MARICAR: Bakit naman?
CANDICE: Kasi kung iisipin mo, ang pag-roll ng dice ay random. Hindi mo masasabing makikita natin ang tatlong numero sa cubicle natin.
JOANNA: Please elaborate, hindi namin ma-gets.
Napatingin si Candice kay Joanna at tinarayan nya lang ito at saka huminga ng malalim para magpaliwanag.
CANDICE: Ok, ganito yun. Random ang numero ng dice, ang lumabas na mga numero kanina ay four, five and six. Tatlo ang dice na ginamit. So, sa tatlong dice na yun, napakaraming combination ang lalabas sa dice at hindi ako maniniwalang ganito ginawa ng Game Maker ang laro, kaya imposibleng tatlong numero ang makikita natin sa cubicle.
KYLA: So, ano sa tingin mo ang clue?
Nakatuon ang atensyon ng lahat kay Candice.
CANDICE: Na isang numero lang ang naka-assign sa bawat isa sa'ten at yun ay ang total ng tatlong dice.
JULIAN: Total?
Pagtataka nila.
CANDICE: Oo, dahil kung total ang pagbabasehan, mas kaunti ang combination. Mas madali ang lahat para sa Game Maker.
Napamangha ang lahat sa mga ipinaliwanag ni Candice.
MARICAR: So, ang ibig sabihin ang numerong naka-assign kay Kathleen ay fifteen?
CANDICE: Ganun na nga.
HIKO: Sa tingin ko tama si Candice at sa tingin ko rin, hindi lang sa cubicle natin nakalagay ang mga numero.
Napalingon ang lahat sa kanya.
RANDY: Anong ibig mong sabihin?
HIKO: Tignan nyo yung mga susi nyo.
Utos nya, agad naman nilang kinuha ang susi sa kani-kaniya nilang bulsa.
HIKO: Tignan nyo, may numero. Pero hindi ako sigurado, ang numerong nasa akin ay fourteen. Pareho ba ng sa inyo?
Nang kanilang tinignan ang mga susi nila ay nagulat sila sa kanilang nakita, isang maliit na numero ang nakaukit sa maliit na susi.
JULIAN: Hi-hindi fourteen yung saken. Number twelve.
NICO: Sa akin naman eight.
Unti-unti nilang napagtatagpi-tagpi ang rules ng laro at nakaramdam sila ng bahagyang tuwa dahil nasagot na ang mga tanong nila. Isinigaw nila isa-isa ang kanilang mga numero. Maya-maya pa ay dumating si Alfie galing sa CR.
ALFIE: Uy! Bakit kayo sumisigaw?
NICO: Alfie, andyan ka na pala. Alam na kasi namin kung anong pinagbasehan ng dice.
ALFIE: Ano?
NICO: Kunin mo yung susi mo, merong nakaukit na numero.
Kinuha ni Alfie ang susi sa kanyang bulsa at nakita ang tinutukoy ni Alfie. Samantala, isang bagay naman ang ipinagtataka ni Maricar.
MARICAR: Alfie, nasaan si Jessica?
ALFIE: Huh? Ewan! Di ba nandito sya?
MARICAR: Umalis sya, nagpunta rin sya ng CR. Hindi mo ba sya nakita?
ALFIE: Hindi.
MARICAR: Saan sya nagpunta? Sabi nya mag-c-CR lang daw sya e.
ALFIE: Baka sa ibang CR sya nagpunta, marami din kasing CR sa paligid e.
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART VIII
Start from the beginning
