49

6.9K 396 164
                                    


Messenger
4 - 16
Britanny Esguerra


Kyotaro:
Ate Brit, si Kyo-chan ito

Need ko help mo

Si Ate kasi

Britanny:
Kyo-chan!!!

Ano na nga nangyayari sa Ate mo?

Hoy! Palagi siyang absent! Kung 'di absent, late, nagagalit na 'yung mga prof namin sa kanya

Di rin siya nagrereply sa mga messages ko or kahit sa calls man lang

Kyotaro:
Iyon nga, Ate

Nagkukulong lang siya sa kwarto niya

Hindi pa siya kumakain ng maayos

Kahapon, hindi siya kumain kahit isang beses lang

Hindi namin siya makausap ng maayos, kahit sina Mama, 'di niya pinapakinggan

Palagi na lang siya umiiyak

Three weeks na siyang ganito, Ate

Britanny:
Bakit?

Ba't siya nagkakaganyan?

Kyotaro:
Hindi ko rin alam, Ate Brit

Pero simula 'nung maghiwalay sila ni Tinik, naging ganito na siya

Britanny:
Ha?!

Break na sila???!

Kaya pala nawala 'yung mga photos ni Thorn sa FB and Insta niya, si Thorn din, wala ng posts, puro post niya, sa duty niya sa ospital or mga medical mission, mga ganun

Ba't sila nagbreak? 'Nung Feb, ang saya-saya pa nila

Nakakaloka

Sinong nakipagbreak?

Kyotaro:
Si Tinik ata, Ate

Britanny:
Aba't gago 'yang Thorn

Porque nag-top sa board exam, magiging balahura na

Pupunta ako kaagad diyan sa inyo

Ba't di man lang kinwento sa 'kin ni Toki

Nakalimutan ba niyang bff niya ako, 'yung Tinik lang ang nawala, hindi yung best friend niya

Kyotaro:
Kaya nga, Ate, baka makinig siya sayo

Natatakot na kasi sina Mama sa kung anong gawin ni Ate

Britanny:
Sige sige, wait lang, pupunta kaagad ako diyan sa inyo

Seen. 2:25pm.

champagne problems (finished)Where stories live. Discover now