Kabanata 10 - [heavy heart]

Start from the beginning
                                    

Patay ako nito kila mommy at daddy. Tawagin ko nalang kaya si Ander. No! Hindi ko yun gagawin. Kailangan kong panindigan ang katangahan ko este desisyon pala.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad ng dahan dahan. Plano kong makapasok ng hindi nila nalalaman at magpapanggap na nasa kuwarto lang buong gabi.

Sana nga lang gumana ang plano ko. Huwag sana ako mahuli ng kahit na sino dahil kung hindi, tiyak na kapahamakan ang haharapin ko. Panoguradong may parusa ng ipapataw sakin sila mommy dahil sinuway ko ang utos nila. Pinagsabihan na nila ako dati at nangakong hindi na yun mauulit pero mas malala pa ang nagawa ko. Umaga na ako nakauwi pakshet!

Pero gayunpaman ay wala akong pinagsisisihan. Isang masayang araw at matamis na gabi ang nalasap ko. Lalo na't kasama ko ang boyfriend ko na walang ibang ginawa kundi ang patibukin ang puso ko.

Nasa may pinto na ako. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Sinilip ko muna kung may tao ba o wala bago ako pumasok. Nang matantong wala namang tao ay agad akong dumaretso sa hagdan. Makakahinga na sana ako ng maluwag nang mapasok ko ang aking kuwarto ngunit nadatnan ko doon sina mommy, daddy, at pati na rin si Lorio na naghihintay sa aking pagdating.

Napalunok ako habang kunakabahang nakatingin sa kanilang mga seryosong itsura at talagang nakakrus ang kanikanilang kamay na animoy malaking kasalanan ang aking nalabang at nasa korte ako ngayon.

"Uhmmm... H-hi m-om and d-dad." Kinakabahang usal ko. Kumaway ako upang ipakita sa kanila na hindi naman ako kinakabahan. I tried to act normal but I think I fail miserably.

Tumayo si mommy habang nakakrus ang kanyang kamay. Pinanliitan nya ako ng mata habang dahan dahang lumalakad palapit sakin.

"Where have you been?" Unang tanong ang hirap na ako sa pagsagot.

"Sa... labas po?" Kinurot ko ng palihim sa aking sarili dahil naghalatang nagtatanong ako. Halatang hindi ako sigurado at hindi naman tanga si mommy para hindi yun mahalata.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Exactly where sa labas?"

Tumingin muna ako saglit kila daddy bago ko ibinalik ang aking tingin sa nakakatakot kong mommy sa oras na ito. "Sa... uhmmm... sa.... may..." mas tumaas ang kilay ni mommy kaya mas nahirapan akong matuloy ang sasabihin ko.

Pero sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko. Nawawala lahat ng nasa isip ko dahil sa sobrang kaba.

Sa huli napagpasyahan kong umamin nalang. Hindi talaga ako sanay na magsinungaling. Iisipin ko palang ay hindi kona maatim. Feeling ko malalaman din naman ito at mas lalong magagalit lang sila mommy ay daddy.

Yumuko ako at huminga ng malalim. "I'm sorry, mommy, daddy, umalis po ako kagabi ng hindi nagpapaalam."

"At saan ka nagpunta?"

"Wait mommy mamaya na iyang question na yan. Hayaan mo po muna akong magpliwanag."

Nanlaki mata ni mom. "Aba't ikaw bata ka." Manunugod na sana kung hindi lang sya pinigilan ni daddy. Yipiee savoir ko talaga si daddy.

"Naomi, tama ang anak mo. Hayaan mo muna syang magpaliwanag."

"Kaya nga mom. Makinig ka kay daddy."

"Manahimik ka muna dyan, Semi. May atraso ka pa." Nasara ko naman agad ang bibig ko dahil doon. Seryoso ang boses ni daddy at mas nakakatakot kapag sya ang magagalit.

"Yan kasi ehh. Tatakas takas pa. Hindi nalang kasi magpaalam ng maayos. Napapagalitan tuloy. Tsk tsk." Sinamaan ko ng tingin ang nag-aasar kong kapatid. Naku kung hindi lang ako nasa ganitong sitwasyon ngayon malamang sa malamang ay tinamaan na sya sakin.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now