33

6.9K 360 90
                                    


Messenger
11 - 26
Britanny Esguerra

Tokyo:
Hoy Brit!!!

I have chika, bakla!!!

Britanny:
Bilis!! Nabubuhay ako para diyan!

Iyong buhay ko ngayon, aside sa law school, ang makasagap lang ng chesmes 😌

Tokyo:
Ay, naku, dzae!

Favorite mo talaga itech!!

Nakita ko Instagram ni Attorney talos marami pala siya followers 😭😭

800K+ followers niya, sikat siya besh, kaso 4 posts lang meron sa kanya pero verified! Mashoshookt ka talaga!

@reagancallahan yung IG niya, search mo na!

Britanny:
OH MY GOSH!!!!

Wait, i-sesearch ko kaagad

GIRL

ANG YUMMY NI ATTORNEY!!!

PARANG MASUSUGATAN KA SA JAWLINE NIYA HMMMMMP

Sure na talaga akong magpapawasak ng buhay sa kanya😭😭

Saka hindi ko alam na naging cover pa siya ng Vogue Morocco, bakit sosyalin siya?

Artista ba siya? Pero wala naman akong nakikitang movies niya huhu

AT ENLIGHTEN ME, TOKI

BAKIT IKAW LANG FINOLLOW NIYA, HA???!!!!

Eh napakapabida mo 😤

Finollow ko na siya, baka i-follow niya rin ako 😹

Tokyo:
Ay hindi ko rin alam!

Nag-floodlikes din 'yan sa mga posts ko sa insta

Brit, feeling ko may galit talaga 'yan sa 'kin

Pati sa Insta, nakasunod na, parang binabantayan bawat galaw ko, baka iniisip niyang nagpopost din ako ng rant dun sa IG

Britanny:
Haba talaga ng hair mong gaga ka!

Pero ikaw talaga! Palaging masama ang iniisip mo kay Attorney, gayahin mo na lang ako at titigan na lang ang biceps niya tuwing recits

Tokyo:
Sawa na ako sa mga biceps 🙄

May biceps na si Tinik, at sana nag-gulpihan na lang sila ni Attorney 'dun sa booth hopping para may silbi iyong muscles niya

Chinat ko rin si Attorney pero pabida siya at sinabing tatawagin na naman niya ako first sa recits

Parang 'di naman obvious na may sama na talaga ng loob iyon sa 'kin!

Britanny:
Feeling ko, 'nung nagpaulan ng katapangan si Lord, sinalo mo lahat

Sana binuhay ka na lang 'nung mga panahon ng Espanyol, teammate mo si Bonifacio

Tokyo:
LUH

TRY MO I-CHAT SI ATTORNEY

Hindi naman iyon katapangan, nagrereply naman siya sa lahat

Britanny:
Ma-chat ko nga!

Tatanungin ko rin if may jowa siya

Stinalk ko siya sa FB 'nung isang gabi, nakaprivate ang profile, inadd ko pero 'di naman ako inaaccept

Nag-friend request ka na ba sa kanya?

Mag-add ka nga! Para ma-i-stalk natin

Feeling ko mas i-aaccept ka 😒

Tokyo:
Ayoko nga

I-try mo i-message muna, nagrereply 'yun!

Britanny:
Sige ha, 'pag hindi ako nireplyan, imaw na magtanong if may jowa siya, total matapang ka naman

Best friend mo ko, tulungan tayo rito 😏

Maging supportive ka na nga lang!

Feeling close ka naman sa kanya 😂

Tokyo:
LUH

Seen. 12:55am.

champagne problems (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon