Dice Game - PART VII

Start from the beginning
                                        

LUISA: Hindi nga sana hahaba e, nagkaroon daw ng system issue yung computer, natagalan pa bago na-retrieve yung system.

JOANNA: Ay malas nyo naman.

MARCO: Mas malas sina Kyla, nasa bandang dulo pa sila ni Franklin.

Tinawanan na lamang nila ang sitwasyon ng dalawa. Habang nagtatawanan ay napansin ni Luisa na papalapit sa pwesto nila si Jerry.

LUISA: Uy Jerry! Good morning!

JERRY: Walang good sa morning.

Pagsusungit nito. Nanahimik na lamang sa isang tabi si Luisa, samantala, gulat ang lahat sa ginawa nitong pambabastos kay Luisa.

JERRY: Randy, halika! Sumama ka saken.

Utos ni Jerry sa kanya.

RANDY: Ano na naman bang problema mo, negro?!

Pabirong bigkas ni Randy para ibahin ang aura na sinimulan ni Jerry.

JERRY: Mukha bang gusto ko makipagbiruan ngayon.

Seryosong sagot sa kanya ni Jerry. Naisip nya na mukha ngang seryoso ngayon si Jerry dahil ngayon lang ito hindi kumagat sa mga biro nya.

JERRY: Tumayo ka na dyan!

RANDY: Oo na! Ang aga-aga ang init- init ng ulo.

Tumayo ito sa kinauupuan nya at sumama kay Jerry. Naiwan namang nagtataka ang lahat sa ikinilos ni Jerry. Alam nila na topakin si Jerry at moodswinger at si Randy lamang ang nakakapagpangiti rito, ngunit sa pagkakataong ito ay seryoso si Jerry na hindi maganda ang timpla nya ngayong araw na ito.

Nanatili pa ring tahimik si Luisa dahil sa nangyaring pambabara ng nag-iisa nyang mahal.

KATHLEEN: Ok ka lang, Luisa?

Hindi na lamang sumagot si Luisa.

KILLIAN: Sus! Hayaan mo na yun, di ka pa nasanay kay Jerry. Ganun naman lagi yun.

JULIAN: Oo nga, kalimutan mo na yun. I-enjoy mo na lang yan, may gala tayo mamaya.

CANDICE: Saan naman kayo ngayon?

JULIAN: Anong kayo? Tayo, dahil kasama ka. Di na nga kayo sumama ni Marco kahapon, di pa kayo sasama ngayon.

ALFIE: Oo nga sumama kayo.

Ilang saglit pa ay nag ring ang phone ni Marco. Tinignan nya kung sino ang tumatawag.

MARCO: Excuse lang guys a.

Lumayo sya at sinagot ang phone. Habang patuloy pa rin sa pagkumbinsi sina Alfie kay Candice.

JOANNA: Kayla Hiko tayo, movie marathon ang plano.

CANDICE: Ayoko!

Pagmamatigas ni Candice.

JULIAN: Ang daya mo.

Habang pinipilit nila si Candice ay patuloy pa rin na pinapagaan ni Kathleen ang loob ni Luisa.

KATHLEEN: Luisa, hayaan mo na yung ginawa ni Jerry. Ganun lang talaga minsan ang mga boys.

Wala pa ring imik si Luisa.

KATHLEEN: Alam mo, tama sila. I-enjoy mo na lang yan. Sumama ka na lang mamaya.

LUISA: Hindi ako pwede sumama e.

KATHLEEN: Bakit?

LUISA: Kapag sumama ako, wala akong kasabay pauwi mamaya. Wala sila Nico e.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now