ang pagkanta,sa katunayan ay myembro sya ng choir sa university nila.
Si Carol Catangui, ang boyish ng section. Mahilig magsuot ng sombrero. Bestfriend nya si Janice, si Carol ay malayong kamag-anak din ni Norman at madalas ay sya ang nagsusumbong sa mga kalokohan ni Norman sa school.
BINABASA MO ANG
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART IX
Magsimula sa umpisa
