Habang nag-uusap usap sila ay sakto namang nagpakita sina Joanna sa sala kasama si Randy.
HIKO: Oh! Randy, kumusta? Nahimasmasan ka na ba?
Pabirong bigkas ni Hiko. Napangiti lamang si Randy sa kanya.
RANDY: Ayos na ako, sorry guys, if I am such san idiot back there. Sorry sa pinakita ko kanina a. Nagpadala kasi ako sa galit.
KYLA: Ayos lang yun, naiintindihan ka namin, Randy.
RANDY: Salamat.
CANDICE: Sakto ang dating nyo.
Bigkas ni Candice.
CANDICE: Pinag-uusapan namin kung paano laruin ang laro. Kailangan naming malaman yung mga numerong lumabas sa dice kanina, dahil maaaring naroon lang ang clue kung paano laruin ang dice.
NICO: Yung number ba kamo? Four yung numerong lumabas sa'kin kanina.
RANDY: Yung sa'kin naman ay Six.
Malungkot na bigkas ni Randy, kanyang naala-ala na isa pala sya sa mga nag-roll ng dice, aang dahilan kung bakit nawala si Kathleen sa laro.
JULIAN: Four, five and six. Ano namang meron sa mga numero na yun?
Napaisip ang lahat. Limang minuto ang lumipas ngunit wala pa rin silang ideya. Dahil sa sobrang pangangawit ay naupo na silang lahat sa sahig. Nakatunganga sila sa isa't isa habang nag-iisip.
ALFIE: Guys, punta lang ako ng CR.
Paalam nya. Naglakad sya patungong north way. Samantala, abala pa rin sa pag-iisip ang lahat.
NICO: Dice.... Arrgghh! Nakakapagod naman mag-isip.
JOANNA: Oo nga, ni wala tayong maisip na clue.
JULIAN: Four, five and six. Hanggang ngayon di pa rin natin malaman kung ano yung basehan, anong meron sa mga numerong yun?
JUSTIN: Baka naman meron na tayong mga naka-assign na number?
KYLA: Tama, baka may mga numero sa cubicle natin kanina na hindi natin napansin.
JERRY: Oo nga noh, tama! Baka nga nasa cubicle natin yung sagot.
Habang pinag-uusapan nila yun tumayo si Jessica.
MARICAR: San ka pupunta?
JESSICA: Huh?.. A.. Err.. Sa CR lang din. Naiihi na rin ako eh. Hehe.
MARICAR: Samahan na kita, gusto mo?
JESSICA: Ah, hinde. Hindi na, ok lang. Kaya ko 'to.
MARICAR: Sige, ikaw bahala.
Umalis si Jessica at nagtungo rin sa northway. Ipinagpatuloy ng lahat ang kanilang pag-uusap.
JOANNA: So, meron na tayong clue, nasa cubicle.
HIKO: Edi mamaya, tignan na lang natin sa cubicle naten kung makikita natin yung tatlomg numero dun.
Bigkas ni Hiko habang pinaglalaruan nya ang kanyang susi.
CANDICE: Saglit!
Bigkas ni Candice, napalingon ang lahat sa kanya.
CANDICE: Parang may mali.
NICO: Bakit?
CANDICE: Tatlong numero, parang hindi ata tama yun.
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART VIII
Start from the beginning
