101

7.2K 448 257
                                    


Messenger
12 - 26
Kyotaro Takahashi


Kyotaro:
Ano oras balik niyo

Tokyo:
Mga almost 11pm pa kami darating diyan sa Tokyo

Kyotaro:
Hayssst

Ang tagal naman

Pwede pa ba mag-luto si Attorney sa mga oras na 'yan?

Gusto ko 'yung chicken dumplings niya

Pang midnight snack na lang

Tokyo:
Alam mo, ang baboy mo

Patay-gutom ka talaga, ano??????

Parang hindi ka pinapakain ng tama sa bahay natin ha!!!

Kyotaro:
HOY

Ipapaalala ko lang ulit sayo

Sinasampal-sampal ko sarili sa harap ni Attorney para lang isalba 'yang pwet mo, onee-chan

Tapos akala pa ni Attorney may epilepsy ako!

Tinanong niya ako 'nung nandito na tayo sa Japan if may sakit akong epilepsy dahil sa pagiging epal mo

KAYA DAPAT MONG SABIHAN SI ATTY NA IPAGLUTO AKO NG MIDNIGHT SNACK

Tokyo:
Pabida ka rin talaga 🙄

Magdadala na lang kami ng pagkain, huwag mo ng paglutuin si Attorney

Or matulog ka na lang kaya ha?????

Kyotaro:
Ayoko nga

Hindi niyo nga ako pinasama na okay naman sina Mama Bear na sumama ako

Gusto mo lang masolo si Attorney!

Hoy, 40+ years na si Attorney, parang Papa na natin 'yan

Ano ka, anak?

Tokyo:
BATANG 'TO

HOY DIN

33 pa si Attorney!

Kyotaro:
Naalala ko pa na sobrang ayaw mo pa kay Attorney at binabash mo pa siya

Tapos ngayon, friends kayo??????

Madalas mo talagang kinakain mga salita mo

Dapat mataba ka na ngayon eh

Onee-chan, saan mo ba nakukuha tapang mo?

Binigyan ka pa ng notes para lang makapasa sa second year

Na ol

Tokyo:
Huh

Anong notes

Kyotaro:
Iyong binigay ko sayong notes

'Yung galing sa kuya ng classmate ko, si Kinsley

Bobo ako kaya 'nung sumama si Atty dito sa Japan, siya pala 'yung sinasabi ni Kinsley na Kuya niya, si Riggy, siya pala 'yung kuya niya na abogado

Tokyo:
Oh my god

I NEVER KNOW!!!!

Kyotaro:
Magkapatid talaga tayo

Parehas tayo bobo

ONEE CHAN, AKALA KO BA MATALINO KA

ANG OBVIOUS NG RIGGY NA KATUNOG NG PANGALAN NI ATTY. REAGAN

HALA

ANG TAPANG MO TALAGA

HINDI MO PINASALAMATAN NO?????

Tokyo:
My god!!!!

Siya rin 'yung nagbigay sa 'kin dati ng CK watch

Kyotaro:
HUH

BAHALA KA NA

BASTA 'YUNG PAGKAIN HA

BAWAL BOBO

Tokyo:
OMG

Seen. 2:25pm.

champagne problems (finished)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora