I saw them kissed twice!
At bakit hinahayaan lang iyon ni Mandy?

"Pare, ang aga yata nyan?" Lumapit sa akin ang bagong dating na si Lyndon.

"Wala nagpapalamig lang, kanina ka pa?" Pinipilit kong maging kalmado ang boses ko, ayokong magmukhang jealous husband sa harap nito.
Soon to be jealous husband siguro.
Uminom ulit ako ng pangalawang bote ko ng beer.

"Yeah kasama ko si Xander at si Hollie." Si Xander ang anak nito sa kababatang si Hollie. Hindi ko personal na kilala ito, dahil mula nga nang akalain kong namatay sya noon ay pinutol ko ang ugnayan ko sa lahat pati na rin sa kanila ni Mark. Lumipat ako ng university ng panahong iyon dahil maraming memories doon na nagpapa alala sa akin kay Mandy.

"It's been a while dude, thanks for coming and sorry sa nangyari noon, alam kong hindi ko kayo dapat idinamay sa mga nangyari."

"Hindi lang ikaw.. I have been in America for three years."

Nagulat ako sa sinabi nito.
Ganun ba talaga ako walang alam sa mga nangyari sa loob ng limang taon?

Tumawa ito ng mahina bago tumingin sa kinaroroonan ng mag ina nito.
I wonder kung anong nangyari sa kanila ni Heleina.
She's also here, halos magkasunod ang mga itong dumating.
Pero napansin kong malaki ang ipinagbago ni Heleina. Yun dating bubbly at palangiting Lei na kilala ko ay hindi ko makita sa kanya ngayon.

"We have a lot of things to catch up man. Anyway, I'm happy to see my cupcake again." Ngumisi ito.

Hindi ko pinansin ang itinawag nito kay Mandy.

"Yeah, kahit ako hindi makapaniwalang buhay talaga sya. Ikaw, mukhang happily married na ah" Tanong ko dito ng mapansin ko ang wedding band na nasa daliri nito.
Napansin kong mabilis nitong itinago ang kamay nito sa paningin ko.

"No, Hollie and I are not couple." Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.

Tumayo ito at naglakad papunta sa kusina. "Pahingi ng beer ha."

Umiiwas ito.

After my third bottle of beer ay nag decide akong maki join sa mga bisita at kamag anak namin or should I say kinilala kong kamag anak na kumakain sa may cottage. Napansin kong parang naka bukod ang mga oldies sa kabilang cottage.
Napangiti ako nang makitang masaya ang mga itong nagkukwentuhan.
I'm happy na kahit alam kong malungkot pa rin ang pagkawala ni mama ay pinipilit ng mga ito lalo na si lola na maging masaya dahil iyon naman ang kagustuhan ni mama.

Hinanap ko ang mag iina ko at nawala ang ngiti ko nang mahagip ng mata ko si Mandy wearing a sexy bikini. Nakaluhod ito sa buhanginan habang tinatakpan nito at ng kambal ng buhangin ang katawan nun pinsan nyang si Paulo at yun pekeng Italiano. Kasama rin nila si Lei na nakaupo lang sa may buhangin na nakatanaw sa dagat.

Eh kung ilibing ko kaya ng tuluyan ang hayup na yun?

Tigasin talaga sa kapal ng mukha.

Lumapit ako sa mga ito at lalo akong nakaramdam ng inis nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Mandy samantalang ang mga anak namin ay masayang tumakbo pa palapit sa akin at inakay ako.

Tumayo ito nang makalapit kami sa kinaroroonan nila.

"Pau puntahan ko lang si Lei." Naglakad ito at sa may banda ko dahil nasa may likuran namin si Heleina.

Hinawakan ko ito sa braso nang akmang lalampasan ako nito.

"Wait Mandy." Tiningnan ko ito nila ulo hanggang paa at napabuga ako ng hangin ng ilang beses nag dumako ang mata ko sa may bandang ibaba ng bikini nya. May naka tattoo'ng del Rio sa may right side ng hip bone nya. Nasa may bandang itaas iyon ng garter ng suot niyang bikini.

Damn.
She's sinfully sexy pero ayoko ng nakabalandra ang katawan nya sa maraming tao.

"Later sexy!" Narinig kong sigaw nun makapal ang mukhang lalake.

Fvck you! Gago! Akma kong susugurin ito pero niyakap ako ni Mandy sa bewang para pigilan.

"Stop Bryan, kasama mo ang mga anak mo."

"I'm sorry." Hinubad ko ang suot kong T-shirt at inabot ito sa kanya. "Please put this on." Akma itong tatanggi pero tinaasan ko ito ng kilay kaya wala na itong nagawa.

"Fine!" Hinablot nito iyon at mabilis na isiuot sa harap ko. "Happy?" Inis na tanong nito.

"Very." Ninakawan ko ito halik sa labi bago pa ito maka tutol. "Come on Adelle, Adryan, let's swim." Mabilis kong hinila palayo ang mga anak ko leaving their shocked mom.

Tinapunan ko muna ng masamang tingin yun motherfvcker na mukhang kanina pa kami pinapanood ni Mandy bago ko binuhat sa magkabilang braso ko ang kambal.

"Woooohooo!" Malakas kong sigaw na ikinahagikgik ng mga anak ko.

Malapit na mga anak.

_____________
Thank you for reading!

May story din si Lyndon at Heliena, please check nyo din po.:) Lyndon's Dirty Game ang tittle nya.

Vote.Comment.Fan

lovingly_yours007

03-13-2015

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now