58

6.8K 430 154
                                    


Messenger
7 - 28
Heidi Trinidad


Tokyo:
Good morning po, Ms. Heidi

This is Tokyo Takahashi po, JD - 2 Block B
Student Number: 2019213422

Mag-iinquire lang po sana ako for clearance

Heidi:
Good morning, Ms. Takahashi!

Para saan po sana 'yung clearance?

Tokyo:
Hehe, dito na po kasi ako sa Japan last June pa, kukunin ko lang sana 'yung Transcript of Records ko, ang sabi kasi dito na kukuha muna ako ng clearance form sa law dept office or sa registrar po ba ako didirecho???

Heidi:
Mag-stostop ka na sa law school?

Tokyo:
Opo hehe

Baka sa Japan na rin po kasi ako mag-stestay for good

Iyong kapatid ko lang 'yung kukuha at magproprocess sa lahat

Heidi:
Ah

Sa Registrar ka kukuha ng clearance at magrequest ng TOR, sa USC TC doon, kailangan din ng authorization from you if yung brother mo kukuha, isend mo na lang thru email or ipaprint yung authorization mo with your signature

Tokyo:
Ah sige sige po, thank you!

Heidi:
Sayang naman, third year ka na sana eh

Konti na lang, graduate na

Tokyo:
Okay lang po, Ms. Heidi hehe

Bagsak pa rin naman po ako dahil 'di ako nakapagsubmit ng mga digests sa ibang mga subjects ko

Heidi:
Huh?

Nakapagsubmit ka uy!

Diba nagpatulong ka pa nga kay Atty. Omari?

Sa kanya mo pa nga ipinasa 'yung mga digests mo

Nakumpleto mo naman mga remaining requirements mo kaya wala kang bagsak last sem

Kaya nakakapaghinayang na titigil ka

Third year ka na tapos fourth year, mabilis lang panahon, Miss

Tokyo:
Si Attorney Omari?

Heidi:
Naku, oo, Ms. Takahashi

Actually nga, si Attorney Omari talaga ang nakiusap sa mga prof mo na bigyan ka ng chance at bigyan ka nila ng mga special exams

Hindi ka na nga sana pagbibigyan nina Judge Gemina pero dahil kay Atty. Omari, pumayag sila

Literal na pinuntahan pa ni Atty. Omari si Judge sa korte para bigyan ka ng chance

Alam mo kasi, pasungit-sungit lang 'yang si Atty. Omari pero magaling 'yan na mentor

Maraming mga previous law students na abogado na ngayon ang nagpapasalamat sa kanya

Maswerte ka kasi nakiusap talaga si Attorney sa mga prof mo

First time niyang gumanun para sa isang estudyante, sabi ng dean, bilib kasi si Attorney sa abilidad mo

Kaya sayang talaga if 'di mo na itutuloy ang pag-lo-law, Ms. Takahashi

Sayang effort ni Atty. Omari

Pero sa August 10 pa naman enrolment for the third year if magbabago pa isip mo

Tokyo:
Ah, sige po, Ms. Heidi

Salamat po

Seen. 10:45am.

champagne problems (finished)Where stories live. Discover now