42. The Sleeping Sloth

Comincia dall'inizio
                                    

Napalunok ako nang malalim at parang pinipigilan ko ang paghinga ko. The person inside, is stronger than Nyx.

Nagagawa niyang ganitohin ang mga myembro ng Sins, kabilang na rin si Chain.

Isang gifted na nasa tuktok ng tore. . . the Sleeping Sloth.

Rinig ko ang paghinga nang malalim ni Nyx. Ni hindi man lang niya kami nilingon nang magsalita siya.

"As always, be graceful, elegant, perfect if you must. She thinks she's a princess, so act like a royalty," marahan pero may tonong pahabol niya.

Hindi namin nagawang makasagot nang itapat niya ang tattoo niya sa pinto. Unti-unting nagliwanag ang mga simbolo bago ito isa-isahang nawala. Nagsi-ikot din ang mga lock at hindi nagtagal ay narinig namin ang pag-click nito hudyat na bumukas na ang pinto.

Dahan-dahang nagbukas ang pinto at sinalubong kami ng paghampas ng hangin na nanggaling sa nakabukas na balcony, kung saan kitang-kita ang dalawang buwan.

The room is full of gold furniture and paintings. There are also pillars and curtains to lighten up the room. Sa itaas ay isang napakalaking chandelier na nakapatay.

It looks like a royal's room.

Parang bumagal ang pagtakbo ng oras nang mapunta ang tingin ko sa isang babaeng kaswal na nakaupo sa napakalaking kama. Sumasabay sa paghampas ng hangin ang buhok niyang kasing kulay ng buhok ni Nyx, navy blue. She's wearing a white silk off shoulder dress.

Katulad ng kakambal niya, may nunal din siya sa ibabang labi at parang kulay nyebe ang balat niya dahil na rin siguro hindi siya lumalabas.

For a moment, I was stunned. She looks so stunning with her elegant posture.

Pero kaagaw-agaw pansin. . . ang itim na tela na nakatakip sa mga mata niya, dahilan kung bakit hindi ko 'to makita.

Katulad ng nasa pintuan, may mga simbolo rin ang telang nakatakip sa mga mata niya na kulay ginto.

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan, ilang segundo rin akong natulala at natahimik din sila. Nang may bumasag sa katahimikan.

"If you're happy and you know it, clap your hands."

Tumaas ang dalawang kilay ko. I was taken aback. Pero hindi man lang nagtagal ng ilang segundo nang makarinig ako ng pagpalakpak.

Kusang umawang ang bibig ko nang pare-parehong pumalakpak ang mga kasama ko. They freaking clapped their hands!

I heard a chuckle. "Eh? There are four people who entered. . . but only three of them clappped," may tono ng pagiging malungkot sa boses niya.

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang nagsasalita. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa babaeng kaharap namin na naghihintay na pumalakpak ang pang-apat.

"H-Hehe, I'm sorry, mahina ata ang pagpapalakpak ko," pag-ako ni Kris.

Humarap sa direksyon niya ang babaeng nakatakip ang mga mata. I saw him flinched.

"Hm. . ." Her smile faded. "Oh, well." Muli niyang pagngiti ulit.

Natigilan ako nang humarap siya sa direksyon namin, na para bang nakikita niya kami.

"It's been so long since you visited me, brother. I was already getting tired." Pagngiti niya.

Hindi pa 'ko makahabol sa mga nangyayari. Nabigla na lang ako nang lumapit sa harapan niya si Nyx para lumuhod gamit ang isang tuhod. Doon ko napansin na nakapikit din ang lalaking kasama namin.

He held her hand and kissed the back of it, as if he's a prince.

"I'm sorry, Hemera. We were too busy," kalmado at eleganteng sagot ni Nyx.

Nanatili kaming nakatayo sa mga pwesto namin. I don't know why, but even though the room is bright and light, the freaking atmosphere is suffocating.

Kumurba ang labi ni Hemera, Nyx' twin sister.

Mabilis ang pangyayari at tanging ang tunog na lang ng pagkakasampal niya kay Nyx ang narinig ko. Napaawang ang bibig ko sa nangyari, sa kabilang banda, ang mga kasama ko ay nanatiling seryoso ang mga ekspresyon. Walang ni isa sa kanila ang nag-react sa pagkakasampal sa Guild's master nila.

"Tsk, nagtanong ba 'ko ng rason? Bakit mo 'ko inuunahan sa pagsasalita?"

Napayuko si Nyx na marahang nakapikit at nakaluhod pa rin. "I'm sorry," maikling sagot niya.

Tanging pag-ismid ang sinagot ng kakambal niya bago prenteng umupo sa kama.

"It's not elegant at all. . ." she said, full of disappointment. "But I forgive your foolishness, brother. Because I love you. . ."

Bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin at lumapit siya kay Nyx. Marahan niya itong niyakap na may ngiti sa labi.

"We are one soul, divided into two bodies."

Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwala sa pinapanood ko. Hemera might be the strongest. . . but also might be the craziest Sin too.

Marahan niyang hinawakan ang buhok ni Nyx.

"Now then, I'm allowing you to speak. Tell me, brother, what makes you here?"

Napatikhim si Nyx bago dahan-dahang tumayo. Umangat ang tingin ng kakambal niya sa kaniya at humarap sa direksyon niya.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ni Nyx at nakayuko.

"Kailangan ka namin sa mission, kapatid ko," elegante niyang sambit.

"Oh, not surprising tho." Natatawang napatayo si Hemera. Naglakad siya papunta sa balcony na para bang nakakakita talaga siya. " Pumupunta lang naman kayo rito kapag kailangan niyo ang kakayahan ko."

"But still, kung 'yon ang sinabi ng Principal. Sino ako para tumanggi?"

Kita ko ang paghinga nang malalim ni Nyx. Sa gilid ko, pasimpleng napalunok nang malalim si Chain na nanataling seryoso ang ekspresyon.

"Thank you, sister. . ." humina ang pananalita ng lalaking nasa harap namin. "Gusto ko rin sana sabihin na. . . ako sana ang magsasabi kung kailan mo pwedeng buksan-"

"Ikaw?" pagputol ni Hemera.

Nakaroon ng sandaling katahimikan. Parang nag-aalinlangan si Nyx na magsalita.

Naramdaman ko ang biglaang pagbigat ng tensyon. May tono ang pananalita ni Hemera at agad siyang humarap sa direksyon namin.

"I'm the leader of this mission-"

"Are you telling me, you're stronger than me, brother?"

Hindi nakasagot si Nyx. Parang bumigat ang paghinga niya.

"Alam mo namang hindi mo pwedeng-"

"You didn't answered my question. Are you saying that you're stronger than me, brother?"

Hindi magawang maituloy ni Nyx ang mga sasabihin niya dahil lagi siyang pinuputol ni Hemera. Pabigat nang pabigat ang tensyon sa silid.

The Guild's master can't go against his twin sister. In the end, napayuko siya at maikling sumagot.

"No. . . you're much stronger than me, sister."

"I thought so too, brother."

Nagsimulang maglakad papunta sa direksyon namin si Hemera. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras nang unti-unti niyang inangat ang hintuturo niya.

"Instead. . . I'm letting that woman, control my eyes."

Pare-pareho kaming natigilan nang makitang nakaturo ito sa akin. She slowly flashed a smile.

"I'll let you use my ability, I'll give you theauthority to control my eyes."

Solar Academy: School for the TamersDove le storie prendono vita. Scoprilo ora