RANDY: Inosente? Walang inosente sa'tin dito, pare-pareho lang tayong mamamatay-tao.
CANDICE: So, parang sinabi mo na ring deserve ni Kathleen yung nangyari sa kanya.
Sambit ni Candice, tinamaan si Randy sa mga sinabi ni Candice at napaisip sya ng malalim.
CANDICE: Kung yan ang paulit-ulit na tatakbo sa isip mo, hindi mo magagawang ipaghiganti si Kathleen. Hindi ka nag-iisip ng maayos, wala kang kwenta.
Nabigla ang lahat sa sinabi ni Candice. Nakita ng lahat ng bitawan ni Randy ang hawak nyang kutsilyo at napaluhod sa sahig at saka umiyak.
Agad naman itong nilapitan nina Jerry, Justin, Joanna at Maricar, pinakalma nila si Randy. Habang ginagawa nila iyon ay sinamantala ni Nico at Alfie ang pagkakataon, pinulot nila ang kutsilyo at tinapon sa basurahan na nasa loob ng kusina. Samantala, umalis na sa kusina sina Candice, Hiko, Julian, Kyla at Jessica upang bumalik sa sala dahil rin sa ayaw na nilang makigulo at ipinaubaya na lamang nila kanila Jerry ang lahat.
JESSICA: Natatakot na ako.
Bigkas ni Jessica sa kanilang likuran habang sila ay naglalakad.
KYLA: Wag kang mag-alala Jessica, makakalabas din tayo dito.
CANDICE: Sana nga.
Napatingin sila sa sinambit ni Candice.
JULIAN: a.. err, Candice, meron ka na bang ideya kung paano laruin yung laro?
CANDICE: Wala pa, pero isa lang ang alam ko. Konektado ang lahat sa dice.
HIKO: Sa dice?
CANDICE: Oo, konektado ang lahat sa dice. Hindi nga lang natin alam kung anong basehan kung bakit si Kathleen ang namatay.
Dumeretso sila patungong sala. Samantala, patuloy pa rin sina Jerry sa pagpapakalma at pakikiramay kay Randy.
JERRY: Ayos ka lang?
RANDY: Wala talaga akong kwenta, hindi ko man lang nailigtas si Kathleen, wala akong ibang nagawa kundi ang manood lang habang nangyayari sa kanya yun.
Bigkas ni Randy habang patuloy sa pag-iyak.
JUSTIN: Tumahan ka na nga, para ka namang hindi lalaki nyan.
NICO: Mali ka Randy.
Bigkas ni Nico, napalingon ang lahat sa kanya maging si Randy ay napahinto sa pag-iyak.
NICO: Meron ka pang magagawa.
Pagpapatuloy niya.
NICO: Kung gusto mo talagang ipaghiganti si Kathleen, hindi ka dapat maging mahina, dapat magpakatatag ka para sa kanya, yun lang ang tanging bagay na magagawa mo, para na rin mahuli mo kung sino man ang Game Maker. Kailangan mong mag-isip ng maayos.
Inisip ni Randy ang mga sinabi ni Nico. Napansin ng lahat na unti unti nang nalilinawan si Randy at nagkakaroon ng pag-asa.
JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 12:28AM
Nagpapahinga sina Candice sa sala habang pinag-uusapan nila kung papaano lalaruin ang laro.
HIKO: Dice, connected sa dice. Ano ba yung mga numerong lumabas kanina?
CANDICE: Hindi ko matandaan.
JESSICA: Yung lumabas na numero sa'kin ay number five, hindi ko lang matandaan kung ano yung numerong lumabas kina Kuya(Nico)
KAMU SEDANG MEMBACA
The Game Maker: Dice Game
Misteri / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART VIII
Mulai dari awal
