Kabanata 20

18.7K 170 8
                                    

Kabanata 20

"Are you planning to publicized everything now and then?"

Pinaglaruan ko ang wineglass na may kaunting alak na laman dito, napaisip din ako kung isasapubliko ko ang lahat ng tungkol sa pamilya namin. I can say that we are quit popular when It comes to different business.

Makapangyarihan si Papa na siyang may hawak ng pinakamalaking business sa buong bansa they are next to De Gracia who's the most richest of the Asia.

"Masaya naman kami ng anak ko kahit hindi ko siya ipakilala sa iba." suminghap ako.

Nakwento ko nga pala sa kanila ang lahat tungkol sa pinalabas ko na kapatid ko si Lucille at anak siya ng Papa ko para hindi kami mahanap ng mga De Gracia o hindi kaya ay wala silang paghihinalaan na buhay ang ipinagbubuntis ko noon. Ayoko ng magulo ang lahat kaya mas mabuti 'pang wala silang alam.

"Hanggang kailan mo itatago si Lucille?" nag-aalalang tanong ni Nari. "Hindi mo ba alam na nasasaktan ang bata sa tuwing tinatago mo siya? When she called you Ate in a public place? Gusto ka niyang tawagin na Mommy pero hindi niya magawa cause she respect your decisions to hide her. Hindi ba masyadong unfair na 'yon? Hindi mo ba naisip na ang selfish mo na dahil sa pagtatago mo sa kanya?"

"Ayoko lang siyang masaktan, Nari." umiling ako. "Hindi ko kayang makita ang anak ko na nanlilimos ng atensyon sa ama niya katulad ng mga naranasan ko noon, ayokong kaawaan nila ang anak ko dahil sa anak siya sa labas ni Luke. At ang mas malala pa, ayokong matawag ang anak ko na bastrada ng pamilya ng ama niya."

"Hindi ganoon ang mga De Gracia, Ariz." seryosong aniya. "Mababait sila pwera lang kay Luke na hindi ata namana ang kabaitan ng magulang niya. Mas mabuti sigurong kausapin mo si Lucille bago kayo bumalik sa De Gracia, hindi siya masyadong kumikibo sa akin at mukhang malungkot din siya. Hindi ko mabasa ang emosyon ng anak mo kaya mas mabuting kausapin mo siya dahil mukhang napapabayaan mo na siya dahil mas inuna mo ang trabaho mo kaysa sa kanya."

"I'll talk to her when she's awake. Natatakot lang talaga ako sa mga posibleng mangyari kapag nalaman ni Luke na buhay ang anak namin." napayuko ako. "Hindi ko kaya kapag kunin niya si Lucille, ayokong mawala ang anak ko."

Tinapik ako ni Nari bago niya ako iwan sa terrace, matapos kong magpahangin at mag-isip ay dumiretso na ako sa kwarto ni Lucille. She smiled at me genuinely as she open her arms to welcome me.

Niyakap ko siya at hinalikan sa noo ng makalapit ako sa kanya. Kinuha niya ang malaking teddy bear niya at niyakap, she eyed me innocently.

"Is there something wrong, Mommy?" she asked out of nowhere. "I overheard your conversation with Ninang, I'm sorry."

"It's okay, sweetie." ngumiti ako. "Magagalit ka ba sa akin dahil sa ginawa ko? I'm sorry, anak."

"I understand why you wouldn't publicized me as your child, Mom. I know that you only want to protect me from possible pain that I may encounter if ever you'll do it." she sighed sadly. "It's better if my real father doesn't know about me. It's okay with me, Mommy."

"What do you mean, sweetie?" I asked worriedly. "Are you still mad at your Dad?"

"Nah, kinda." she pouted. "I don't know what to feel tho."

"You shouldn't be mad to your Dad, sweetie. You should be mad at me since I decided that I'll hide you from your Dad. I'm deeply apologize of what I have done a years ago, Lucille." I said softly. "Mahal kita and I can't afford to lose you. Ikaw na lang ang meron ako, I'm sorry for being selfish because of what I have done. I'm doing my very best for you. I love you, anak."

"Hindi naman ako galit sa'yo, Mom. Mas galit ako kay Daddy kasi kung ganoon nga ang nangyari, bakit hindi niya man lang tayo hinanap? Dahil po ba may family na siyang bago at may baby na din siya? Ganoon ba 'yon, Mommy?" nagbabadya ang mga luha sa mata niya. "Naisip ko, Mom. Hindi niya ata ako mahal e. Hindi niya ata tayo mahal kasi kung mahal niya tayo, he will choose us. He will chase us, Mom. But I guess he's not. He doesn't love us."

Kissing The Winds (Alta Sociedad Series #1)Where stories live. Discover now